ONE
Dear Morpheme,
First day na ng pasok ko ngayon at grade seven na ako!Masaya na sana kasi kasama ko na sa school si kuya at Morpheme,ang kaso lang ay graduating na sila.Pero ayos na iyon diba?Ang mahalaga ay makakasama ko na sila sa iisang school.Lalong lalo na si Morpheme.Kaso alam mo ba, nakita ko kahapon ay may babaeng ipinakilala si Morpheme kila Tita Hazel.Ang masama pa nito ay iyon iyong masungit na sa kabilang village nakatira, tapos mabuti na lang ay hindi sya kaklase ni Morpheme!
Lubos na naghihimutok,
Lily
"Lily, bilisan mo d'yan at late na ta'yo!"sigaw ni Kuya Cleo mula sa labas ng kwarto ko kaya naman dali-dali kong inilagay sa loob ng aking bag ang aking diary na si Morpheme.
Yes.I named it Morpheme.
"P'wede naman kasing sa school o 'di kaya ay mamayang hapon mo na iyan isulat!"sermon ni kuya nang palabas na kami sa bahay.
Kinuha ko na ang bike ko sa garahe at ganoon din naman s'ya.
Tahimik lang ako na lumabas ng aming bakuran habang si kuya naman ay nasa likuran ko at panay ang sermon sa akin.
Nabuhayan lang ako nang makita si Morpheme na palabas na rin ng kanilang bakuran at tinutulak na rin ang kan'yang bike palabas.
"Hi, Morpheme!"masayang bati ko sakan'ya saka mabilis na lumapit sa kan'ya.
"Nag aaway nanaman ka'yo."umiiling na sabi niya kaya mas nainis si kuya.
"Bro,ang epal mo!Nag uumpisa pa lang ako,eh—"
"Hayaan mo na at nasisiyahan lang 'yan magsulat."nakangiting sabi ni Morpheme saka kumindat sa akin at sumakay na sa kan'yang bike at mabilis na nagpedal palayo.
"Bleh!"sigaw ko kay kuya saka sumakay na rin sa aking bike at sumunod na kay Morpheme.
Masaya kaming tatlo na nagtatawanan habang nagpapabilisan sa pag pedal nang biglang lumiko si Morpheme sa isang village ay doon naputol ang kasiyahan ko.Si kuya naman na nasa tabi ko ang humagalpak ng tawa.
"Sabi sa'yo susunduin pa n'yan si Avee, eh."pang aasar n'ya at hindi na lang ako umimik at hinintay na lang namin dito sa labas ng village si Avee.
S'ya ang pinaka tumagal na girlfriend ni Morpheme dahil tuwing nagkaka girlfriend s'ya ay lagi akong inaaway kaya nagsusumbong ako kay Morpheme.Ang ending noon ay kukumprontahin ni Morpheme ang babae hanggang sa umamin ito.
Hindi naman ako masama sa mga babae ni Morpheme.Kaya nagtataka ako at ako lagi ang kanilang pinag iinitan.
Maya maya pa'y lumabas na sa village si Morpheme at nakaangkas na sa kan'yang likuran si Avee na akala mo ay napakahinhin.Nakita ko kaya iyan kahapon na may kahawak kamay na ibang lalake.Hindi ko naman sinasabi kay Morpheme kasi iyon ang habilin sa akin ni kuya.
Kung gusto ko raw maging mabait lang sa akin si Morpheme ay hayaan ko raw s'ya.Iyon naman ang ginagawa ko.Nagiging smooth ang mga nangyayare.Lahat sila ay nawawala.Palaging si Morpheme ang nakikipag hiwalay.Tapos sa akin ang sisi lagi ng mga chicks n'ya.Sinisiraan ko raw sila.
Kung sinisiraan ko nga sila,eh 'di sana ay sinasabi ko kay Morpheme lahat ng kasamaan nila.Noong isang taon,binuhusan ako ng putik noong si Samantha.Hindi ko iyon sinabi kay Morpheme pero kinabukasan ay nakipag break na si Morpheme sakan'ya.
"Kay Morph ka sumabay mamaya pag uwi at may klase pa ako ng alas sais."sabi ni kuya nang naglalakad na kami sa hallway ng aming school.
"Huwag na.May kasabay s'ya mamayang girlfriend.Ayaw ko."umiling ako.Nasa likuran sila Morpheme at Avee at kanina pa mahinang nagbubulungan saka tumatawa.
"Ikaw bahala.Basta ay mag iingat ka."
Matapos ako ihatid ni kuya sa tapat ng aking classroom ay kumaway na ako sa kanila.Ang mga kaklase ko naman ay hindi magkamayaw sa pagsilip sa magkaibigan.Sikat kasi sila dito.

BINABASA MO ANG
Dear Morpheme (Completed)
Historia CortaThis is a story of a girl who loves keeping her thoughts on her beloved diary.She has no friends,but no one hates her.She wants to live alone and have a peaceful life.Her diary-named Morpheme,contains all her rants about the things that are happenin...