"Bibilihan nalang kita... "
"Hindi ba pwedeng yung sayo nalang ang ibigay mo?" pagbibiro ko. Hindi naman talaga ako hihingi niloloko ko lang sya.
"Hindi pwede, panglalaki yun eh"
"Pero ang bango nun eh. Iyon ang gusto ko!" kunwaring nagtatampo ako.
"Sige. Bukas na bukas ay bibigyan kita ng ganung pabango, yung wala pang bawas" disididong aniya.
"Ha? Nako ano kaba! Nag jojoke lang ako!" sita ko sa kanya.
Ngumiti lang sya at hindi na sumagot. Pinagpatuloy nya na lamang ang panonood. Sana naman ay hindi nga totohanin iyong bibigyan nya ako ng pabango. Nakakahiya! Nag jojoke lang naman ako.
Kinikilig parin talaga ako. Dito pa lamang sa pwesto ko na naka sandal ako sa kanya ay kilig na kilig na ako, paano pa pag nagawi ang pangingin ko sa naka akbay niyang mga kamay? Edi nangisay na ako sa sobrang kilig.
Ayos lang kahit hindi nya ako gusto, sweet naman sya saakin. Dun palang sa pagiging sweet nya ay sulit na sulit na. Di na ako lugi sa halos apat na taon kong pagkaka crush sa kanya.
Simula noon ay pinapangarap ko lang na maging close kami ni Levi, pero heto kami ngayon! Close pa sa close!
Dati akala ko ay hindi nya ako mapapansin na hanggang doon lamang ako sa ibabati ako ng Hi ni Tiel sa kanya. Akala ko ay mag tatagal akong maiinggit sa pinsan kong si Tiel dahil nakakalapit sya sa crush ko pero ngayon halos magkadikit na kaming dalawa ni Levi.
Dati ang pangarap ko lang ay mapansin nya, heto ngayon at nagkatotoo na. Ang susunod ko naman pangangarapin ay ang maging asawa nya, baka sakaling magkatotoo rin. Lol. Hindi naman masama mangarap eh.
"San mo gusto pumunta pagkatapos dito?" nabigla ako nang biglang magsalita si Levi.
"Ikaw bahala"
______
Pagkatapos naming manood ng sine ay pumunta kami sa isang ice cream parlor.
"Anong flavor ng sayo?" tanong ni Levi, sya kase iyong oorder.
"Chocolate!"
"Favorite mo ba iyon?"
"Mmmm!"
"Same!" natatawang sabi nya pa bago umalis at umorder na ng kakainin naming ice cream.
Napatingin ako sa glass door, nakita ko si Ysa at Cia. Nakatingin sila sa akin, si Ysa at masama ang tingin at si Cia naman ay inirapan lamang ako. Nang makita nilang padating na si Levi ay agad din silang umalis.
Tama nga talaga si Demi, may lihim na galit talaga itong si Ysa saakin. At nakikipagplastikan pa sya.
Hindi ko naman inaagaw si Levi kay Cia. Hindi rin naman sila diba? Edi kung gusto nya kanya na! Kung sasama sa kanya, edi sakanya na! Isaksak nya sa buto nya!
"O bakit parang may kaaway ka dyan?" tanong ni Levi. Nakarating na pala sya.
Pilit nyang tinatanaw yung tinititigan kong glass door kanina pero wala na syang makikita doon dahil naka alis na sila Ysa.
"Wala naman"
"Eh bakit naka simangot ka dyan?"
"Ang tagal mo kase!" biro ko sa kanya.
"Nagmamadali nga ako dahil alam kong gutom kana. Nag aalala ako na baka mamayat iyang pisnge mo!" sabi nya sabay tawa.
Palagi nya nalang napapansin iyong pisnge ko! Gusto nya bang ikiss to? Pwede naman pero isang kiss lang! Charot!