EIGHT
Dear Morpheme,
Grade twelve na ako, Morpheme! Graduating na ako sa pagiging highschool at ganoon rin naman si Morpheme.Gagraduate na sya at magiging successful engineer na!I'm so so proud of Morpheme, Morpheme.
By the way,gusto ko tuloy mag basa ng ilang kalokohan kong sinusulat sayo dati.Noong mga panahong naiinis ako sa mga nagiging girlfriend ni Morpheme.Ngayon kasi ay bihira na kitang nasusulatan kasi hindi naman na nagiging magulo ang isipan ko dahil palaging narito sa tabi ko si Morpheme.Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman nya para sa akin pero maayos na rin itong nangyayare sa amin.Masaya ako at alam kong masaya rin naman sya sa akin.
Hindi ko alam kung ano na ang mangyayare kapag grumaduate na si Morpheme kasi ang alam ko ay sa lungsod sya mag tatrabaho dahil may nag ooffer na sakanya doon kaagad.
Ngayon palang ay nalulungkot na ako ng sobra dahil ngayon na rin ang kanyang graduation.Gusto ko pa syang makasama ng mas matagal.
Lubos na nalulumbay,
Lily"Ito isuot mo na,Anak."sabi ni Tita Hazel kay Morpheme saka ito sinuutan ng toga.
Ako naman ay tahimik silang pinapanood habang inaayos nila ang damit ni Morpheme para sa kanyang graduation ngayong araw na ito.Nakaka proud kasi gagraduate sya as Suma Cum Laude.
Nagpatuloy sila sa pag aayos kay Morpheme hanggang sa mapalingon kami sa may pintuan.May babaeng dumating at dumeretso ito kay Morpheme na halatang nagulat at hindi kaagad ito nakagalaw nang humalik ang babae sakan'yang pisnge.
"Kathleen,"usal ni Morpheme saka ako nilingon saglit pero nagpanggap akong abala sa pagtingin ng invitation para sa graduation na magaganap maya maya lamang.
"Oh, Kath, hindi ka nagsasabi na darating ka pala!Welcomeback!"sabi ni Tita Hazel saka niyakap iyong babae.
"Gusto ko po kasing i-surprise itong si Morpheme,eh."sabi nung Kathleen saka umakbay kay Morpheme na paglingon lingon sa akin.
"Sino sya,Tol?"seryosong tanong ni kuya kay Morpheme.
"Sya si Kathleen.Naging kaibigan ko noong nag OJT ako sa Cebu."halatang kabadong sabi ni Morpheme.
Takot siguro to kay kuya.Mahuhuli kasing naglilihim na sa best friend nya.
"Kaibigan lang?Sure?"pangungulit ni kuya kaya nagpanggap akong natatwa saka hinigit na si kuya palabas ng bahay nila Morpheme."Kapag talaga nalaman kong may iba pang babae iyan bukod sayo ay papatayin ko yon."mahinang sabi ni kuya habang naghihintay na kami sa labas.
"Yabang.Sa laking tao noo,kuya."biro ko para naman mabawasan ang pagkaseryoso nya pero hindi iyon nagbago.
"Seryoso ako,Lily.Huwag ka lang talaga nyang paasahin at kakalimutan ko talaga ang aming pinagsamahan."
Natigil ang usapan namin ni kuya nang lumabas na sick Morpheme mula sa kanilang bahay.Sumakay kami sa van nila na ang papa nya ang driver.Magkatabi kami ni Morpheme sa upuan habang nasa kabila naman iyong babae at todo daldalan sila.
"Alam mo bang palaging nababanggit ni Morpheme noon sa amin?Hindi nga sya nagkakamali at napaka adorable mo."biglang baling sa akin ni Kathleen at halos sumampa na sya kay Morpheme kaya naman naiilang akong umiling at tumango.
"Thanks."
Nakarating kami sa venue ng graduation at talagang nakasalubong pa namin si Joshua..
"Congrats,Kuya Morpheme!"bati nya kay Morpheme matapos yumakap sa akin.
"Wala akong kapatid."pabalang na sagot ni Morpheme kaya siniko ko sya."Kidding.Thanks!"
Tuluyan na kaming pumasok sa venue at mahina namang nagtatawanan sila kuya at Morpheme dahil sa ginawa nito kay Joshua.Napailing na lang ako doon.Si Kathleen naman ay talagang hindi nalayo kay Morpheme kaya halos buong ceremony ay nakasimangot lang ako.Nawala lang iyon nang tawagin na si Morpheme sa stage para sa kanyang speech.
He got the highest average. 1.1 lang naman.Ganoon sya kautak.Engineering iyon ha.
Sinalubong sya ng malakas na palakpakan at idagdag pa iyong mga nag double effort na may mga crush sakanya na mga kapwa college nya.
"So,today...I truly and deeply giving my gratitude and acknowledgement to all the staffs,profs,and the school itself for helping me to know myself even more...."panimula ni Morpheme at talagang kinukuhanan ko iyon ng video.
I can't help myself from shaking.I am more than proud of him.
Nagpatuloy si Morpheme sa pagsasalita at pagkukwento tungkol sa naging karanasan nya kasama ang buong school hanggang sa nakarating na ito sa acknowledgement para sa malapit sakanya.
"I want to give the big thanks to those friends who has been there for me through ups and downs.To my bro,Cleo, you're the best,man!"tinuro pa nya si kuya na pabirong nag flex ng kanyang muscle kaya naman nagtawanan ang mga tao sa paligid.
"To these two,who treated me like their own child—Tita and Tito,I do really appreciate you.And shout out to the both of you for making my Lily."sabi pa uli ni Morpheme at doon na nag umpisa ang pang aasar sa amin.
Kulang na lang ay magtago ako sa ilalim ng upuan sa sobrang hiya.
"To my mom and dad,I love you both very,very much.I honestly telling them right now that I can't still do things without you both.Thank you for raising me well."
Kaagad ko namang inabutan ng tissue paper si Tita Hazel nang umiyak na ito kaya naman natawa si Morpheme sa stage.
"And to my friend—Kathleen, thanks for the effort.I do really appreciated it.More power to the both of us."pagpapatuloy ni Morpheme at nagpalakpakan naman kami dahil doon.
"And especially,to Lily who has been here from the very beginning of the world.Who has been there for me all my life.The only who adored me even at my darkest.The only one who I showed myself crying, helpless and hopeless...this one's for you,Lily!"sabi nya saka itinaas ang trophy na hawa kaya tumayo ako para palakpakan sya."And may I tell you something crazy?"biglang dagdag nya na nagpatahimik sa umiingay nang crowd.
"Yes?"nanginginig kong sagot.
"I love you.From the very start."
Tuluyan na akong naiyak nang marinig ko sakanya iyon at pinuntahan na sya sa stage para yakapin.
BINABASA MO ANG
Dear Morpheme (Completed)
Cerita PendekThis is a story of a girl who loves keeping her thoughts on her beloved diary.She has no friends,but no one hates her.She wants to live alone and have a peaceful life.Her diary-named Morpheme,contains all her rants about the things that are happenin...