TWO
Dear Morpheme,
Alam mo ba,kaninang lunchbreak ay pinuntahan ako dito ni Avee sa room?Akala ko nga ay bibigyan n'ya lang ako ng pagkain dahil may dala syang tray ng foods.Pero alam mo ba ang ginawa n'ya?Ibinuhos n'ya lahat iyon sa akin kaya heto ako ngayon sa loob ng cr at umiiyak dahil nadumihan ang uniform ko.Pinahiram naman na ako ng classmates ko ng bagong damit pero naiiyak parin ako kasi hindi ko naman s'ya inaaway.Ang sabi n'ya ay ako raw ang dahilan kung bakit wala silang oras ni Morpheme tuwing umaga kapag papasok.
Bakit kaya ako lang ang sinisisi n'ya?Kasabay din naman namin si kuya Cleo,ah?
Humihingi ng hustisya,
Lily
Bumalik ako sa aming classroom nang marinig ko na ang bell dahil tapos na ang lunchbreak na hindi manlang ako nakakain kahit kaunti.
Wala pang teacher nung pumasok ako sa aming classroom.
"Ito,oh,foods."inabutan ako ni Joshua ng isang Fudgee Bar at Plus kaya napangiti ako at kinuha iyon.
"Salamat."I smiled at him.
"Yiiee!Namumula si Joshua, classmates!"biglang sigaw ni Maria kaya inasar kami.
"Huwag nga kayo teaser d'yan!"angal ni Joshua.
"Grabe ka bad si Ate Avee,ano?"bigla namang sabi ni Mercy saka lumapit sa akin.Ang ilan ay naglapitan din at ang ilan naman ay tahimik na nakatingin sa pwesto namin.
"Galit na galit talaga s'ya kanina.Ano bang ginawa mo sakan'ya,Lily?"si Melai naman kaya gulat akong umiling.
"Wala.Nagtataka nga ako,eh.Ako lang ang sinisisi n'ya pero ako at si kuya naman ang kasama ni Morpheme,eh."sagot ko at tumango naman sila.
"Saka alam nyo ba..."biglang humina ang boses ni Pito."Nakikita ko lagi iyon na kasama iyong ICT student na lalake."
"Hala,nakikita ko din sila!Hindi ba't HUMSS s'ya?Katabi ng building ng HUMSS ang ICT building!"sabi naman ni Maria.
"Ayan mga cheater pala sila,eh!Palibhasa si kuya Morpheme ay STEM student kaya malayo ang building nila,eh!"nag crossed arm pa si Melai na kaagad kong tinanguhan.
"Nakita ko rin sila pero hindi ko sinasabi kay Morpheme.Ayaw kong makielam."tumatango kong sabi.
"Hayaan mo.May karma din sila!"determined na sabi naman ni Maria at ni tapped pa ang shoulder ko kaya tumango ako.
"Class,time na ah!Go back to your proper seats!"sabi ni Teacher Rosie.Adviser namin s'ya at s'ya ay english teacher.
Maya maya ay tulog nanaman ang mga classmates ko.Nakakaantok kasi.Hindi naman ako makatulog lagi dahil nasa unahan ako nakapwesto at baka isumbong ako ng teacher kay kuya.Grabe pa naman mang sermon yon.
Ang uwian namin ay alas tres ng hapon kaya naman heto ako ngayon at nagliligpit na ng mga gamit ko dahil uwian na kami.Ang mga classmates ko naman ay mabilis na nag uwian na dahil may laban daw ng basketball sa plaza mamaya.Ang alam ko ay team nila Morpheme na STEM ang lalaban sa team nila kuya na ABM ,eh.Baka naroon na sila ngayon.Hindi nga lalaro si kuya dahil mag quiz pa sila,eh.
Si Morpheme naman ay paniguradong kasama na si Avee ngayon papunta sa plaza.
P'wede naman kasi ako na lang ang cheerleader n'ya,eh.Hays.
Dahil ako ang pinakamabagal sa lahat kumilos ay ubos na ang tao sa junior department nang makalabas ako ng aming building.Ang seniors kasi ay alas quatro pa ang uwian.Athlete si Morpheme kaya excused s'ya ngayon at maagang makakauwi.
Malapit na ako sa gate ng school nang may makita akong lalake na nakayuko at naka jersey na ng basketball at dala nito ang kan'yang bag.
Dali dali naman akong lumapit sakan'ya dahil sa hindi ko malamang saya na makita s'ya.
"Morpheme,akala ko umuwi ka na?"tanong ko at pinipigilan ang aking ngiti nang tignan n'ya ako.
"Ang bagal mo,eh.Tara na."he smiled at sumabay naman na ako sa paglalakad n'ya.
"Hindi mo kasabay si Avee?"tanong ko nang kinuha na namin ang aming bike.
"Wala naman nang rason para sabayan ko s'ya."he shook his head saka sumakay na sa kan'yang bike."Sorry kung ikaw pa ang inaway n'ya."
"Naghiwalay na ka'yo?Bakit?"tanong ko kahit sa loob loob ko ay nagkakaroon na yata ng pa fireworks ang aking puso sa tuwa.
"Ayaw ko na inaaway ka.Tara na at huli na ako sa laro."sagot n'ya saka nagtipa na palayo kaya naman nangingiti akong sumunod na sakan'ya.
Dear Morpheme, you're making my fragile heart fall for you even more.

BINABASA MO ANG
Dear Morpheme (Completed)
Short StoryThis is a story of a girl who loves keeping her thoughts on her beloved diary.She has no friends,but no one hates her.She wants to live alone and have a peaceful life.Her diary-named Morpheme,contains all her rants about the things that are happenin...