Neil
Pagkarating ko sa school agad akong sinalubong ni Amanda. "Good morning!" Bati nito.
Pumasok yung sinabi ni Rose nung isang gabi sa isip ko. Pero hindi naman kasi tama na paghinalaan ko na lang ito bigla bigla, isa pa wala pa akong napapatunayang bagay na makakapagsabi na totoo nga ang sinasabi ni Rose.
"So how are you na?" Tanong niya.
Natawa ako dahil parang ilang linggo kaming hindi nagusap, pero kahapon lang kami huling nagkausap.
"I'm very well fine." Sagot ko.
"Sigurado ka?" Nagtaas pa siya ng kilay, mukhang gusto niya talagang patunay na okay lang ako?
Ngumiti ako nang malapad, "Ano okay na ba?" Tanong ko habang hawak hawak ko yung expression ko sa mukha.
"AYAN!!" Sigaw niya, dali dali niyang inilabas ang phone niya at nakipagselfie. This time parang nawawala na yung duda ko dahil wala namang kaduda duda sa mga ginagalaw niya.
"It's my first time to take a picture with you." Sabi niya at nagtatalon talon na parang bata, tumigil siya sa harap ko nagulat ako nang bigla itong humawak sa buhok ko. Kumunot tuloy yung ulo ko.
"Anong ginaga---" Naputol ang aking sinasabi sa biglaan niyang pagsasalita
"Ayan edi mas maayos kana tignan." Nacurious tuloy ako sa ginawa niya sa buhok ko. Pero imbes na ituon ko ang atensyon ko sa buhok ko, inaya ko nalang ito na maglakad na ulit.
Pagkarating namin sa classroom ay napatingin ako kay Rose, agad na napangiti ito saakin ng malapad. "Hi Neil!" Sigaw nito at nagwave pa.
Agad na napatingin yung mga ibang kaklase ko saakin, pero kay Rose ko lang ibinaling ang tingin ko at tyaka kumaway pabalik. She was really back to the real Rose, yung siya na kakilala ko.
"Pabida." Bulong ni Amanda.
"Ano yung sina---" naputol ang aking sinasabi nang maglakad na ito, pinalagpas ko nalang yun at pumunta narin sa upuan ko.
Nang matapos na akong maglunch ay agad akong dumiretso sa library para magbasa na naman, nang matapos na nagmamadali na akong umalis, sa pagmamadali ko halos mabangga ko sila Rose at Pan na papasok dito sa library.
"So---" hindi ko matapos ang sasabihin ko dahil sa bigla silang ngumiting dalawa. A mixture of apologetic and nagmamakaawa na parang nakikiusap na ngiti. Is there some sort of nagmamakaawa at nakikiusap na ngiti? Nevermind.
"Neil pwede ba kitang makausap?" Pagtatanong ni Pan at napayuko ito. "If you are still thinking what I did to you---"
"Sure." Maikling sagot ko. It's okay to talk to her because we can find a way to fix things up, to get everything better.
Nauna na silang naglakad, wala akong nagawa kundi sundan nalang sila, I have no idea kung saan nila ako gustong kausapin. Tumigil kami sa silong ng isang puno kung saan ko madalas tumambay kapag mag-isa ako.
"Neil." Tawag ni Pan at humarap saakin. "I'm sorry for what have I've done. I know it's not my right place to say that to you---"
"It's okay I'm fine now." Nagtaka nga rin ako noon kung bakit bigla nalang siyang ganun, pero at the same time nakaramdam ako ng sakit sa mga sinabi niya.
Tahimik lang si Rose napinapanood kaming dalawa naguusap, nang mabaling ang tingin ko sa kanya napunas siya sa kaliwa niyang mata. Nakapag apologize na siya saakin pero, may mga instances parin na nakikita ko ang taos puso niyang pag aapology niya saakin. I know it's hard to be judged base from other's, pero hindi din naman matatapos ang lahat ng mga hindi pagkakaunawaan kapag walang kapatawaran.
BINABASA MO ANG
Just Friends [Boys Love]
Novela JuvenilNeil grew up in the province and was sent to the city, so he can continue his studies in order to pursue his goals and dreams in life. As times pass, he became famous on his school because he is known for being an intelligent and handsome guy. Then...