NINE

127 13 2
                                    

NINE

"Doctor Fortunato, please proceed to the room 304, please.Again, Doctor Fortunato,there is an emergency at room 304."




Matapos kong marinig ang sinabi sa speaker ay tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko dito sa cafeteria ng ospital na pinagtatrabahuhan ko.





Pumunta ako sa sinasabing room at dinaluhan doon ang pasyente na may tama ng pasa sa binti.




"Where you got your injury?"tanong ko dito habang tinignan ang vital signs nya na medyo stable naman.





"Somewhere in the downtown."he shrugged.Ang kasama naman nito na kapwa black American ay halatang naghihintay ng update ko sakanya.





"You should be more careful,Sir."payo ko dito."America has never been peaceful like before."I added at tahimik naman itong tumango.





Binalingan ko naman ang kasamahan nito at sinabi ang lahat ng dapat nyang malaman at ang mga gamot na dapat inumin para mas mapabilis ang paggaling nito.




"Thanks,Doc Lily."huling sabi ng babae saka tinulak na ang wheelchair ng kasama nitong injured.





Naiiling na bumalik naman na ako sa aking office at nag ayos ng ilang papel ko doon dahil bukas na ang flight ko papuntang pilipinas.I don't know what to feel, though.





Excited with the touch of nervousness .Ngumiwi ako dahil doon at saktong nag ring naman ang cellphone ko.





"Ano nga uling oras ang arrival mo dito?"tanong ni kuya na pangatlong beses na yatang tumawag ngayong araw na ito.





"Kuya, you're so excited.Darating ako bukas d'yan.Ang estimated time ay alas dos ng hapon.Please,record this conversation 'cause you're making me sick already."I replied lightly.





"Gusto ko lang masigurado na darating ka.Isa ito sa pinakahihintay na araw,eh."he sighed.Tumango naman ako kahit hindi naman n'ya nakikita iyon."By the way,ako at si Kathleen ang susundo sayo bukas.Sa condominium ka tutuloy diba?"dagdag nya.






"Yep.Wait, I'll just check my registration and make sure that everything's doing fine.I'll be there,kuya.Bye!"paalam ko saka uli tinignan ang aking check in infos.




Ayos naman na lahat iyon.Ako na lang ang kulang.Humugot ulit ako ng malalim na hininga saka tumayo para gawin ang rounds ko bago ako makauwi at makapag pahinga.





Tomorrow will be a long,long day for me.I hope I'm prepared.





"When will you be back here?"tanong ni Anderson na s'yang doktor din dito sa ospital na pinagtatrabahuhan ko.





"Maybe a week after the wedding.You won't be that jam-packed here, don't worry."ngumiti ako kay Anderson na natatawang tumango na lang at umalis na rin.




Nang matapos ako sa aking rounds ay bumalik ako sa aking office para kuhanin ang aking mga gamit.Dumeretso naman ako sa log in,log out area para makapag log out na ako.Gustong gusto ko nang mahiga dahil 48 hours straight akong duty dahil nga matagal ang leave na kinuha ko.





One week din iyon.Sabi ko kay kuya ay mga dalawang araw lang ako dapat doon para sa kasal pero hindi sya pumayag.Sinabi nyang magagalit sya sa akin kapag tinotoo ko iyon kaya heto ako ngayon.Halos mamatay na sa ka duduty.




Saglit kong inayos ang laman ng luggage na gagamitin ko bago ako nahiga at mabilis din namang nakatulog.




Kinabukasan ay maagang maaga akong naghanda para sa aking pagpunta sa airport.Umalis na rin ang eroplano kalaunan at buong byahe lang rin naman akong natulog dahil paniguradong hindi na uli ako makakatulog kapag naroon na ako.Paniguradong maraming isipin at gagawin doon.




2:34 ng hapon ako nakarating ng Pilipinas at talaga namang nanibago ako sa klima dahil halos limang taon din naman akong hindi nakauwi matapos kong maka graduate as medical student.





Higit ang aking luggage,naglakad na ako papunta sa labas ng airport at doon ko nakita ang malaking sulat ng aking pangalan na hawak ni kuya habang katabi nya sa Kathleen.





"Oh my,hi I've missed you!"mabilis akong niyakap ni Kathleen kaya naman sinuklian ko sya ng marahan na yakap.





"Congrats!"I smiled at her.Bigla naman syang kunwari ay nahiya kaya natawa ako bago yumakap kay kuya.





"I missed you,kuya!"sabi ko at doon ako mahigpit na yumakap.





Matapos ang kumustahan naming tatlo at kumain pa kami sa isang restaurant kung saan malapit sa condominium na tutuluyan ko.Inihatid rin ako ng dalawa doon at saglit uling nakipagkuwentuhan bago napagpasyahan na umalis na.





Gala pa nang gala,bukas na ang kasal eh.Tsk.

Dear Morpheme (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon