Chapter 15
DAYS have passed and the immense improvement of Sheen is becoming apparent. Her stance, gestures, and speech underwent a big leap, totally changing her almost primitive past. On top of that, her beauty became even more phenomenal as her scars evanesced, completely exuding the sheen of her visage.
Nakaupo ngayon sa couch ang magkapatid habang si Sheen naman ay nakaupo sa center table at may hawak itong marker at whiteboard. Magkakaroon si Sheen ngayong gabi ng 'summative assessment' na purong pakana ni Miguel. Sa totoo lang ay hindi interesado si Dusk sa lahat ng ideya ng kapatid niya, pero kasali si Sheen kaya naman alisto siyang umupo para makisali sa kanila.
"Nga pala Kuya, anong nakain mo at binilhan mo ako ng condo? At chiceck ko kay Ex kung totoo ba 'yun at nalaman kong hindi lang pala isang condo unit ang binili mo kundi 'yung buong building!" sabi ni Miguel na may halong gulat at saya
"Coz I can" simpleng sagot ni Dusk
"Hay naku. Kung kasingyaman lang talaga kita Kuya bibilhin ko na lahat ng night club sa buong mundo."
"Edi 'yan sana hiniling mo"
Gulat na napatingin ang kapatid kay Dusk dahil sa sinabi niya. "Tototohanin mo 'yun Kuya?" mas lalo pang nadagdagan ang gulat na may halong panghihinayang sa mukha ni Miguel nang tumango siya
"Ampota dapat pala sinu- aray naman kuya!"
"Your language moron" kinurot ni Dusk sa tagiliran ang kapatid niya dahil sa pagmumura nito gayong kasama nila si Sheen
"Mí Angel, wala kang narinig sa sinabi ko 'di ba?"
"Nakikinig naman ako. Sabi mo "ampota da-
"HINDI Mİ ANGEL WAG MONG SABIHIN 'YAN!" napasigaw na lang si Miguel para maiwala nito ang sinabi ng dalaga pero nabigo ito dahil ang sama na ng tingin sa kanya ni Dusk
"Sorry Kuya. Wag mong babawiin 'yung building ha. Please lang may paggagamitan ako nun." Mahiya-hiyang pagmamakaawa ni Miguel
"For what?"
"Doon ko dadalhin 'yung mga babae para hindi na ako mapagod na bumiyahe from one place to another. Buti 'yun at sa iisang building na lang." Akala ni Dusk ay sobrang importante na ng paggagamitan nito rito pero napairap na lang talaga siya sa kalibogan ng kapatid. A motherfucker indeed.
"Dadalhin mo r-rin ako doon?" gulat na napatingin ang dalawa sa tanong ni Sheen pagkatapos ay tumingin ulit ng masama si Dusk kay Miguel para sabihing ayos-ayusin nito ang isasagot dito
"Ah a-ano.. Hindi kita pwedeng dalhin doon Mí Angel eh"
"Bakit? Babae n-naman ako" dismayadong sabi ng dalaga
"Eh kasi a-ano... ano... dadalhin ka kasi ni Kuya sa mas magandang lugar. Oo ayun nga" agad na tumingin si Sheen kay Dusk para kumpirmahin ang sinabi ni Miguel
"Ah... Oo. Tama 'yon" tumango-tango ang dalaga matapos itong kumpirmahin ni Dusk. Buti na lang at naniwala ito sa kanila kundi mananagot na naman ang kapatid niya dahil sa katarantaduhan ng mga sinasabi nito.
"Okay! Start na tayo sa summative mo Mí Angel." Biglang sabi ni Miguel para ma-divert ang topic. "At ang unang tanong ay.... Kung ako ay gwapo, ano naman si Kuya?"
Hindi makapaniwalang napatingin si Dusk sa kapatid. "Seriously? That's the question?" Proud na proud na tumango si Miguel sa kanya habang si Sheen naman ay nagsusulat na ng sagot nito sa whiteboard.
![](https://img.wattpad.com/cover/232816718-288-k8940.jpg)
BINABASA MO ANG
CDE 1: See You In The Dark
Любовные романыDusk Stefan is known for his very calm yet dangerously lethal personality. His below zero degrees vignette is beyond hostile that only the ones he cherishes the most barely gets a warm spot. In a nutshell, his name is next to stoic. Unfortunately, h...