THREE
Dear Morpheme,
I'm finally grade eight now.Wala na nga lang akong kasabay sa pagpasok pero may kasabay parin naman ako sa pag uwi.Si Morpheme na lang ang kasabay ko dahil sa ibang school nagcollege si kuya Cleo.Sa kabilang bayan s'ya habang si Morpheme naman ay nanatili dito sa aming bayan dahil may Engineering naman na kurso dito.Si Kuya lang ang maarte dahil may sinusundan daw s'yang babae doon kaya kahit may kursong business naman dito ay pinilit n'yang lumipat ng school.
Oo nga pala, Morpheme...may girlfriend na uli si Morpheme.Mabait naman s'ya at nakakatatlong buwan na silang magkarelasyon.Masaya si Morpheme sakan'ya kaya masaya na rin ako.Ang ikinalulungkot ko lang ay bihira ko nang makausap si Morpheme.Hindi ko rin s'ya kasabay pagpasok dahil mas maaga ang pasok ko kaysa sakan'ya at sinusundo pa n'ya pa kotse si LJ dahil malayo ang bahay nito.Sabi ni Morpheme ay hirap daw ito sa pera kaya sinusundo n'ya para bawas gastos daw.
Nangangarap maging kapus-palad,
Lily
Papasok na ako ngayon ng school at sakay sa bike ko.Actually,kay kuya na itong ginagamit ko dahil nabababaan na ako doon sa isa kong bike.Sabagay,
lumang luma na rin kasi iyon.Mula elementary ay ginagamit ko na iyon.Ayaw kong palitan dahil kasabay iyon ng bike ni Morpheme na hindi na rin naman n'ya ginagamit.
Palabas na ako ng aming bakuran at isasara na sana ang aming gate nang lumabas si kuya sa bahay.Lumabas din si Morpheme sakanila kaya hindi ko alam kung sino ba ang una kong titignan.
"Flat yan."nginuso pa ni kuya ang aking bike.Mukhang paalis na s'ya at nagmamadali na.
Hindi naman ako pwedeng sumabay sakanya kasi napaka out of the way naman.Malelate s'ya ng sobra.Maaga pa naman ang klase n'ya.
"Eh?"at sinilip ko ang gulong ng bike at napatampal ako sa aking noo nang makitang ubos na ubos na nga ang hangin nito."Maglalakad na lang ako.Maaga pa naman—"
"Sakay, ihahatid na kita."biglang sabi naman ni Morpheme na inilabas ang kan'yang bike.
Ngiting ngiti kong tinignan si kuya na naiiling sa akin saka ako dali daling nagtatakbo kay Morpheme at iniwan doon sa daan ang aking bike.Sigaw tuloy nang sigaw si kuya.
"Nako,baka ma-late ka, Morpheme!"sabi habang nakayakap ako sa bewang n'ya habang tumitipa s'ya.
"Maaga pa.Ikaw ang mahuhuli kung maglalakad ka."sagot n'ya kaya naman tumango na lang ako kahit hindi naman nya nakikita.
Nakarating kami sa tapat ng school at kaagad naman akong bumaba doon.
"Salamat!"ngumiti ako sakan'ya.
"Welcome.Hintayin mo ako mamayang uwian."sabi n'ya at dali daling tumango ako.
"Good morning,Lily...saka Kuya Morpheme!"biglang dating ni Joshua na kakababa lang sa kanilang magarang kotse.
Apat ang kotse sa bahay pero mas pinipili ko lagi ang bike dahil wala namang mag dadrive para sa akin dahil abala sila mommya.Saka mas gusto ko ang bike dahil masaya damahin ang simoy ng hangin.
"Hi,good morning!"kumaway pa ako kay Joshua at lumapit naman s'ya sa akin.
"Tulungan na kita sa books mo?"tanong n'ya at hindi na hinintay ang sagot ko kaya napangiti ako."Tara na?"tanong n'ya.
"Sige susunod ako Hintayin mo ako sa gate,Joshua."nakangiti kong sagot at tumango naman s'ya saka tumango rin kay Morpheme.
"Who's that?Your boyfriend?"tanong ni Morpheme kaya naman gulat na gulat akong umiling."May gusto sa'yo o gusto mo?"seryoso nyang tanong saka tumingin sa kalsada habang panay ang pisa sa kanyang preno.
Nakakunot din ang noo n'ya.
Napaka guwapo n'ya.Napakatangkad din.Matalino at sporty pa!Proud na proud kaya ako na s'ya ang crush ko.
"Wala,ah.Kaklase ko lang na mabait sa akin.Palagi n'ya akong tinutulungan kapag may problema ako lalo na sa klase."paliwanag ko.
Kunot noo nya akong nilingon saka tumango.
"Pwede mo akong pagtanungan kapag may problema ka sa school.Tuturuan kita."sabi n'ya.Ngumiti at tumango naman ako.
"Noted!"sumaludo pa ako sakanya.
"Good.Sige na at baka mahuli ka sa klase."huling sabi n'ya bago ako iniwan doon kaya naman masaya akong lumapit kay Joshua na talagang hinintay ako sa gate.
BINABASA MO ANG
Dear Morpheme (Completed)
Historia CortaThis is a story of a girl who loves keeping her thoughts on her beloved diary.She has no friends,but no one hates her.She wants to live alone and have a peaceful life.Her diary-named Morpheme,contains all her rants about the things that are happenin...