SEVEN
Dear Morpheme,
Alam mo bang nagiguilty ako hanggang ngayon?Isang taon na ang nakakalipas mula nang maghiwalay sila ni Vida, pero heto pa rin ako at guiltyng guilty.Alam mo bang simula nang sabihin ko iyon kay Morpheme ay hindi na talaga ulit sya nag nobya?Lahat ng babaeng nagpapahiwatig sakanya ay binabalewala nya at sa tuwing tinatanong ko sya kung bakit ayaw nya ay dahil daw ayaw ko raw sa masama ang ugali.
Tuwing may babaeng natitipuhan s'ya ay nagtatanong muna sya sa aking kung gusto ko raw ba yung ugali.Hindi ko sinasagot ang mga tanong n'ya na ganoon dahil hindi ko rin naman kasi alam.Dahil doon,talagang hindi na s'ya nag girlfriend pa ulit.
Mas naging malapit na rin kami sa isa't isa.Palagi nya na rin akong sinasabay o di kaya'y sinasama kapag may lakad s'ya.Pati sa lakas nila ni kuya ay sinasama na nya ako.Hindi sya nasama kapag hindi ako nasama.
Best friend ko na ba si Morpheme, Morpheme?
Lubos na nagugulumihanan,
Lily"Bilis,bilis,bilis,ang bagal!"patawa tawang sabi ni Morpheme habang hawak ako sa kamay.
"Sandali at baka naman matapilok ako!"angal ko kaya natawa ulit sya hanggang sa makarating kami sa kanyang sasakyan.
"Dapat ikaw ang manalo bilang Senior's Prom Queen,ha."paalala nya nang makarating kami sa parking lot.
"Sayang..."I sighed."Kung hindi ka pa gurang sana ay tayo ang lalaban parehas."biro ko at napasimangot sya dahil doon."Biro lang!"
"Text me when you're going home.Ako ang susundo sayo.I have a surprise for you."he winked at me jokingly habang inaalalayan ako maglakad papunta sa may entance ng venue.
"Anong surprise yan?Make sure it's gonna be a snack!"pagsabay ko sa kan'yang kalokohan.Natatawa nya akong tinutukan ng DSLR at kinuhan ng litrato.
"I'm sure it's gonna be a snack!"pag gaya naman nya sa salita ko kaya natatawa na ako sakanyang nagpaalam.
Pumasok na ako nang tuluyan sa venue at nagsimula na rin naman ang program.Just the typical promenade of the country lang naman.Iyong lahat ng ganap ay organized at bawal magpaka wild ang mga estudyante kundi ay ititigil ang tugtugan.Very different from the other countries na party kung party.
"Hey, let's dance?"anyaya sa akin ng isang grade twelve student kaya naman sa amin natutok ang atensyon ng lahat at ang ilan ay nang asar na.
Kilala kasi sa buong campus itong si Gilbert.Pumalit sa pagka heartthrob nila kuya at Morpheme noong kapanahunan nila rito.
"Sure."nahihiya ko pang sagot saka tinanggap ang kaniyang kamay.
Nagsayaw kaming dalawa at sya ang naging first dance ko at naging sunod sunod na iyon hanggang sa hindi ko na mabilang kung ilan ba ang nagsayaw sa akin at kung ilang roses ba ang natanggap ko.
"And our 2020's Prom King and Queen are Joshua Ramirez and Lily Fortunato! Congratulations!"announce ng aming principal at mas lumakas ang sigawan nang alalayan ako n Joshua sa pag akyat sa stage.
Puro sila sigawan na magbalikan na raw kami ni Joshua.
Makasigaw akala mo naman ay napakatagal na naging kami.
"Congrats,My Queen."at hinalikan pa ako sa kamay ni Joshua.Tumangi at ngumiti naman ako sakanya saka kumaway sa lahat.
"Congrats din."tangi kong nasabi at tumango naman sya.Nag aabang pa siguro na sabihin kong sya ang King ko.It's obviously Morpheme.He will be forever my king.
"How was the program?"tanong ni Morpheme saka ako pinagbuksa ng kotse at inalalayan sumakay.
"I won!"I announced saka pinakita sakanya ang aking korona at sash.
"Wow!A big congratulations for the Queen!"may pang aasar nyang sabi kaya natawa ako."Let's take a picture with the Queen."he said and we took a picture together hanggang sa mag aya na syang umuwi.
"Oh my,anong mayroon?"tanong ko nang alalayan nya ako papunta sa kanilang backyard.Naroon din sila Tita Hazel,Mommy,at saka sila Papa na abala sa pag aayos ng pagkain at ng garden na ngayon ay nagliliwanag dahil sa mga ilaw.Si Kuya naman ay nakabihis na pang waiter pa.
"This way, Ma'am and Sir."pormal nya kunwaring sabi."Basta 5 bills to, Pare,ha!"he added kaya naman natawa kami parehas ni Morpheme.
"What's this?"mahina kong tanong kay Morpheme nang higitin nya ako papunta sa mini stage na nilagay sa may gitna ng garden nila.
"I want you to dance with me.Hindi kita maiisayaw sa school kaya dito na lang."sabi rin nya at tuwang tuwa naman akong tumango saka kumapit na sa balikat nya.
We both danced to the every type of beat that kuya Cleo played.Siya rin daw kasi ang kinuhang DJ ni Morpheme.
The whole night was magical and full of fun for the two of us.We danced the night till dawn.Hinayaan lang kami nila Mommy.Nang mapagod sa pagsasayaw ay naupo na lang kami ni Morpheme at magdamag na nagkuwentuhan.
This will be the best night of my life.Whatever happens,I'll treasure this.I'll treasure him.

BINABASA MO ANG
Dear Morpheme (Completed)
Historia CortaThis is a story of a girl who loves keeping her thoughts on her beloved diary.She has no friends,but no one hates her.She wants to live alone and have a peaceful life.Her diary-named Morpheme,contains all her rants about the things that are happenin...