Neil
So last day was not that good. Pagkauwi ko, I spent my time listening to music at tyaka natulog. I cried, oo nasaktan ako sa ginawa ko, pushing us to be just friends kahit nahihirapan din ako. I know it is very hard, pero hindi pa naman malalim ang pagkakahulog ko sa kanya well I can't really tell. Oo talagang gusto ko lang siyang makita bilang kaibigan. Seryeso talaga ito.
Ngayon magbabago na talaga. Final na talaga ito, mahirap parin pero lalaban parin ako. Everything we went through kakalimutan ko na talaga. Nakita ko siya kanina, like what I've expected umiiwas rin siya saakin, well that be would very nice.
"Hey!"
Nawala ang malalim na pag iisip ko, at agad na napatingin sa mga kasama ko.
"Ang lalim na naman ng iniisip mo." Gail said.
"Kung tungkol ito sa naging away-----"
"No!" Pagpuputol ko sa sasabihin ni Kurt. "I'm just thinking about our presentation for tomorrow." I lied.
Nadelay kasi yung presentation, ngayong lunes sana pero dahil nagkaroon ng meeting ang mga teachers hindi na natuloy kaya bukas pa.
Inakbayan ako ni Gail. "We've been practicing so hard kaya no need to worry."
Tumango tango lang ako bilang sagot dahil hindi naman ako talagang nag aalala sa presentation namin bukas eh.
"Hoy tama na ang drama. May assignment tayo dito oh." Pagpuputol ni Mark.
Napatawa kami ni Gail at tyaka na namin itinuloy ang pagsagot sa assignment namin. Nandito kami sa dorm ni Mark sumasagot kami ng mga assignment namin gabi na. We didn't stay so late dahil may pasok pa kami bukas.
° ° °
Kakatapos lang ng presentation namin lahat, this is it. The awarding of who will be the winner.
"The best presentation will be..." Sabi ng guro. Kinakabahan ako I keep on tapping my shoes on the floor. "Group 2"
Napalakpak nalang ako, habang yung mga kasama ko nagsisigawan na sila. Oo kami yung Group 2.
"Congrats." Bati ko sa mga kasamahan ko, para kaming nakipagcompete sa isang bansa, dahil sa sayang ipinapakita ng mga kasamahan ko.
Ngiting panalo akong umuwi. Wala naperfect ko yung quizzes namin, tyaka nanalo ang grupo namin, diba? Para more high grades to come. Kakatapos ko lang na magshower I feel refreshed and yeah very refreshed.
Dumiretso na akong nagpalit at tyaka umupo sa kama at kinuha ang phone ko. Itinuloy ko ang pagsusulat ulit for the new update. Ewan ko kung ano ano na ang naisusulat ko basta ang itinatatak ko sa isip ko, kung anong maisulat ko diretso na agad tapos kapag natapos na siya then magpafinal edit na lang ako.
Napatigil ako ng biglang tumawag saakin through messenger. Kasi nakaconnect ako sa wifi dito sa building namin. It was Harold.
Dali dali ko itong sinagot. "Yes?" I asked. Tawag naman yun eh.
[Nakita mo ba si Luke?]
Who the heck ask kung nakita ko siya? Hindi ko talaga siya nakita kaninang umaga nga lang.
[Hello still there?]
"Oo nandito pa ako." Sagot ko sa huli niyang tanong. "Hindi ko siya nakita kaninang umaga lang pero di kami nag-usap."
[Kanina pa siyang wala hindi pa nga siya pumasok tapos ngayong oras wala parin.]
Napatingin ako sa oras. Eight o'clock palang. "Baka uuwi rin mamaya yun lam mo na baka may dinaanan lang siya."
BINABASA MO ANG
Just Friends [Boys Love]
Teen FictionNeil grew up in the province and was sent to the city, so he can continue his studies in order to pursue his goals and dreams in life. As times pass, he became famous on his school because he is known for being an intelligent and handsome guy. Then...