Chapter 8

13 6 0
                                    

"Thanks, pero may dala akong sasakyan"

Napatingin ako kay Levi. May dala ba sya? Eh nag commute lang naman kami papunta dito kanina.

"May dala ka?" takang tanong ko.

"Meron. Tara na?"

Naglakad na kaming dalawa ni Levi papuntang parking. Iniwanan na namin doon si Zyn. Tatawagin ko na sana si Zyn para sumabay saamin kaso hinila na ako ni Levi paalis.

Tumigil kami ng paglalakad sa harap ng isang black bigbike. Grabe ang ganda naman nito! Halatang mamahalin tapos ang kintab kintab pa alagang alaga sa linis.

"Ano tara na?" tanong ni Levi.

Teka? Kanya ba to?

"Sayo ba yan?"

"Oo"

"Eh hindi naman tayo gumamit nyan kanina ah? Pano naging sayo yan?" takang takang tanong ko.

Kung kanya nga yan, pano naman napunta yan dyan? Ano yun tumakbo mag isa to?

"Pinadala ko sa driver namin, para may masakyan tayo pauwi" sabi nya sabay kindat.

May pakindat kindat na syang nalalaman ngayon ah.

"Sige, tara na. Gabi na din eh"

Nauna na syang sumakay sa sasakyan nya at nag suot ng helmet. Meron din syang iniabot na helmet saakin.

"Sakay kana"

Sumakay na ako at hindi ako magkaintindihan kung saan ako hahawak!

Ipapatong ko na sana ang kamay ko sa mga balikat nya nang bigla nyang kunin ang dalawa kong kamay at iniyakap nya iyon sa bewang nya.

"Para hindi ka mahulog. Yumakap-- I mean kumapit kang mabuti"

Nararamdaman ko iyong abs nya! 17 palang sya pero napaka ganda na ng katawan nya. Ano pa nga bang aasahan sa isang Levi Wein Madrid, syempre maganda ang katawan nya athlete eh.

Tinitigan kong mabuti ang likod nya, kitang kita mo talagang maganda ang katawan nya kahit naka jacket.

Nakasuot sya ng black leather jacket na bumagay sa kanya at sa black bigbike nya. Para syang model sa itsura nya ngayon.

Napaka gwapo talaga nitong lalaki na ito. Kaya hindi na ako magtataka kung bigla na lang nyang gustuhin na mag artista in the future.

Nagsimula ng umandar iyong bigbike kaya napakapit ko ng mahigpit sa kanya.

Kapit lang ba?

Yakap na yun syempre! Minsan lang to guys! Kelangan ko ng sulitin, grasya na iyong lumalapit tatanggihan ko pa ba?

Mahigpit akong nakayakap sa kanya at nakasandal iyong ulo sa likod nya kaya amoy na amoy ko na naman ang mabangong si Levi!

Ang bango bango nya talaga! Hinding hindi ako magsasawang amuyin sya!

Sakto lang ang pagpapatakbo nya hindi mabilis. Pero kapit na kapit parin ako sa kanya. Bahala na sya kung isipin nyang tsansing na ito, minsan lang to no!

Narinig ko syang mahinang tumawa.

"Bakit ka tumatawa dyan?"

"Baka naman maubos ako kaka singhot mo sakin" tumatawang sabi nya.

Napansin nya pa yun?!

"Hindi kita sinisinghot no! Mag drive kana nga lang dyan!" sita ko sa kanya. Pero tumatawa parin sya.

"Okay. Sabi mo eh" narinig ko pa syang himagikhik.

Nakarating na kami sa bahay ko ng ligtas.

Pinapasok ko muna sya sa bahay, para makilala na nina mama ang future son-in-law nila. Lol.

StatueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon