8 years later...
Jaspher's POV
"Julssssss!" kanina ko pa tinatawag iyong bunsong anak ko pero mukang hindi nya ako naririnig. San na naman sumuot iyong batang yun.
Wala ang asawa kong si Yuri dahil nasa trabaho pa, iyong panganay ko naman ay mukang may bago ng mga kalaro sa labas.
Isang linggo na kaming nakatira dito sa bagong bahay namin, mas malaki ito kaysa sa una naming bahay.
"Rouchel!!!!" tinawag ko na iyong panganay ko dahil kakain na kami, agad agad naman syang nagpaalam na sa mga kalaro nya at lumapit saakin.
"Yes, mommy?" ang cute cute talaga nitong anak kong toh.
"Anak, bakla ka ba?" maging ako ay nabigla din sa naitanong ko sa aking anak.
Bakit ba naman kase puro babaeng may nilalarong mga manika iyong mga kalaro nya sa labas.
"Mommy? Hindi po ako bakla!"
"Bakit mga barbie iyong nilalaro nyo doon sa labas?" nang iintrigang tanong ko.
"Sabi po kasi nung mga girls sa labas ako daw po ang Daddy, at sila naman iyong Mommy at yong mga barbie ay anak namin. Nag tataka nga po ako kasi bakit parang andami ko naman pong asawa!" naguguluhang sabi ng anak ko.
Napangiti ako. Mukang maraming papaiyaking babae itong anak ko paglaki nya.
"Sige na anak, puntahan mo na si Juls at sabihin mong kakain na tayo. Kanina ko pa syang tinatawag pero ayaw naman sumagot. Nasan na naman kaya iyong kapatid mo."
Tumakbo na papalabas si Rouchel para hanapin iyong kapatid nya.
Pumasok na ako sa loob ng bahay namin, napatigil ako ng may mahagip ang paningin ko.
Iyong picture namin ni Demi nung highschool. Kinuha ko iyon at pinakatitigang mabuti.
Ngiting tagumpay kami ni Demi dito dahil nakapagpapicture kami ni Demi sa crush namin noong araw na iyon. Nasa akin pa iyong picture namin ng crush ko noong highschool.
Levi...
Tinanggal ko iyong picture namin ni Demi at nakita ko iyong picture namin ni Levi sa likod. Doon ko itinago iyon.
Tatlong shots iyong picture. Iyong una at pangalawa ay parehas kaming naka ngiti at iyong pangatlo naman hindi kami nakatingin sa camera at mukang nahihiya pa pero nakangiti parehas.
Bigla kong namiss si Levi.
Siguro kung hindi dahil sa mga ginawa ni Ysa ay kasal na kami ngayon ni Levi at may mga anak na rin. Iyon ang posibilidad kung hindi nangyare iyong mga nangyare dati.
Pero hindi ko naman pinagsisisihan na naging asawa ko si Yuri. Napaka bait at responsableng asawa. Gwapo pa!
At iyong mga anak kong cute na sina Rouchel at Juliana. Napaka babait na mga anak.
Si Rouchel ay 8years old na at parang nakikinita ko nang malapit na syang magbinata kahit medyo matagal pa naman. Napaka bait na kuya nya kay Juliana kahit na palagi silang nag aasaran dalawa ay alam kong mahal na mahal nila ang isat isa. Matalino rin si Rouchel at laging nag to-top 1 sa klase.
Si Juls naman ay malapit ng mag 6years old. Napaka bait na bata din nya kahit na napaka hilig asarin ang kuya nya. At nitong nakaraan lang ay nadiskubre kong may talent sa pag kanta ang anak kong ito.

BINABASA MO ANG
Statue
Roman pour Adolescents-COMPLETED- Never do such things that you will regret soon.