Chapter 29

1.1K 50 6
                                    

Chapter 29

ZION is now all dressed and ready to go to work. Nakabihis na rin si Lorienel at hinihintay na lang siya nito na bumaba sa living room para sabay silang pumasok. Pero may mas maganda siyang plano kaysa sumabay rito.

"Babe, mauna ka ng pumasok. May naiwan kasi ako sa apartment eh kaya kailangan kong dumaan doon. Anyway, 10:30 pa naman 'yung shoot ko kaya may oras pa ako." Sabi niya pagkarating sa living area

Tumayo si Lorienel at inayos ang pencil cut skirt nito. "I can accompany you. I have time pa naman"

"Hindi na Babe. Alam kong marami ka pang gagawin at ayokong ma-hassle ka." Pagkumbinsi niya sa amo. Hindi dapat sumama ang boss niya sa pupuntahan niya dahil sa basement lang naman ito at mas lalong hindi niya kailangan ang presensya ng matanda.

"Okay. Mag-ingat ka ha. And please be quick Babe or else I'll miss you." Hinalikan siya nito sa labi at saka umalis na.

Siniguro muna ni Zion na nakaalis na ang kotse ng babae bago siya may kinuha sa kwarto at naghanda ng pagkain. Hindi niya alam kung binigyan na ni Lorienel ng pagkain si Sheen kaya minabuti niyang magdala na lang dahil ito naman ang routine niya sa tuwing pumupunta siya sa basement.

Pinatay niya agad ang ilaw pagkarating niya rito at inilapag ang mga dalang pagkain sa harap ni Sheen. Sa araw-araw niyang pagbisita ay alam na ng dalaga kung narito na siya dahil aayos na ito ng upo.

"Good morning Babygirl!" Masiglang bati niya. "Sorry talaga ha. Kahit gustong-gusto kitang dalhan ng unan at higaan dito, hindi talaga pwede kasi may matandang bruha sa taas" nakikinig lang sa kanya ang dalaga habang kumakain ito. Alam niya namang sanay na ito sa paghiga sa sahig pero hindi niya pa rin maiwasang mag-alala sa lagay nito.

Nakatingin lang siya sa dalaga habang kumakain ito nang mapansin niyang parang naduduwal ito. Dali-daling kinuha ni Zion ang plastic na pinaglagyan niya ng pagkain kanina at iniabot ito kay Sheen.

Hinawakan niya ang buhok ng babae para hindi ito humarang sa mukha nito at marahan niyang hinagod ang likod nito. "Shit Babygirl may sakit ka ba?" Niramdaman ni Zion ang ulo at leeg nito pero hindi naman ito mainit.

"Hindi mo siguro nagustuhan itong pagkain. Babygirl wag kang mahihiyang magsabi sa akin kung ayaw mo 'yung pagkain ha?" He sincerely said as he gave her a water to drink.

Pinunasan ni Zion ang labi ng dalaga at inilayo niya ang plastic dito. "Okay ka lang ba Babygirl?" Tumango si Sheen at parang okay naman na ito. "Hays pinag-alala mo talaga ako"

"Wag mo ng kainin ito Babygirl. Ito na lang" inabot ni Zion sa dalaga ang sandwich na kakainin sana niya mamayang nasa byahe siya. Di bale ng siya ang hindi mag-agahan kaysa si Sheen.

"Babygirl, baka gabihin na ako ng uwi mamaya dahil sa schedule ko kaya baka hindi na kita madalaw rito. Alam kong bibigyan ka nung matandang 'yon ng pagkain. Baka kasi makahalata siya eh kung mag-iiwan ako rito. Pero kumain ka pa rin ha?" He was relieved when Sheen nodded.

"Hindi mo man lang ba ako mamimiss? Unang gabi ito na hindi tayo magkikita." Umiling si Sheen kaya napasimangot siya.

"Hay, napakahonest mo naman Babygirl. Pwede namang magkunwari ka kahit ngayon lang eh." Nginitian lang siya ng dalaga pagkatapos nitong uminom ng tubig.

"Anyway, dahil wala nga ako mamayang gabi, ngayon ko na lang 'to gagawin." Kinuha ni Zion sa side niya ang gitarang dinaanan niya sa kwarto kanina. "May kanta ako para sayo Babygirl. Gusto mo bang marinig?" Nakangiting tumango si Sheen kaya naman mas ginanahan siya sa gagawin niya.

CDE 1: See You In The DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon