Ilang araw na mula nang matapos ang intramurals namin at ngayon ay may normal na klase na.
Break time na namin ngayon at magkasama kami ni Demi na kumakain sa cafeteria.
"Bhe, dun tayo sa may kabilang dulo may chichika ako sayo!" biglang sabi ni Demi tapos ay bigla nya akong hinila sa braso.
Doon kami umupo sa pinakadulo, dun sa walang katao tao.
"Ano ba yun? Importante ba yan?"
"Oo bhie! Alam mo iyang Si Ysa napaka balimbing! Akala ko ba ay ikaw ang inilalakad niyan kay Levi? Eh nakita ko sila noong linggo kasama nya iyong bestfriend nyang si Cia at si Levi. Halos ipagtulakan pa ni Ysa si Cia kay Levi at tili pa sya ng tili habang sinasabi na bet na bet nya si Cia para kay Levi!"
Halos kapusin na sa hininga si Demi habang nagkukwento.
Bigla akong nalungkot sa ikwenento ni Demi saakin. Ang buong akala ko kasi ay tutulungan ako ni Ysa na mapalapit kay Levi. Sinabi nya pa nga saakin dati na ako ang gusto nya para kay Levi.
"Hayaan mo na, Dems. Siguro ay iiwas nalang ako sa kanila. Lalo na kay Levi. Parang gusto ko na tapusin ang pagkagusto ko sa kanya" sabi ko nalang at napabuntong hininga.
Parang hindi ko ata kayang gawin yun ah. Eh makita ko nga lang si Levi ay kinikilig na ako.
"Hi Jaspher!"
Tulad ngayon nag ha-hi sya sakin-
Ha? Ano daw Hi Jaspher?
Agad akong napalingon at nakita ko ang tropahan nila Levi na nakatayo malapit dito sa table namin.
At nakangiti sya saakin! Nakangiti!
"Ah hi? Hehe" bati ko sa kanila at ngumiti.
Napagawi ang tingin ko kay Demi at halos mangisay na sya sa kilig habang nakatitig kay Tiel na nakangiti din sa kanya.
Lumapit silang buong tropa saamin. Kasama nila si Ysa, nakangiti sya saakin. Pati rin pala si Zyn ay kasama at kumakaway pa sa akin.
"Jaspher, sumama ka mamaya samin ah? Kakain kami sa Jollibee, libre ko. Birthday ko kase eh" pag aaya saamin ni Jet. Iyong tropa ni Levi.
"Uy Happy Birthday! Sige tingnan ko kung makakasama ako mamaya." nahihiyang tugon ko.
Ito nga at sinabi ko kanina na iiwas ako sa kanila pero heto sila ngayon at nagyaya pang kumain sa labas.
"Ikaw rin Demi sumama ka at baka magtampo pa itong si Tiel kapag hindi kita inimbita" may halong pang aasar sa tono ni Jet habang nakatingin kay Tiel.
"Hoy Jet umayos ka nga dyan!" asar na sabi naman ni Tiel na ngayon ay namumula na.
Nagtawanan ang tropa nila. Si Demi naman ay hiyang hiya na dito sa tabi ko.
"Jaspher, sumama ka mamaya ah?" nakangiting pahabol pa ni Zyn.
"H-ha? Oo s-sige"
Nauna nang tumalikod si Levi sa kanila.
May kung ano pa silang pinag uusapan bago umalis. At si Ysa at Zyn naman ay kinakausap ako. Wala akong naintindihan sa mga sinasabi nila dahil sa naglalakad na si Levi nakatuon ang buong atensyon ko.
Si Demi ay panay ang parinig kay Ysa na balimbing, hindi ko lang alam kung napapansin iyon ni Ysa. Bahala sila.
Hanggang sa nakaalis na silang lahat ay lutang parin ako.
______
Malapit na ang oras ng uwian ay hindi ko parin alam kung sasama ba ako o hindi. Si Demi naman ay kung sasama daw ako ay sasama din sya. Kung hindi naman ako sasama ay hindi rin sya.