FOUR

125 12 1
                                    

FOUR

Dear Morpheme,

         Hindi na ako sumasabay kay Morpheme kahit sa oras ng uwian.Kahit na hinihintay n'ya ako ay gumagawa ako ng paraan para hindi makasabay sakanya.Nagalit na kasi sa akin si LJ.Noong inihatid pala kasi ako ni Morpheme sa school noong nakaraang buwan ay hindi nya nasundo si LJ at na late raw ito.Sinabihan n'ya ako na huwag na raw lumapit kay Morpheme dahil parang baby daw ako na palagi na lang inaasikaso.

          Tama s'ya, Morpheme.May relasyon sila at ako naman ay kaibigan lang ni Morpheme kaya sinunod ko ang gusto n'ya.Pero alam mo ba?Nakita ko sya noong nakaraan habang nasa bahay nila Morpheme ay may kinuha sya doon na alahas.Napagalitan si Morpheme dahil sya ang pinag bintangan ni Tita Hazel sa nawalang alahas.Grounded sya ngayon at hindi pinapagamit ng sasakyan kaya si papa nya ang naghahatid sakanya at sumusundo sa amin.Hindi rin ibabalik ang lahat ng luho nya hangga't hindi raw naiibalik ang alahas.

Lubos na naaawa,
Lily                        


"Huwag ka nang malungkot.Mapapatawad din naman ni mama nya si Morpheme,eh."pagpapagaan ni Joshua ng aking loob.





Kanina pa kasi ako nalulungkot dahil malungkot si Morpheme.Tanaw ko sya rito sa canteen at tahimik na kumakain habang katabi si LJ na mukhang walang problema kahit kaunti.





Nakakaramdam kaya sya ng guilt?Sa lahat ng naging girlfriend ni Morpheme ay sya lang itong ganito kasama.Binabawi ko na ang sinabi ko kay Morpheme (diary) na sya ang pinakamabait sa lahat.Mapagpanggap naman pala ito at makati pa ang kamay.





Nang matapos ang lunchbreak ay bumalik na kami ni Joshua sa aming classroom.Wala namang kaming ginagawa dahil may meeting daw ang mga teachers.





"Kaawa naman si kuya Morpheme,ano?Pinagalitan pala talaga sya ni Ka Hazel."sabi ni Maria at malungkot na tumango naman ako.Awang awa na ako sa forever crush ko.





"Ayun si Ate LJ!Tanungin kaya natin sya kung bakit pinagalitan si Kuya Morph?"biglang tinuro ni Melai si LJ na confident na confident na naglalakad sa hallway.






Kaagad naman akong tumayo at sinenyasan sila Maria na manatili na lang doon sa kanilang pwesto saka ko sinundan si LJ.






Pumunta si LJ sa may cr kaya naman sinundan ko sya doon.Napatingin sya sa akin.





"Oh!The little slut is here!"she rolled her eyes on me saka naglagay ng lipstick sakanyang labi.





"Ibalik mo na ang nawawalang alahas ni Tita Hazel."lakas loob kong sabi sakanya kaya natigilan sya saka tumigil din sa paglilipstick at lumingon sa akin.





"Ano bang sinasabi mo d'yan?!Pinagbibintangan mo ba ako?!"sigaw nya at halos mapatalon ako dahil sa gulat.





I was really wrong about her.Tsk.





"Hindi kita pinagbibintangan kasi ikaw naman talaga ang kumuha noon."pilit kong pinagmumukhang kalmado ang aking sarili.





Pagak na tumawa si LJ at tila hindi oa makapaniwala na may nagsasalita ng ganito sakanya.





"And how you say so?"she flipped her hair.





"It's because I saw you, obviously?"sabi ko gamit ang sarkastikong tono.Mukhang napikon na s'ya.





"At ano naman kung kinuha ko?May magagawa ka ba?Maniniwala ba sa'yo si Morph?"tanong n'ya at nagpatuloy na sa paglalagay ng kolorete sa mukha.





"Eh di inamin mo na rin na ikaw nga ang kumuha."I sighed.




"So?No one will believe you, anyway."she shrugged.




Lumunok naman ako at tumango.




"Sa akin siguro ay wala...pero dito?"dahan dahan kong tinaas ang cellphone ko na naka bukas ang recorder.





Nanlaki ang mata nya at galit na galit akong tinignan.





"You bitch!"sigaw n'ya at akmang hahabulin ako nang dali dali kong ibinulsa ang aking cellphone at mabilis na tumakbo palabas ng cr."Bumalik ka dito!"sigaw nya saka ako habol habol.




Kada classroom naman na nadadaanan namin ay napapatingin ang mga tao at halos maubusan na ako ng hininga bago ako makalabas ng aming building.





Nakarating kami sa grass ground at doon nya ako dinamba kaya naman natumba kaming dalawa at gumapang na ako sa damuhan.Halos lahat ng mga estudyante ay nagsilabasan na sa mga classroom para panoorin kaming dalawa na nagkakagulo sa damuhan at wala manlang nagtangkang umawat sa amin.






"Give me that,you little slut!"galit nyang sigaw at hindi na ako nakapalag nang maupo s'ya sa aking tyan at kinapa sa bulsa ng aking palda ang aking cellphone.





Muntikan na nya iyong makuha sa akin kung hindi lang dumating si Morpheme at inawat kaming dalawa..





"Ano to?!"sigaw nya at halatang galit.





"I'm so sorry."tila tutang sabi ni LJ.Masama ko syang tinignan.





"I have the proof that she stole Tita Hazel's thing!"I announced.

     

Dear Morpheme (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon