Chapter 9

15 6 2
                                    

Heto na ang araw na pinakahihintay namin.

Prom!

Nagkatotoo nga iyong hinihiling ko na sana ay si Levi ang maging kadate ko ngayon!

Noong isang araw ay pumunta sya sa bahay namin at itinanong kung pwede nya daw ba akong maging kadate. Syempre um-oo ako!

Pagkaalis na pagkaalis ni Levi ng bahay ay agad agad akong umakyat sa kwarto ko at doon tumili na nang tumili. Kilig na kilig ako noong araw na iyon.

Simula noong gabing iyon ay halos hindi na ako makatulog sa gabi kaiisip kung ano ang mangyayare sa mismong prom.

Nang ikwenento ko iyon kay Demi ay halos mabingi ako sa kaka irit nya at pinaghahampas nya din ako sa sobrang kilig. Hindi ko nga alam kung may balak ba syang bugbugin ako tuwing kinikilig sya.

Si Demi naman ay si Tiel ang kadate. Syempre sino pa ba naman ang idadate ng harot na best friend kong yun.

Tapos na akong ayusan ng make up at buhok nang biglang may bumusina at humintong sasakyan sa harap ng bahay.

Pinapasok na nila ako sa kwarto para suotin iyong gown ko.

Black backless long gown na may slit na hanggang hita iyong suot ko.

Humarap ako sa salamin.

Ang ganda!

Hindi ko makilala ang sarili ko, ang ganda at ang sexy sexy ko dahil dito sa suot at ayos ko. Naka messy bun ang buhok ko at meron akong suot na silver necklace.

Pagbaba ko sa hagdan sa sala namin halos mahimatay ako sa nakikita ko.

SI LEVI!

ANG GWAPO!

OMG!

PANO KUMALMA?

Para syang anghel na bumaba sa langit para maging artista at model.

Ang gwapo gwapo ni Levi, ang sarap pakasalan!

Hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko. Nakatitig lang ako sa kanya. Ayaw umalis ng paningin ko sa pagkakatitig kay Levi.

Bigla syang tumayo at lumapit saakin.

Nang makalapit sya saakin ay parang ginagaya nya iyong ginagawa ng mga prinsepe sa disney.

Yumukod sya sa harap ko at kinuha ang isa kong kamay at saka nya iyon hinalikan habang ang mga mata ay nakatitig saakin.

Narinig kong nagtitilian iyong mga baklang nag ayos sa akin kanina.

"Ay ang ganda ni Ate mo Jaspher, lakas maka disney princess!!"

"Omg! Cinderella ka ghorl?"

"Jaspher, ang pogi naman nyang fafa na yan! Prinsepeng prinsepe ang peg!"

"Makalaglag panty iyang prince charming mo!"

"Gaga! Naka brief ka hindi panty!"

Ipinagpaalam na ako ni Levi kina mama at sinabing sya narin daw ang maghahatid saakin pauwi.

Inalalayan na ako ni Levi papasok sa kotse at nang makapasok ako ay umikot sya sa kabila saka sya naman ang pumasok sa loob.

Inistart na nya ang kotse at bago iyon paandarin ay may ibinulong muna sya saakin na ikinakilig kong lalo at pakiramdam koy lalong nangapal ang muka ko dahil sa pula.

"Baby, you're so gorgeous" pagtingin nya saakin ay kinindatan nya ako.

Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. Umaandar na ang kotse ay walang nagsasalita sa aming dalawa.

StatueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon