Chapter 1

94 8 0
                                    

Nandito ako ngayon sa gymnasium ng school namin at chinicheer ang crush kong si Levi na naglalaro ng basketball. We're in fourth year high school, at naging crush ko sya noong first year palang kami.

"Go fafa Levi!"

"Levi my labs! OMG SHOOT!"

"Levi ang pogi mo naman, pakiss nga!"

At hindi lang ako ang nag chi-cheer sa kanya. Marami kami.

Levi is a campus crush. He's totally perfect. Gwapo, mayaman, sobrang matalino, the best sa kantahan, magaling sumayaw, mabait at magaling sa sports. Sino ba ang hindi magkaka crush sa isang Levi Wein Madrid?

Mabuti nga at kaibigan/pinsan ko iyong isang bestfriend nya kaya minsan ay napapansin nya rin ako.

At alam nya rin na may crush ako sa kanya simula nung first year kami. Hindi ako umaamin, pero nahahalata nya dahil sa mga kaibigan kong wagas kung kiligin kapag napapalapit ng konti saakin si Levi at halos ipagsigawan pa nila na may gusto ako sa kanya.

Mabait naman sya at hindi snob. Sa katunayan nga ay binati nya ako last year ng 'Happy Valentine's'. Sobrang kilig ako non to the point na halos himatayin na ako noong lumabas na sya sa room namin.

"Jaspher! Omg! Omg! Andyan na si Fafa Levi!" sigaw na may halong alog at hampas sakin ng bestfriend kong si Demi.

"Oo oo. Nakikita ko, Demi ano ba? Magugusot yung uniform ko nakakahiya sa kanya." sita ko sa kanya.

"Ayyy? Hehehe sorry."

Dadaan sa harap namin si Levi ngayon at pawis na pawis sya dahil sa paglalaro. Intramurals kase namin ngayon at last year ko na to dito sa school na to kaya susulitin ko to dahil chance ko ng harutin si Levi, kase balak ko ng lumipat kapag nag senior high school na ako.

"Hi Levi!" naka ngiting bati ko sa kanya. Ngumiti din sya saakin. Cute mo bhie!

"Hi Jaspher. Nanood kaba ng laro ko?" nakangiting tanong nya.

"Aba syempre naman. Ako pa ba?" tumatawang sagot ko sa kanya.

"Hoy Jaspher, nagpapacute kana naman dyan kay Levi." biglang sulpot ng pinsan ko na best friend naman ni Levi na si Tiel.

Asar talaga tong si Tiel. Palagi nalang umeepal sa buhay ko.

"Tara na sa room, Tiel." yaya ni Levi kay Tiel. Mukang napagod si Levi sa naging laro nila.

Nakita ko nalang sila na naglalakad na papunta sa room nila. Pwedeng tumambay dun kase wala namang klase at saka busy ang mga studyante sa paglalaro at panonood ng mga laro. At meron ding ibat ibang booth na pwedeng pagkaabalahan.

"Ano Jaspher? Tara sunod tayo sa kanila?" tanong ni Demi. Sus eh gusto lang naman nya sumunod dahil kay Tiel, may crush kase sya dun.

"Nakakahiya Demi. Buong tropahan lang nila yung nandun eh."

"Ano kaba! Nandun naman yung pinsan mong si Tiel ah?" bakit parang may halong kilig yung pagbanggit nya sa pangalan ni Tiel?

"S-sige na nga. Tara!"

Pagdating namin sa pinagtatambayan nila Levi ay buong tropa lang nila ang nandun. Walo lang sila dun sa loob.

"Jaspher!" tawag sakin ni Ysa. Sya yung nag iisang babae sa tropa nila Levi. Mabait din tong si Ysa at friendly.

"Hi Ysa!" naka ngiting bati ko sa kanya.

"Halika pasok. Oy Demi kasama ka pala, tara dito sa loob." pagyayaya nya papasok sa room.

StatueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon