FIVE

129 15 1
                                    

FIVE

Dear Morpheme,

         Hi!Nakakailang refill na ako sayo dahil palagi ka nalang napupuno ng mga hinaing ko sa buhay.Pero nagpasalamat ako sayo dahil palagi kang nariyan sa tuwing wala akong napagsasabihan ng mga bagay bagay.Saka sa tuwing hawak kasi kita ay pakiramdam ko ay nahahawakan ko si Morpheme ng malapitan.Akin s'ya.

      By the way,grade nine na nga pala ako ngayon at masaya akong naggawa kagabi ng Valentine card para kay Morpheme.Bibigyan ko rin ang ilan sa mga kaklase ko.Bahala na kung sino ang maabutan ko.

       Another by the way,alam mo bang nagdadalawang isip ako kung bibigyan ko si Morpheme ng card? Nagpasama kasi sya sa akin kahapon para bumili ng cupcakes.Bibigyan daw nya iyong panibagong nililigawan nya.Improving naman na sya ngayon kasi isang girlfriend na lang nya every year.Pero nakakalungkot pa rin dahil bata pa rin ang tingin nya sa akin.Tanggap ko naman na iyon at ayos lang sa akin.Sadyang nalulungkot lang ako dahil wala talaga akong pag asa sakan'ya.

        By the way ulit,ang mahalaga lang naman sa akin ngayon ay hindi nya ako iniiwan at pinapabayaan kahit may girlfriend sya.Ayos na sa akin ang umasa habang buhay.

Lubos na nagmamahal,

Lily                                  





Magkasabay kami ni Morpheme ba pumasok ngayon at hindi ko pa alam kung kailan ko ba ibibigay sakan'ya ang card na ginawa ko.Taon taon ko naman sya binibigyan.Kaso sa mga nagdaang taon na iyon ay tanging Happy Valentine's day lang ang sinusulat ko sa mga iyon.





Ang isinulat ko ngayong taon ay,





Dear Morpheme,

          Happy heart's day!I am hoping that you're having fun today.I know you are in love and I'm sure that you're happy.May you feel loved as you spread love to others.You're  a kind-hearted person and you deserve all the love this world can give.

Happy heart's day, Morpheme!Lily loves you!

- L





"Sabay ta'yo mamayang uwian.Maaga ang uwi namin."sabi sa akin ni Morpheme nang makarating kami sa parking lot.






"Wala kang ka-date?"tanong ko at umiling lang sya.





"Ikaw?"tanong nya pabalik.





Sasagot na sana ako nang biglang umingay ang paligid.Inilibot ko ang aking paningin at nagulat nang makita ko si Joshua na may dalang bouquet of flowers, maliit na box ng cake,at ilang chocolates.





"Happy heart's day,Lily!"Joshua announced at doon na n'ya sa akin inabot ang kanyang regalo.

Dear Morpheme (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon