ZERO
"Ito ang hawakan mo,Lily."utos sa akin ni Morpheme matapos iabot ang isang sulatan.
Hindi ko mawari kung ano iyon.Basta ang alam ko ay parang diary iyon.Iyon bang sinusulatan ng mga nangyayare sa'yo.May gan'yan si Ate Miranda,eh.Isa sa kapitbahay namain.
Ayaw ko naman ng gan'yan kasi tamad naman ako magsulat.Saka hindi ko naman alam ang isusulat ko doon kasi wala pa naman mas'yadong nangyayare sa buhay ko.
"Ayaw ko,Morpheme.Bata pa ako.Wala akong maiisulat d'yan."umiling ako ng sunod sunod saka ibinalik sakan'ya ang notebook.
Bumuntong hininga si Morpheme saka muling ibinalik sa aking ang notebook saka tumalikod sa akin para ituloy ang ginagawa naming snowman.Narito kasi kami sa Amerika dahil magpapasko.
Magkaibigan ang pamilya ko at ang pamilya ni Morpheme.Matalik na magkaibigan sila mommy saka si Tita Hazel na mama naman ni Morpheme.
Matalik na magkaibigan din naman si Kuya Cleo saka si Morpheme.Tapos kaya naman malapit kami ni Morpheme ay dahil crush ko s'ya.Hindi n'ya iyon alam pero tingin ko ay alam naman n'ya.Hinahayaan lang n'ya kasi siguro dahil ay magkaibigan sila ni kuya at bata pa ako.
Grade ten na sila ni kuya Cleo habang ako naman ay grade five pa lang.Palagi naman nila akong sinasamahan sa school kaya nasanay ako na sila lang ang kaibigan ko.Pakiramdam ko ay ayaw tuloy sa akin ng iba.
"Basta alagaan mo iyan.Kapag may nangyare d'yan ay hindi na kita papansinin."banta ni Morpheme kaya naman bumuntong hininga ako at tumango dahil hindi ko naman kakayanin na hindi n'ya ako kakausapin.
"Kahit umiyak ako hindi mo ako kakausapin?"tanong ko kaya naman humarap sa akin si Morpheme saka bumuntong hininga kaya lumabas doon ang usok dahil sa sobrang lamig ng paligid.
"Hindi.Kahit umiyak ka pa."he shook his head and continue what he's doing.
Bigla naman akong naluha dahil sa katotohanang kaya na ni Morpheme na hindi ako kausapin.Hindi katulad ng dati na pinapatulog pa n'ya ako.
"Bakit ka naiyak?"tanong n'ya nang marinig n'ya ang hikbi ko.Mas naiyak ako sa kan'yang tanong.
"Kasi hindi mo na ako kakausapin."humihikbi kong sabi at umangal naman s'ya pero mahina lang.
"Hindi naman,eh.Ang sabi ko pati ay kapag hindi mo lang kinuha iyang regalo ko."sabi n'ya saka ako niyakap.Natigilan naman ako saka s'ya hinarap.
"Regalo mo ito sa akin?"tanong ko saka ngumiti.Ngumiti din s'ya sa akin saka tumango.
"Gusto ko gagamitin mo iyan.Wala ka mas'yadong kaibigan kaya p'wede mo iyang maging kaibigan.Isulat mo d'yan lahat ng gusto mong isulat kasi kapag d'yan mo iyon isinulat ay paniguradong hindi iyon kakalat.Kahit sikreto mo ay p'wede mo d'yan sabihin."sabi n'ya na tinanguhan ko naman kaagad.
"P'wede ko ba itong pangalanan?"tanong ko at nangunot naman ang noo n'ya bago dahan dahang tumango.
"Ikaw ang bahala.Sa iyo naman iyan."
"Okay.Salamat, Morpheme!"I smiled at him.He nodded and smiled back.
"You're welcome, Lily."
Kaya si Morpheme ang crush mo dahil sa taglay n'yang kagwapuhan.Tapos napakabait pa n'ya.Masunurin din s'ya kila Tita Hazel.
Kahit anong mangyare,at kahit gaano pa katagal,ay hihintayin ko na magustuhan ako ni Morpheme.

BINABASA MO ANG
Dear Morpheme (Completed)
القصة القصيرةThis is a story of a girl who loves keeping her thoughts on her beloved diary.She has no friends,but no one hates her.She wants to live alone and have a peaceful life.Her diary-named Morpheme,contains all her rants about the things that are happenin...