CHAPTER 23 - The Doctor and The Patient

2.6K 76 6
                                    

"Grid?" Tawag ko sa pangalan niya na may pagtataka

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



"Grid?" Tawag ko sa pangalan niya na may pagtataka. Bakit? Honestly, hindi ko din alam. Siguro dahil hindi para sa'kin, hindi siya 'yung klase ng tao na gagala sa mall? That's the impression I got about him. Like he's the type of person who'd just stuck themselves inside their office, and only thinks about work all the time.

Getting lost with my thoughts, hindi ko agad napansin na tumayo agad si Miranda na parang feeling niya, nasa movie siya, at si Grid naman ay naguguluhan na tumingin sa kaniya. "Oh my gosh," bulong niya. "Hi, can I get your number?" What the- number agad?

Kahit medyo masakit ang balakang ko, agad akong tumayo sa tulong ng paghila sa mahabang buhok ni Miranda at nang matigil niya ang kalokohan niya. "Hey, what the heck are you doing right now?" Malakas na bulong ko sa kaniya.

"Aleeza, ano ka ba? He's so handsome, sayang naman." Kinikilig niyang bulong sa'kin.

I rolled my eyes from her response. Kahit kailan talaga 'to, basta gwapo crush na agad. "Don't bother, hindi ka papatulan n'yan." Sabi ko sa kaniya.

She gasped and placed her clenching right hand to her chest. "Ouch, ha?" React niya. "Bakit naman? Is he taken already? Sinabi niya 'yung pangalan mo kanina. Is he actually your boyfriend?" Sunod-sunod na tanong niya.

"Duh, no." Mariin kong tanggi. "I'm just saying, he loves his work too much, that he's unable to pay attention to anything."

"What? So he's just a workaholic guy?" Disappointed niyang tanong.

"Yeah. And you'll die from his sarcasm so stay away from him." Dagdag ko pa.

"I can hear the both of you, you know?" Sabay kaming napalingon ni Miranda kay Grid na nakakunot ang noo.

I cleared my throat and pretended I didn't say anything offending. I crossed my arms and looked at him. "Bakit ka nga ba nandito?" Tanong ko. Trying my best to hide my curiosity.

"I'm here to buy some gift for my friend's wedding." He casually explained. Now I noticed his right hand, holding a paper bag.

"Wow, anong meron ngayong buwan, bakit ang daming kinakasal?" Miranda asked, because we had the same agenda for coming here.

We stood there for a couple of second in pure silence, hanggang sa tumunog ang cellpjone ni Miranda. Nabaling lahat ng atensyon namin sa kamay niyang nagkakalkal na sa bag niya, hanggang sa sagutin niya 'to. "Hello?" Sabi niya. "Ha? Anong oras na ba?" Tinignan niya ang relo niya. "Oh shoot!" She exclaimed when she saw the time. I looked at it too and it was already noon. "Sige na, sige na! Pupunta na ko sa entrance, bye!" Pagkatapos ay agad niyang binaba ang phone niya. "Aleeza, mauuna na ko. Hindi ko napansin 'yung oras. May shoot nga pala ko ng 12!" She said while panicking.

"Yeah, sure. No problem." Sagot ko.

"Sige, bye!" Kaway niya sa'kin habang kumakaripas siya ng takbo. Kumaway din ako pabalik.

Villain's ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon