Chapter 2

35 6 1
                                        

Ngayong araw na ang pagtatapos ng intramurals namin, sa kabilang linggo ay 2nd grading na pero parang bitin parin ako sa 1st grading. Wala masyadong ganap.

Nandito kami ngayon ni Demi sa tambayan ng tropa ni Levi. Wala ang tropahan nila ngayon dito. Hindi ko alam kung saan nagpunta ang mga yun.

"Hoy Jaspher. San kaya sina Levi no?" patay malisyang tanong ni Demi. Baka naman si Tiel ang hinahanap.

"Levi ba? Hindi ba si Tiel ang hinahanap mo?" pang aasar ko sa kanya habang tumataas taas pa ang kilay ko.

Agad naman syang kinilig noong nabanggit ko ang pangalan ng pinsan kong si Tiel.

"Enebe hehehe" pabebeng tugon nya. Harot talaga.

"Dems, parang nagugutom ako. Bili ka kaya muna ng makakain dun?" sabi ko habang nakahawak pa sa tyan ko at umaarteng gutom.

"Eh bakit naman ako ang inuutusan mo?" maarteng tugon nya.

"Ay! Si Tiel ba yun? Yung nasa tindahan ng siomai? Bhie si Tiel ata yun eh!" pang uuto ko kay Demi habang nakatingin ako sa tindahan ng siomai.

"Akina na nga yang pera. Bibili ako ng siomai at parang nagugutom din ako eh." patay malisyang sagot nya.

Sus! Ang kaharutan hindi maitago.

Agad agad namang nagtungo si Demi sa bilihan ng siomai. Maraming naka pila dun at mukang matatagalan sya.

Luminga linga ako sa buong room. Ako lang talaga ang tao dito sa loob. Napatingin ako sa pwesto kung saan kami sumayaw ni Levi.

Bigla kong naalala iyong pagsasayaw namin. Bigla din akong kinilig dahil sa naalala ko. Siguro kahit sa pagtanda ko ay dala dala ko parin ang kilig na dulot noong pag sasayaw namin.

Kakanta nalang ako para di masyado mainip. Wala namang makakarinig eh. Atsaka gusto kong kantahin iyong kinanta ni Levi. Pinag aralan ko ng husto iyon sa bahay namin. Statue.

"Do you know you're my miracle?
I'm like a statue, stuck staring right at you
Got me frozen in my tracks
So amazed how you take me back
Each and every time our love collapsed

Statue, stuck staring right at you
So when I'm lost for words
Every time I disappoint you
It's just cause I can't believe that you're so
beautiful
Don't wanna lose you, no--"

"Ang ganda naman ng boses mo" natigil ako sa pag kanta ng may biglang nagsalita.

Paglingon ko ay ang nakangiting si Levi ang sumalubong saakin. Napaka ganda talaga ng ngiti nya. Talagang nakaka inlove. Makalaglag panty. Lol.

"Oy ikaw pala. Nasan sila Tiel?" pag iiba ko ng usapan dahil nahihiya ako kase narinig nya ang boses ko.

Hindi naman panget ang boses ko para ikahiya pero hindi lang talaga ako sanay na may ibang nakakarinig sa boses ko habang kumakanta ako.

"Nasa Cafeteria. Kasama nila yung pinsan ko. Kaka transfer nya lang ngayon dito." sabi nya.

"Eh bakit mo sila iniwan dun sa cafeteria, nandun pala ang pinsan mo?"

"Nakita kita dito eh" simpleng sagot nya. Agad naman akong pinamulahan dahil dun at hindi agad ako maka pagsalita.

Bakit ba ganyan ka Levi?! Pinakikilig mo ako!

"Sya nga pala Jaspher. Diba paborito mo yung chuckie ba yun? Ito oh." sabi nya sabay abot sakin nung malaking chuckie.

Teka? Pano nya nalaman na mahilig ako sa chuckie? At bakit nya ako binibigyan nito? Baka naman pinapautang nya? Lol.

StatueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon