Hindi nawala sa utak ko ang nangyari noong nasa cafeteria kami. Kahit na may klase ay lutang ako, masyadong gumugulo sa utak ko kung sino 'yong babaeng nagsalita at agad niyang pinatay ang tawag.
Pero kahit na ganoon ay hindi ko na lang in-open iyon sa kaniya. Sinarili ko na lamang dahil ayokong pati iyon ay pag-awayan namin.
Saka wala akong dapat ikabahala dahil palagi niya sa aking sinasabi kung gaano niya ako kamahal
Gano'n pa rin naman kami sa dati ni Kyan. Ginagawa pa rin namin ang mga bagay na nakasanayan naming gawin. Walang nagbago, walang magbabago.
Kung may magbabago man, siguro 'yong magiging bagong kabanata ng istorya namin.
Tinutulungan niya ako lalo na kapag magme-memorize. Minsan, late na ako kumakain para makapagsabay kaming kumain. Ayos lang naman sa akin 'yon dahil nakakausap ko naman siya.
“Tapos ayon, grabe legit laugh talaga no'ng tumalon siya. Tawang-tawa kami sa reaksyon niya.” Kanina pa kami tawa nang tawa dahil sa mga kwento niya. Napapapalakpak pa siya kaya lalo akong natatawa. He's literally cute right now! I won't deny it!
“Baliw, ang sama niyo!” natatawa kong sabi. Paano ba naman, pagtawanan ba naman nila 'yong lalaking tumalon tapos walang sumalo dahil mataba. Napakasama talaga ng lalaking 'to!
“Ikaw? Sabi sa akin ni Mandy, may mga nagkakagusto raw sa 'yo riyan?” biglang parang nagtatampo na sabi niya. Tumawa ako saka napailing. Kahit kailan talaga napakadaldal ni Mandy!
Alam niya naman na seloso si Kyan tapos ganiyan pa mga pinagsasabi. E alam niya namang wala akong ibang gusto maliban kay Kyan.
“Hindi naman ako pumapayag na manligaw sila,” sagot ko.
“Dapat lang, akin ka lang e. Hindi ka pwede sa iba, baka masapak ko sila,” sabi niya saka umastang mananapak na. Natawa tuloy ako.
Kung kasama ko lang 'to ngayon, baka kanina ko pa 'to binatukan dahil sa mga sinasabi niya!
“Pero seryoso, sana kahit malayo tayo, sana ako lang. Kasi ikaw lang ang laman nito,” sabi niya saka tinuro ang banda sa puso niya kaya napangiti ako.
Hindi ko maiwasang maging masaya dahil sa mga sinasabi niya. Mahal ko siya at ramdam kong mahal niya rin ako. Sa tuwing kausap ko siya, hindi ko maiwasang ma-imagine na nagkita na kami. Gumawa pa nga ako ng listahan para sa pupuntahan at kakainin namin pagdating niya dito.
God knows how much I want to see him, to hug him, and to kiss him.
God knows what my really heart wants, and that is to be with him no matter how tough things are.
[Play 'Malibu Nights by LANY' while reading this part.]
Napatingin ako sa kaniya nang marinig kong nag-umpisa siyang mag-strum ng gitara niya. Wala pa ring kupas, he's really talented!
There's no reason, there's no rhyme
I found myself blindsided by
A feeling that I've never known
I'm dealing with it on my own~Kinuha ko ang cellphone ko para video-han siya. Naramdaman kong nanunubig na ang mata ko. I licked my lower lip while I'm watching him singing our favorite song.
I wanted to be with him under the stars while I'm listening to his voice singing our favorite song. I wanted to hold his hands to make him feel that no matter what happen, I won't leave his side. I wanted to hug him because I wanted to give him an assurance that I'll be his shield to protect him from sadness.
Phone is quiet, walls are bare
I drink myself to sleep, who cares?
No one even has to know
I'm dealing with it on my own~
BINABASA MO ANG
Wait For You
Teen FictionNOT EDITED. May mga bagay na kailangan nating intindihin at obserbahan nang maigi upang malaman ang kasagutan. May mga bagay rin na dapat nating paniwalaan kahit na makakasakit pa sa damdamin natin. At may mga bagay na kailangan nating tanggapin kah...