Chapter 4

21 6 0
                                    

"HAPPY BIRTHDAY DEMI!" nasa labas palang ako ng bahay nina Demi ay halos magsisigaw na ako sa pagbati sa kanya. Madaming bisita pero hindi ako nahihiya sa kanila. Bahala sila dyan.

Ngayon ang 17th birthday nya, at pinag ipunan ko pa iyong regalo ko sa kanya. Secret nalang kung ano iyong regalo ko hehehe.

Kasama ko ngayon si Tiel sa pagpunta dito. Inimbita ni Demi ang buong tropa ni Levi dahil napalapit narin naman ang loob namin sa kanila. Sa loob ng isang buwan ay palagi na din nila kaming kasama.

Sa isang buwan na iyon ay palagi na rin kaming magkasamang dalawa ni Levi at sa gabi ay magka text.

Levi Babe parin ang pangalan nya sa contact ko hihihi. Muntik na makita ni Levi iyon kung hindi lamang ako mabilis kumilos na mailayo agad sa kanya ang phone ko.

Lalo akong napapalapit kay Levi. At lalo ring nahuhulog ang loob ko sa kanya. Si Ysa naman ay inaasar asar parin ako kay Levi pero kapag nandyan si Cia ay todo ito kung maka suporta sa babae. Unti unti ko na rin na nahahalatang pinaplastik ako nito.

Si Zyn naman, close na din kami. Palagi nya akong nililibre kahit tumatanggi ako. Kung ano ano palagi ang binibigay nya saakin. Feeling ko nga may crush sa akin iyon eh. Masyadong showy iyong lalaking yun.

"Jaspher! Nandyan kana pala. Kanina pa kita hinihintay eh. Wala akong ibang maka usap sa mga bisita, halos hindi ko mga kilala." pagmamaktol nya.

Halos puro kaibigan ng mommy at daddy nya ang bisita.

Yung iba ay taga school na kakilala ng mga magulang nya. Yung iba naman ay kaklase nya dati.

Kaunti lang kase ang mga kaibigan namin sa school. Yung iba ang hindi na nya sinabihan. Yung tropa nina Levi at ako lang ang pinapunta nya.

"Hi Demi. Happy Birthday" namumulang bati ng pinsan kong si Tiel kay Demi.

Inaabot na ni Tiel ang regalo nyang malaking teddy bear. Kasing laki ni Demi iyon.

Umamin na kase saakin si Tiel noong isang araw na gusto daw nyang ligawan si Demi, kaya binilihan nya ng malaking teddy bear itong si Demi. Binilihan nya din si Demi ng roses.

Mamaya nya daw tatanungin si Demi kung pwede ba syang manligaw. At magpapaalam narin sya sa parents ni Demi sa pangliligaw nya.

Kinikilig ako sa kanilang dalawa. Mabuti pa sila, parehas nilang gusto ang isat isa.

"Thank you, Tiel! Halina kayo sa loob" kinikilig kilig pang sabi ni Demi. At pasimple nya ring niyakap iyong teddybear na bigay ni Tiel.

Pumasok na kami ni Tiel sa loob ng bahay nina Demi.

Pagkaupo namin ni Tiel ay sya namang dating ng mga tropa nya.

_____

Hapon na at malapit na mag uwian ang mga bisita nang maisipan na nilang gawin iyong surprise ni Tiel kay Demi.

Alam ko iyong surprise nila kay Demi dahil  sinabi saakin ni Tiel. Tiwala naman syang hindi ko sasabihin kay Demi eh.

Inayos na nila iyong mga gagamitin nila.

"Jaspher? Anong ginagawa nila?" takang taka na tanong ni Demi.

Nginitian ko nalang sya.

Nagsimula ng tumugtug ng gitara si Levi. Silang dalawa ni Tiel ang kakanta. Si Tiel ang nakapwesto sa pinaka una.

Si Levi ay nakapwesto sa bandang harap ko. At nakatingin sya saakin. Ngumiti nalang ako.

Ang ibang tropa nila ay palihim na kinuha iyong malalaking cards sa likod na may nakasulat na 'Demi, can I court you?'

StatueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon