Chapter 53

1.2K 54 0
                                    

Chapter 53

LUMIPAS ang isang linggo at mas lalong nakilala ni Sheen ang kapatid niya. Bumalik na rin kasi sa trabaho si Dusk kaya si Firess ang kasama niya every time and she enjoys every moment that she is with her. Napakakalog ng kapatid niya at maangas man ito magsalita at manamit, Firess still has a soft and adorable heart. If Sheen is going to describe her, she's the coolest and cutest sister in this whole world.

Nasa penthouse sila ngayon ni Dusk dahil dito na tumitira ang kapatid niya. Hindi kasi nito natagalan na tumira sa palasyo dahil puro sila away ni Miguel at muntik pa ngang magsuntukan ang dalawa. Dusk was not mistaken when he said that Miguel has finally met his match. But unfortunately, he found not a partner but a matched enemy.

"Ate halika, aayusan kita," hinila siya ng kapatid niya at pinaupo siya nito sa vanity mirror. Naglabas din ito ng makeup at mga kung anu-ano pa.

"Alam mo?" Firess smiled at her

"Lihim kong tinatago noon 'yung mga lipstick ko ate at nagmemake up ako sa tuwing malungkot na malungkot ako. Kasi di bale ng malungkot di ba basta maganda ka," Firess might be joking right now but she can still see pain in her eyes.

"Do you mind if I ask what they really did to you?" tanong niya habang nagsimula na siyang ayusan nito. Sa mga nakalipas kasi na araw, she did not ask her sister about this matter because she knows the feeling of how painful it is to reminisce your dark past.

"Mmmm, nabuhay akong parang hindi nabubuhay Ate. Na parang wala ring mga magulang kahit na nandoon lang sila. Hindi ko naman naramdaman na mahal nila ako or pinapahalagahan nila ako kasi nakakulong lang ako sa isang kwarto. Pinapakain naman nila ako kung trip nila pero kadalasan si Manang Zelma lang ang nagpapakain sa akin. Tapos noong naging 16 na ako, nadanas ko na kung paanong mamuhay na parang nasa impyerno. Ni minsan ay hindi nila ako itinuring na kadugo nila ate," parang tinapunan ng malalaking tipak ng bato ang puso ni Sheen. They became this horrible even with my little sister? What kind of parents are they?

"Hala wag kang umiyak Ate. Okay na ako ngayon at malaya na ako sa karahasan nila kaya magsmile ka na," ngumiti siya sa kapatid niya kahit na nilulukob pa rin siya ng sama ng loob.

"Ako na yata ang pinakamasaya noong nalaman kong patay na sila. Masama na ba akong anak kung ganun Ate?"

Hinawakan ni Sheen ang kamay ng kapatid niya. "I know that we're full of anger and resentment towards them but they are still our parents. Hindi man nila tayo hinangad na mahalin at alagaan, we can't still be here if it's not with them. But I want you to also know that it's okay to feel anger. It's okay to despise them because it's our nature to feel that way. At wala kang kasalanan Firess."

"Ang bait talaga ng Ate ko. Maganda na nga, mabait pa."

"And you're beautiful too."

"Aba syempre. Nagmana ako sayo Ate eh."

The two giggled and Firess continues to do her makeup. After a while, Sheen's phone beeped and it is a message from Dusk.

My Life, I still can't be home tonight coz our departure has been moved to the other day. Don't forget to eat, okay? I miss you so much and I love you the most.

Sheen smiled yet she's still sad. Tatlong araw ng hindi niya nakikita si Dusk dahil may misyon silang tinatapos sa Guam at miss na miss niya na ito. Buti na lang at nagstart na siyang mag-aral sa all girls academy, as per Dusk's request, at mabuti na lang at meron ang kapatid niyang nakakasama niya para kahit papaano'y madivert ang pagkamiss niya sa binata.

"Miss mo na si Kuya Pogi 'no Ate?" Asar ng kapatid niya yet it's true. "Alam mo Ate, idol ko kayong dalawa ni Kuya Pogi. Ang ganda-ganda ng love story niyo at mahal na mahal niyo talaga ang isa't isa."

CDE 1: See You In The DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon