Chapter 6

15 6 0
                                    

"Kinakabahan talaga ako, bhe. Hindi kase ako nag review eh!" parang maiiyak na sabi ni Demi.

Ngayon kase lalabas iyong result ng exam namin ngayong 3rd periodical exam. Doon daw naka paskil sa may bulletin board malapit sa faculty iyong result ng exam.

Hindi naman ako kinakabahan sa result ng test ko kase alam ko naman na may tama akong naisagot hehe. Nag review naman ako eh onti nga lang.

"Lagot ako kapag bumagsak ako, bakit kase hindi ako naka pag review eh!"

"Tamad mo kaseng mag aral eh" pag aasar ko sa kanya.

"Wow ah? Comforting" umirap sya saakin at nag alma na naman ulit.

Hindi nagreview tapos kapag labasan na ng result saka mag mamaktol. Hay nako Demi.

"Tara na tingnan na natin iyong result!" excited na sabi ko.

Hinila ko na sya dahil ayaw nya pa sumama. Kinakabahan daw ang loka.

Pagdating namin doon ay halos wala ng mga estudyante na tumitingin sa result. Siguro nakapunta na sila dito kanina pa.

Pumunta ako sa tapat ng result ng mga fourth year. Hinanap ko ang pangalan ko at ayos naman ang resulta. Pasa naman. Pasang awa. Charot! Syempre pasa ako. Hindi man perfect pero pasa!

25. Jaspher Lustre

Nangunguna ang pangalan ni Levi, ang talino talaga nya.

1. Levi Wein Madrid
2. Zyn Maxco Madrid
3. Sun Tiel Lustre

Ang talino din pala ng pinsan ni Levi pumapangalawa ang lolo nyo!

At itong si Tiel hindi manlang ako sinabihan na mag rereview sya ng bongga! Masyadong ginalingan at pangatlo si pinsan!

Sunod kong hinanap ang kay Demi.

Demi...

Demi...

Demi...

85. Demi Lenon Cruz... Ok no comment tayo dyan.

"Tara na, Demi. Nakita ko na iyong sayo pasa ka naman."

"Pasa? Baka pasang awa! Mali, hindi pala pasang awa kundi awa nalang! Huhuhuhu"

"Sa susunod kase mag review kana. Tara na nga."

Bumalik na kami sa room namin. Pero si Demi, hayun at nag luluksa parin.

______

"Tumayo kana dyan Demi. Uwian na."

"Parang ayaw ko pa umuwi. Ayaw kong ipaalam kina mommy iyong result ng test." halos mangiyak ngiyak na sabi nya.

Naaawa tuloy ako dito sa bestfriend ko.

Biglang may nagtext sakin.

From Levi Babe

Nandito ako sa gate. Hintayin kita, may sasabihin ako.

"Sino yun?" biglang tanong ni Demi.

Chismosa talaga to. Kanina lang halos umiyak na sya tapos biglang transform into chismosa naman.

"Ahh si Levi, hihintayin nya daw ako sa may gate. May sasabihin daw sya." sagot ko.

"Tara na nga. Baka hinihintay kana ni Levi.  Sa bahay nalang ako magdadrama." natawa naman ako sa sinagot nya.

Nag ayos muna kami ni Demi saglit bago kami lumabas sa room at dumiretso sa gate.

"Hi Tiel!" bati ni Demi kay Tiel ng makarating kami sa gate. Nandito din pala si Tiel at mukang ihahatid nya pa si Demi. Sana all!

StatueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon