Chapter 01 - Celestina

22 5 0
                                    

Note: This book is unedited. Please beware of typos and grammatical errors.
______________________________________________________________

Clock: 6:15 am
Friday, November 17, 2017

New morning, new struggle again.

New morning, panget pa din.

"Tina, bumaba kana riyan!" sigaw ni mama mula sa sala. I packed my things quickly saka dali-daling bumaba upang maligo.

Nilapag ko muna sa sofa ang aking bag bago nagtungo sa banyo.

"Good morning, ma!" I greeted nang makita ko syang abala sa pagluluto ng ulam. Tumingin sya sakin at tumango,

"Good morning!" bati nya pabalik bago ako tuluyang pumasok sa cr.

I'm just a simple girl. Walang ibang pangarap kundi ang mahalin ng lahat. Tanggapin ng lahat, at higit sa lahat magiging lahat-ow mali. Magiging sapat kasi 'yon.

Si papa lang ang nagtatrabaho sa amin. Si mama kasi nasa bahay lang upang magsilbi, magluto, maglaba, at maglinis. Pero minsan tumutulong naman ako no.

Minsan nga lang!

Syempre I am a busy person. Projects here, reports there, debate everywhere. Gayung patapos na ang school year, at magc-college na ako sa susunod na pasukan kaya kailangang ipush ko talaga ang sarili ko para naman makakuha ako ng medyo maganda sa mata na grades.

Ayokong ma-disappoint sina mama sakin.

Work hard. Yun lang at mapagtagumpayan ko rin ang lahat.

"How's your school?" huminto ako sa pagnguya at ibinaling ang paningin sa nagsalita.

Si Papa. Seryoso lang ang titig nya sa platong pinagkainan nya.

I smiled.

"Okay naman po. Medyo busy na nga lang, kasi po diba patapos na yung school year. Ang daming gawaing binigay samin ng teachers. Left and right." pati utak ko nahati na rin, nakaka-stress kaya.

"I know." aniya at bumalik sa pag-kain.

Hindi ko mapigilang hindi mapairap sa hangin dahil sa isinagot nya. Pano ba naman kasi nagtatanong pa e' alam nya na naman pala. Nakita ko namang napailing si mama dahil dun.

"Matatagalan ako sa pag-uwi mamaya dahil may pupuntahan pa akong meeting between 7-8 pm kaya mag-commute ka nalang pauwi." pagsasalita ni papa habang abala sa pagd-drive.

"Sige po. Ingat kayo sa pag-uwi." tugon ko bago ko buksan ang pintuan ng sasakyan at bumaba.
"Sasabihan ko nalang po si mama" dagdag ko.

"Ok. Take care!"

Matapos kong magpaalam kay papa ay kaagad na akong dumeretso sa loob ng campus. Sumalubong sakin ang simu't-saring ingay, sigawan at tawanan ng mga estudyanteng nakakasalamuha ko habang naglalakad papuntang classroom. Umaga palang pero yung iba naliligo na ng pawis.

"Oy andyan na pala si Ms UD!"

Puno ng tawanan ang loob ng classroom nang dumating ako. Lahat sila sakin ang tingin. Literal na lahat. Laglag ang mga pangang nakatitig sakin habang patuloy pa din sa pagtawa. Buti nga at di sila nauubusan ng hangin, e.

Well, wala namang bago. Walang araw na hindi ito nangyayari sa buhay ko as senior student dito. Sanay na ako kaya naman hindi ko nalang sila pinapansin.

"Good morning, Ms UD!" dinig kong bati sakin ng seatmate ko nang makaupo ako. Tinapunan ko lang sya ng malamig na tingin.

"Ba't ang tahimik mo? Hindi ka ba nasasaktan o naaapektuhan man lang?" kahit di ako nakatingin sa kanya ay halatang halata sa boses nya na nakangisi sya ngayon.

Parallel Universe (ON-GOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon