Chapter 30

1.1K 48 4
                                    

Chapter 30

MAG-aalas onse na nang makauwi si Zion sa mansion ng boss niya. He is totally exhausted by doing everything listed in his full-packed schedule and he badly wants a sleep now. On his way, he considered visiting Sheen even just for a minute, but he remembered that Lorienel actually went home earlier than him so she's probably inside the house by now.

Madilim na ang living room pati ang kusina nang makapasok siya kaya inisip niyang baka nasa kwarto na ang matanda. Hence, he went upstairs to check if she's already sleeping so that he can say goodnight to Sheen even just for a bit. But he found no one in the room sleeping. Imposible namang umalis si Lorienel dahil palagi itong nagsasabi sa kanya sa tuwing may biglaang lakad ang matanda.

Hindi kaya...

Patakbong umalis si Zion sa room nila at tahimik niyang tinungo ang Basement. Kinakabahang pinihit ni Zion ang pinto patungo sa baba at tama nga siya. Bukas ang kadalasang saradong pinto at hindi pa man siya nakakapasok ay naririnig niya na ang boses ni Lorienel.

"May business trip ako sa mga susunod na araw kaya binabalaan na kita. May kasama na ako ngayon dito sa bahay at maiiwan siya rito kaya wag na wag kang gagawa ng kahit na anong ingay kundi hindi lang ito ang aabutin mo sa akin." Rinig niyang sabi ng matanda. Halatang nanggigigil ang boses nito at kahit pa hindi niya nakikita ang nangyayari ay mahihinuha niyang mahigpit at marahas nitong hinahawakan sa baba o sa kamay si Sheen.

"At bakit ang konti na naman ng kinain mo, ha? Hindi ba't sinabi kong ayoko ng may nakikita akong tirang pagkain galing sayo? Letse, kumain ka! Hindi ako papayag na mamatay ka kaagad. Hindi pa sapat 'yung oras na inilagi mo rito dahil kailangan mo pang magdusa nang matagal! Naiintindihan mo ba?!"

"Kaya kainin mo ito. Iyan! Iyan! Kailangan ko pa pa lang isaksak sa bunganga mo itong pagkain eh punyeta ka!" Zion is on his fists and he is clenching his jaw out of so much anger. Mariing nakapikit ang mga mata niya habang pinapakinggan ang kademonyohang ginagawa ng boss niya sa babaeng mahal niya.

"Ano?! Gusto mo pa bang ibato ko sayo 'tong plato bago mo ibukas 'yang bunganga mo? Aba! At talagang sumasuway ka na ngayon ha" nakarinig si Zion ng pagbasag ng pinggan kaya mas dumoble ang kaba at galit na nararamdaman niya. Tangina! Kung may mangyayari talagang masama sa kanya hindi ako magdadalawang isip na iwan ang desenteng buhay na 'to at maging kriminal ulit!

Grabe ang pagpipigil ni Zion sa kanyang sarili para hindi siya mabulag ng galit niya at tuluyan nang pumasok sa eksena. Sa totoo lang ay kanina pa niya gustong pumasok para iligtas si Sheen pero hindi pwede. Mas lalala lang ang sitwasyon kung magpapadalos-dalos siya.

"Letse! Bakit ba ang hirap hirap mong pakainin?! Ikaw na nga 'tong pinapalamon, nag-iinarte ka pa! Hay! Linisan mo 'yan! Kung makikita ko pa ang kalat na 'yan bukas, ipapakain ko talaga sayo 'yan!" narinig ni Zion ang papaalis na mga yabag ni Lorienel mula sa basement kaya naman tahimik siyang tumakbo palabas para hindi siya nito maabutan.

Bago pumasok muli sa loob ng bahay, pinakalma muna niya ang kanyang sarili at pilit niyang itinatago ang galit na nararamdaman para hindi makahalata ang matanda.

Pumasok si Zion sa loob na kunwari ay pagod na pagod galing sa trabaho. Wala pa si Lorienel sa living room kaya naman tinungo niya ang kusina para kunwari ay iinom siya ng tubig. Pagkabukas niya ng ref ay sakto namang lumabas si Lorienel mula sa pinto malapit sa basement. Binuksan niya ang ilaw bago siya pumunta sa ref kaya naman nahalata niya ang pagpalit ng ekspresyon ng boss niya mula sa iritadong mukha na ngayon ay masaya na.

"Oh! Babe, kararating mo lang?" kung magaling umarte si Lorienel, sigurado siyang mas magaling siya kaya naman ngumiti siya sa matanda at lumapit siya para yakapin ito.

CDE 1: See You In The DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon