Celestina
“Ano ba?! Bitiwan nyo nga ako!” kanina pa ako nagpupumiglas at nagsisigaw dito pero wala parin silang mga imik at patuloy pa din sa paglalakad.
Hindi ko rin alam kung bakit yung mga taong nakakasalubong namin ay parang wala lang sa kanilang nakikita akong pwersahang hinihila ng mga ito. Sabagay, ano ba naman ang aasahan ko sa kanila e' panget lang ako.
At wala silang pakialam dun.
“Ouch! Bwesit!”
“Sorry po.”
Napatingin ako sa harap ni Stephanie. May isang nerd na babaeng nakahalukipkip at mukhang kabado. May plastic cup din na nakatapon sa paanan ni Stephanie.
“Saan ka ba nakatingin, ha?!” galit nitong sigaw sa nerd at yumuko upang kuhanin ang plastic cup.
“Sorry po–”
Napasinghap ang lahat nang ingudngod ni Steph ang plastic cup sa mukha ng kawawang nerd. Mukhang naiiyak na sya sa hiya.
“Sorry? Para saan pa ang sorry mo kung nasira mo na ang uniform ko? Alam mo, itong uniform na tinapunan mo ng coffee, mas mahal pa 'to sa buong pagkatao mo!”
“Ano na? Tapos kana ba sa panglalait mo?” tinaasan ko sya ng kilay. Ngayon nalipat na sakin ang atensyon nya.
“Hindi ka pa ba kuntento sa panglalait mo sakin?” kita kong nag-aapoy na sya sa galit. Pfft yan nga, magalit ka lang.“Punyeta ka! At sinong may sabi sa'yong pwede kang mangialam dito?” aniya saka ulit lumingon doon sa babaeng nerd.
“Hindi pa ako tapos sa'yo. Humanda ka sakin mamaya pagkatapos ko dito sa babaeng 'to.” pananakot nya bago sumenyas dito sa dalawang lalake na kanina pa nakahawak sa magkabila kong braso.“Ano ba kasing gagawin nyo sakin?” sigaw ko habang pilit ulit na nagpupumiglas. But none of them responded.
Kapag ako napapahamak dito hinding-hindi ako magdadalawang isip na mumultuhin sila.Mark my word.
Mark. My. Word.
“Itali nyo yan. Siguraduhin nyong hindi yan makakatakas dahil kung hindi, humanda kayo sakin.” kumunot ang noo ko nang mapansing nasa gubat kami ng campus. Gubat na ipinagbabawal pasukan ayon sa head ng university dahil daw delikado.
“Stephanie, bakit nyo'ko dinala rito?” pagtatanong ko ngunit ngisi lang ang tangi nyang ibinalik. Bwesit!
“Ano pang hinihintay nyo? Bilis na!!” baling nya sa dalawa. Nakita kong kumuha ng tali ang isang lalake mula sa isang blue na bag saka naglakad palapit sakin.
Naisin ko ma'ng magpumiglas at tumakas pero hindi kaya ng katawan ko ang dalawang 'to.“Tatawagan ko lang si Mea. Bantayan nyo yan, I'll be right back.” pagpapaalam ng bruha.
I looked at the two. Pareho silang pinagpawisan habang nakatingin sa isa't isa. It seems like they are planning for something against me.
Nakatali na ako ngayon sa isang puno rito sa gitna ng gubat. Until now diko talaga alam kung anong trip nila sa buhay at ginagawa nila 'to sakin.“She's really ugly.” dumako ang paningin ko sa isang puno kung saan naroon si Stephanie kasama ang isa sa mga kaklase rin namin na si Mea.
“Mabuti naman at nagawa nyo ng maayos ang ipinagawa ko. At ngayon, humanda ka na, Tina.” sambit sakin ni Mea na may halong nakakalokang ngisi.
She looked at me from head to foot. Foot to head, and then head to foot ulit. Ngumiti muna sya saka walang pasabi nya akong sinampal ng pagkalakas-lakas. Parang lumipad ang kaluluwa ko dun ah.

BINABASA MO ANG
Parallel Universe (ON-GOING)
FantastikA story of an independent woman who used to be a victim of bully because of her ugly and weird face. Someone helped her and bring her to another world where she never thought existed. A world which is very different from our world.