CHAPTER 28 - The Tour Part 1

2.4K 87 14
                                    

The Tour Part 1

Dedicated to:
RosemarieQuidato




Surprisingly, despite our complicated history, we all naturally became chaotic just like any other family when they are in a trip. Busy sa paghahanda ng mga gamit, pagche-check kung may nakalimutan, etc. But I liked it. I liked the chaotic atmosphere, though I tried my best to not show it in front of them. Sinikap kong paliitin ang presensya ko para hindi ko masira ang mood. At sa wakas, bago mag alas-otso, dumating na ang van na susundo sa'min para sa tour. Magkakasama kaming lumabas ng bahay except kay dad na nag-lock ng pinto. Kami ang unang sinundo ng van kaya naman agad kong dinako ang upuan sa likod. Umupo si dad sa harap kaya naman obviously, si mom at Amandine ang magkatabi sa likod ng driver. Sa sumunod na row naman ang dalawa naming kuya. Hindi pwedeng magsama-sama sila sa iisang row para madaling makakasakay ang mga iba pang susunduin kaya naman umupo sila sa sumunod na row. At ako naman ang sa pinakalikod.

Nang masigurong nakapwesto na kaming lahat, bumiyahe na kami papunta sa susunod na susunduin. Pagkabukas ng pinto, unang niluwa nito si nurse June. Oo nga pala, malapit lang 'yung tinutuluyan nilang hotel sa'min.

Natawa ako sa isip ko.

Didn't they came here to monitor me? Pero parang totally vacation day talaga 'to ni nurse June. Sinong mag-iisip na nurse siya sa suot niya? She's wearing a loose tee na malamang ay swimsuit ang nasa loob at naka tuck-in ito sa high waist shorts niya.

Swimming na swimming ah.

Agad kaming nagkaroon ng eye contact at kakaway na sana siya sa'kin pero mabilis akong sumenyas na 'wag. I mentally slapped my face. Her loose mouth could make me get caught. Again. Alam naman niya na hindi siya kilala ng pamilya ko pero bigla-bigla na lang babati. Buti na lang at nakuha niya ang ibig kong sabihin kaya naman mabilis niyang tinikom ang bibig niya at nagpatuloy sa pagpasok. Kasunod naman niya si Farrah at huling pumasok si Grid. Tch, what a gentleman. Pinaupo silang tatlo sa likod kaya naman naging katabi ko si Farrah, pagkatapos ay si nurse June at sa dulo ay si Grid.

"Uy, Grid, nandito ka pala." Pasimpleng bati ni kuya Amzi.

Tumango lang si Grid as a sign of acknowledgement. Typical of him. Dahil sa pagbati ni kuya, nakuha niya ang atensyon ng buong pamilya.

"Kilala mo?" Tanong ni kuya Alaric.

"Yeah. Naging sponsor tayo minsan sa medical mission nila. Nag-observe ako d'on kaya nagkakilala kami. We've been in contact since then." Kwento ni kuya.

"Ah, 'yung medical mission sa Visayas?" Tanong ni dad habang nakatingin sa rear view mirror ng van.

"Opo." Sagot ni Grid.

"Oh, gan'on pala. Anong pangalan mo hijo?"

"Grid po." He answered in his usual voice. Nilagyan lang ng po.

"Nice to meet you, Grid." Bati ni dad. It seems that even though they've been friends for five years, our family members didn't know about him. Well, he's very unsociable so it's kind of expected. Himala na nga lang na naging magkaibigan sila ni kuya considering their opposite personalities.

* * *

"So bale magkakapatid kayo?" Lumingon ako sa ibang direksyon para maitago ang ngiti ko na hindi mapigilan sa sinabi ni mom. Nagkwentuhan muna sila habang inaantay namin ang pagdating ng bangka namin.

"Hala po, 'wag naman po." Mabilis na depensa ni nurse June na para bang nakakadiri ang idea na maging kapatid niya ang dalawa.

"Uh, kasama ko po sila sa team." Paliwanag ni Grid.

Villain's ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon