Chapter 5

23 6 0
                                        

"I like you"

"Ha? Anong sabi mo? Pakiulit nga" tarantang tanong ko. Tama ba yung rinig ko?

Please ulitin mo! Sana ulitin nya! Gusto ko ulit marinig! Gusto kong maka sigurado kung tama ba iyong narinig ko...

Ngumiti lang sya saakin at hindi na muling inulit pa ang sinabi. Hayyy.

Siguro imagination ko lamang iyon. Aasa na naman ako sa wala.

Hanggang sa naglabasan na sina Tiel sa bahay nina Demi. Mukang tapos ang pag uusap nila.

"Tara na pinsan!" yakag ni Tiel saakin. Pasakay na kami sa jeep at tinatanaw ko nalang si Levi na naglalakad na papalayo.

Dinadaldal ako ng dinaldal ni Tiel habang nasa byahe kami. Puro Demi ang lumalabas sa bibig nya. Adik na sya kay Demi. Pero hindi ako nakikinig sa kanya. Si Levi ang nasa isip ko.

Hanggang makauwi ako sa bahay namin ay si Levi parin ang laman ng utak ako.

Sa pagtulog ko sa gabi sya parin ang naiisip ko. Kahit sa panaginip nandun din sya!

____

"Hoy grabe ang ganap nung birthday mo! Kabogera ang lola mo!" tumatawang sabi ko kay Demi.

Nagkukwentuhan kami ngayong dalawa. Nandito kami sa mall, wala naman kasing pasok ngayong araw kaya gala gala muna.

Kumakain kami ng halo halo dito sa Chowking. Paubos na yung akin pero yung kanya wala pa sa kalahati ang bawas.

"Anong kabogera? Ikaw nga dyan ang lakas maka ganda! Titig na titig kayong dalawa ni Levi sa isa't isa noong kumakanta sya. Ni hindi nga ata liliko iyang mga mata nyo kung hindi pa matatapos iyong kanta!"

"Pano mo naman nasabi na nakatitig ako sa kanya? Hindi ko nga sya tinitingnan noong kumakanta sya eh!" pagtanggi ko.

"Ulol. Wala kang maloloko dito 'neng! Naka tingin ako sa inyong dalawa noong kumakanta sila. Nung pahuli na nga lang ako tumingin kay Tiel dahil kayong dalawa ang pinapanood ko" pailing iling pang sabi nya.

"Eh bakit naman kami ang pinanood mo at hindi si Tiel?" kaya nga, bakit kami ang pinapanood nya?

"Kapansin pansin kasi ang pagtititigan nyong dalawa. Daig pang naka glue yang mga mata nyo"

"Tara na nga! Umuli nalang tayo naiinip na ako!" sabat ko sa kanya at niyaya na syang mag uli uli.

Kung saan saan kami umuli ni Demi. Kain din kami ng kain kahit san kami mapunta ay may dala kaming pagkain.

Namili kami ng damit at iba pang gamit.

Nag arcade din kami.

At ngayong huli ay napagpasyahan naming manood ng sine.

Lovestory iyong papanoodin namin. Si Demi ng pumili ng papanoodin namin. Syempre kaya ito ang pinili nya dahil malapit na syang makarelate dito dahil malapit na rin syang mag ka lovelife.

Edi sana all!

Bumibili palang kami ng popcorn at juice dito sa labas.

"Bhe, parang nakita ko si Cia at Levi na pumasok sa loob. Mukang manonood din ng sine." sabi ni Demi habang nanghahaba ang leeg kakatanaw sa entrance ng sinehan.

"Sigurado ka bang si Cia at Levi yan? Baka naman namamalikmata kalang, Dems?"

"Oo bhe, si Cia at Levi iyon. Kilala ko ang hugis ni Cia mula ulo hanggang paa"

"Grabe sa hugis" tumatawang sabi ko pero sa loob loob ko ay humihiling ako na sana ay nagkakamali lamang ng nakita si Demi.

Sana ay hindi magkasama si Cia at Levi.

StatueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon