Prologue

142 13 2
                                    

"Ah baboy!"
"Taba!"
"Pangit!"
"Mukhang aswang!"

Hindi ko maiwasang mapaiyak sa mga naririnig ko. Napaupo ako nang itulak nila ako kaya lalo akong napaiyak. Sabay-sabay silang nagtawanan habang nakatingin sa akin at tinuturo ako na para bang ako na ang pinakanakakatawa sa mundo.

"Hoy! Anong ginagawa niyo?" Nakarinig ako ng sigaw, dahilan para tumakbo sila papalayo sa akin. Nanatili akong nakaupo dahil masakit ang pagkakatulak nila sa akin.

"Are you okay?" tanong no'ng lalaking lumapit sa akin. Siya siguro 'yong sumigaw kanina kaya nagtakbuhan 'yong mga batang nangbu-bully sa akin.

Tinulungan niya akong tumayo, mukhang nahirapan pa siya dahil sa napapikit pa siya habang tinutulungan akong makatayo.

"Ang bigat mo," sabi niya. Lalo tuloy akong napaiyak dahil sa sinabi niya.

"Sabi ko na e, bu-bully-hin mo rin ako," umiiyak kong sabi habang ang kamay ko ay pinupunasan ang luha ko.

"Hey, i-it's not like that. Stop crying!” parang aburido niyang pagpapatahan sa akin.

"You're beautiful, okay? Don't listen to those bullies." Patuloy pa rin siya sa pagpapatahan sa akin habang ang kamay niya ay hinahagod ang likod ko para makalma.

"Okay, ganito na lang. Kain tayo do'n." Tinuro niya 'yong bentahan ng kwek-kwek. "My treat."

"Hoy, teka lang!" sigaw ko nang hilain niya ako bigla papunta do'n sa kwek-kwekan. Masakit nga kasi tuhod ko!

Bumili siya tsaka ibinigay sa akin 'yon. Umupo kami sa gilid ng kalsada para makakain nang maayos.

"Ang sarap," masayang sabi ko.

Minsan lang kasi ako makatikim ng kwek-kwek dahil minsan lang akong bigyan ni Nanay ng pera.

"Where's your parents?" tanong niya.

"Nasa trabaho," sagot ko. Napadighay pa ako kaya sabay kaming natawa.

"Ikaw, nasa'n parents mo?" tanong ko.

"Nasa abroad, busy sa works nila." Tumango ako.

Naglakad-lakad kami hanggang sa maisipan na naming umuwi. May nagsundo sa kaniya, nakakotse pa. Ang ganda sa kotse nila, malamig! Hindi tulad no'ng kotse nila Aling Patring, ang init na nga sa loob, sira pa aircon!

Hinatid nila ako hanggang sa bahay dahil pinilit ako ni... Hala, hindi ko natanong pangalan niya!

Bukas itatanong ko dahil sabi niya sa akin magkikita pa kami para may kalaro kaming dalawa. Sinabi ko kasi sa kaniya na halos ayaw makipaglaro sa akin ng mga bata kasi mataba ako at sinasabing kakainin ko raw sila.

Tapos siya naman, walang kalaro dahil minsan lang siya palabasin, mahigpit daw kasi parents niya kapag wala sila sa tabi niya.

"Nak, mukhang masaya ka ngayon ah. Kanina ko pa napapansin ang kakaibang ngiti na 'yan," nanunuksong sabi ni Nanay. Napansin niya rin pala 'yon?

"May nakilala po ako kanina, mabait po siya tapos mayaman," pagkwento ko. Kwinento ko kay Nanay ang nangyari kanina.

Hindi maalis sa labi ko ang ngiti dahil may nakilala akong totoong kaibigan, 'yong tanggap ako kahit mahirap at mataba ako.

Si Nanay na lang ang kasama ko sa buhay dahil iniwan na kami ni Tatay. Nakabuntis siya ng iba at mas pinili niya 'yon kesa sa amin. Pero kahit na gano'n, ayos lang. Masaya naman kami ni Nanay sa kung anong meron kami ngayon.

Hindi ko inaakalang magkakaroon ako ng kaibigan na katulad niya dahil sa palabas ko lang naman napapanood 'yong nagiging magkaibigan ang mayaman at mahirap.

Sa henerasyon kasi ngayon, basta wala kang pera, walang papansin sa 'yo.

May itsura rin siya, ang cute niya nga e. Maputi at maganda ang ngiti niya. Ako kasi, naiinis ako sa sungki ko kaya kapag magpi-picture kami ni nanay, lagi akong nakangiti pero hindi labas ang ngipin. Ang pangit kasing tignan!

Siguro gano'n talaga kapag lumaki ka sa isang mayamang pamilya, halos perpekto ang lahat sa 'yo.



Kinaumagahan, nagising ako nang gisingin ako ni Nanay.

"May tao sa labas, anak, hinahanap ka." Inaantok pa ako pero  agad akong tumayo at bumaba dahil wala naman akong inaasahang bisita at walang bumibisita sa akin. Pero agad rin akong bumalik nang makita ko siya. Hindi pa ako naghihilamos!

Naligo ako saglit, mabilisan lang. Nakakahiya naman kung hihintayin pa nila ako. Pagbaba ko, nando'n siya at kausap si Nanay.

"Good morning," bati niya habang may ngiti sa labi kaya ngumiti ako nang hindi labas ang ngipin.

"Good morning. Ang aga mo yata? Akala ko mamayang hapon pa tayo magkikita," sabi ko. Inayos ko pa ang ilang hibla ng buhok ko dahil baka pangit tignan.

"Mukhang ikaw ang ikinekwento sa akin ni Ella. Napakagwapo mong bata," pagsingit at pagpuri ni Nanay.

"Anong pangalan mo, Hijo?" tanong ni Nanay.

"Kyan po," magalang niyang sagot. Ah, Kyan pala.

"Let's go," sabi niya tsaka hinila ako palabas.

"Teka, hindi pa ako nakakapagpaalam kay Nanay," sabi ko habang hinihila ang sarili ko para mabitawan niya ako.

"Pinaalam na kita kanina. Sabi ko, mamayang hapon ka na uuwi." Wala tuloy akong nagawa at sumakay kami sa kotse nila.

Ang bango, kakaiba ang amoy. Hindi kasi ako nakakasakay ng kotse. Kapag nakasakay naman ako sa kotse, hindi ganito ang amoy, parang pinagsakluban ng amoy ng usok at ilog!

"Wow," tanging sabi ko nang makapasok kami sa malaking bahay.

"Sa inyo 'to?" tanong ko. He nodded.

Pagbaba namin, hindi ko maiwasang mamangha sa lawak at ganda nito. Sa labas palang, maganda na. Paano pa kaya kung nasa loob na? Sobrang yaman nila.

May fountain sa labas at 'yong mga halaman nila ay maayos. May iba pang puno na naka-shape sa heart at bilog. Ang gandaaa!

Sobrang luwag sa loob at ang daming mamahaling gamit. Parang kapag hinawakan ko, madudumihan agad at parang mas mahal pa 'to sa buhay ko.


Months and years had passed, mas lalo kaming napalapit sa isa't-isa. Halos hindi na kami mapaghiwalay dahil palagi kaming magkasama.

No'ng nakilala ko magulang niya, sobrang bait nila. Akala ko magagalit sila dahil mahirap lang ako pero nagkakamali ako. Tinuring nila ako na parang tunay na anak at pamilya.

Noong nabaon kami sa utang, tinulungan kami ng magulang ni Kyan. Sobrang saya at swerte ko dahil nakilala ko siya.

Hindi lang kami ang magkaibigan. Naging magkaibigan rin ang magulang namin.

Sabay naming cine-celebrate ang birthday namin, christmas, new year at Valentine's day. Madalas, kapag umuuwi ng Pilipinas ang parents ni Kyan, pumupunta kami sa mga palaruan tapos kakain sa mamahaling kainan.

"A-aalis ka na ba talaga?" He wiped my tears.

"Oo, sorry." Hindi ko maiwasang malungkot at mapaiyak.

"Sa America ko na ipagpapatuloy ang pag-aaral ko," malungkot na sabi niya.

"Babalik ka naman, 'di ba?" tanong ko. Umaasang makikita pa siya sa personal.

"Oo naman at pagbalik ko, papakasalan kita." Napangiti ako sa sinabi niya. Palagi niyang sinasabi sa akin na papakasalan niya ako paglaki namin.

"Promise?"

"Promise." Niyakap niya ako at hinalikan sa noo.

Binilinan ko pa siya na kapag malungkot siya, tawagan niya lang ako sa telepono ni nanay para makausap niya pa rin ako kahit malayo kami sa isa't-isa.

Ngayong aalis na si Kyan, hindi ko alam kung anong magiging buhay ko. Baka bully-hin ulit ako ng ibang mga bata rito dahil wala ng magtatanggol sa akin.

Wait For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon