Chapter 10

16 6 0
                                    

Levi's POV

"Jaspher, pwede ba akong manligaw?"

What?! Masyadong common na iyon.

"Jaspher, I like you!"

Panget! Ayoko nun!

Nandito ako sa harap ng salamin at nagpapractice ng sasabihin ko bukas kay Jaspher.

Bukas na ang graduation namin. Bukas na rin ako aamin kay Jaspher. At balak ko ring tanungin sya kung pwede ba akong manligaw sa kanya, itatanong ko iyon sa kanya habang nasa itaas ako ng stage pagkatapos maisabit sa akin iyong mga medal.

Hindi na ako magkaintindihan kung papaano ko iyon sasabihin sa kanya bukas.

"Jaspher, mahal kita"

Bakit mahal agad? Baka sabihin nya ay masyado namang mabilis.

Bukas na rin nga pala ang birthday ni Jaspher.

Matagal na rin akong may gusto sa kanya, hindi lamang ako umaamin sa kanya dati dahil masyado pa kaming mga bata noon para sa ganoong mga bagay. Pero ngayon ay desidido na akong umamin at manligaw sa kanya.

Hindi ko na kayang mag hintay pa na mag 18 sya. 17 na naman sya bukas, siguro naman ay pwede na syang magpaligaw.

Kilala na rin naman ako ng parents nya. Mabait saakin si Tito Rudge at Tita Luna, siguradong papayagan nila akong manligaw sa anak nila.

Pagkatapos ng graduation ay balak ko ring pumunta sa bahay nina Jaspher. Isasama ko sina Mommy at Daddy sa bahay nila Jaspher at saka ko uulitin iyong pamamaalam ko sa parents nya kung pwede ba akong manligaw.

Bumili rin ako ng gold necklace para iregalo kay Jaspher mamaya. Sana ay magustuhan nya.

Naalala ko iyong gabing hinalikan ko sya, gustong gusto ko iyong ulit ulitin kaso hindi ko na nagawa baka kase sampalin na nya ako.

God! I love that girl so damn much! I can't wait to become her boyfriend!

Sana ay sagutin ako ni Jaspher, sya lang ang babaeng gusto kong pakasalan at mahalin. Ipinangako ko sa sarili ko na hindi ako magpapakasal kung hindi rin naman sya ang bride.

"Wein? Nariyan ka ba?" sigaw ni Manang mula sa labas ng kwarto ko.

"Yes, manang? Bakit po?"

"Narito si Zyn sa baba. Mayroon daw syang importanteng sasabihin sayo"

"Paakyatin nyo nalang po dito!"

Ano naman kaya ang kailangan nya?

Siguro ay sasabihin nya na kung ano iyong gusto nyang hingiin sa akin, muntik ko na rin makalimutan ang tungkol doon.

Sinabi ko nga pala sa kanya na ibibigay ko sa kanya iyong isang hiling nya saakin. Hindi ako maaaring tumanggi doon, dahil pasasalamat ko iyon sa pagligtas nya kay Mommy.

Hindi ko alam ang gagawin ko kung may nangyaring masama kay Mommy. Mahal na mahal ko sya, hindi ko kaya kapag nawala sya.

"Bro"

"Hey!"

Nakapasok na sa kwarto ko si Zyn.

"What are you doing here?" kaswal na tanong ko.

"Tungkol doon sa isang bagay na gusto kong hilingin sayo"

Tama nga ang hinala ko sa pagpunta nya rito.

"Hmmmm?"

"Tulungan mo ako" sabi ni Zyn. Saan naman nya kailangan ng tulong ko?

"Saan naman?" tanong ko.

StatueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon