“Good morning, world!” masaya kong sabi nang magising ako. I stretched my body while I'm smiling.
It's Saturday morning kaya free day. Walang trabaho, walang chikiting na makukulit, walang stress! Hay!
“Good morning!” bati ko kay Nanay habang pababa ako ng hagdan.
“Masaya yata ang anak ko ngayon ah,” sabi ni Nanay kaya tumawa ako.
“At magiging masaya ka pa sa ibabalita ko,” dagdag niya.
Tumakbo ako pababa ng hagdan at mabilis na lumapit kay Nanay.
“Ano po 'yon?” excited na tanong ko.
“Pauwi na sila Kyan ngayon!” Bigla akong napatili nang sabihin iyon ni Nanay.
“Nay, totoo po?!” masaya kong tanong. Tumango siya kaya lalo tumili at tumalon.
“Ella, hindi ka na bata!” suway sa akin ni Nanay.
“Sorry po, Nay,” sabi ko tsaka nag-peace sign.
Agad akong kumain at lumabas ng bahay para bumili ng gamit. Magde-design ako sa kwarto ko dahil alam kong sa bahay unang pupunta si Kyan. I want to surprise him!
Ibinalita ko na rin kay Mandy kaya tuwang-tuwa ang bruha. Sobrang saya niya raw para sa akin dahil sa wakas, makakasama at makikita ko na ulit ang lalaking pinapangarap kong muling makasama.
Kaya siguro cold siya sa akin these past few months, isu-surprise niya pala ako! Napaka-corny talaga ng lalaking 'yon!
Hindi mawala ang ngiti sa labi ko habang nagmamaneho.
“Good morning, Manong!” bati ko sa guard.
Binati ko lahat ng saleslady o guard na madadaanan ko. Pumunta ako sa department store at bumili ng bagong baso. Dumiretso ako sa bookstore para bumili ng pang-design mamaya sa kwarto ko.
Pag-uwi ko, agad akong naglinis.
Pinalitan ko ang punda, bedsheet at kumot ko. Naglagay pa ako sa pader ng 'WELCOME BACK, KYAN MYLOVE!'
Napangiti ako dahil sa kinalabasan ng kwarto ko, ang ganda. Simple pero maganda. Naglagay pa ako ng konting lobo sa sahig. Parang bata hahaha!
Tapos doon sa kama, meron 'yong picture namin no'ng bata pa kami. Meron ding wine sa table ko.
Hay! Feel ko magiging masaya ang araw na ito!
Agad akong naligo, hinilod at sinabon ko bawat parte ng katawan ko. Sinigurado ko na malinis lahat. Nag-nail cutter pa ako, sinama ko na rin ang kuko ko sa paa. Nag-ayos na rin ako. I'm wearing a simple blue dress. Naglagay pa ako ng pulang lipstick pero hindi ganoon kakapal.
“Nak, tara na. Malayo ang airport!” sigaw ni Nanay kaya dali-dali akong lumabas. Pinuri niya pa ako dahil sobrang ayos ko raw. Hinila ko na si Nanay pababa dahil excited na akong makita si Kyan.
Habang nasa daan kami, nag-iisip ako ng una kong sasabihin. Ano kayang sasabihin ko?
Hi? Eh! Parang kakakilala palang e!
Kamusta? Parang ang awkward.
Yakapin ko na lang kaya siya? Parang nakakahiya!Aish! Bahala na! Waaaa, kinakabahan ako. Pagbaba namin, sobrang lamig ng kamay ko. Kahit aircon dito sa loob, pinagpapawisan pa rin ako.
Kahit i-distract ko ang sarili ko sa tanawin na nakikita ko, hindi siya maalis sa utak ko. Aaaa, 'wag ka naman ganoon ma-excite, Ella!
To: Kyan mylove
Message: Hindi mo sinabing uuwi na pala kayo, hahaha! Balak mo akong i-surprise 'no? Cheesy mo! See you :)Bumuntong-hininga ako saka napangiti. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko si Tita Janice. Grabe, lalo siyang sumexy at gumanda!
Napakagat-labi ako nang makita ko na si Kyan. Ang laki ng pinagbago niya. Ang tangkad niya tapos ang mature ng itsura niya. Hindi ko ma-imagine na sobrang laki ng pinagbago niya physically.
Dug dug! Dug dug! Dug dug!
“Kyan! I miss you!” masayang sabi ko saka niyakap siya. Ang bango niya!
Kumalas ako mula sa pagkakayakap sa kaniya nang tumikhim siya. Nawala ang ngiti ko nang makita kong may kasama pala siyang babae. Nginitian ko siya ng pilit nang nakatingin siya sa akim.
Hindi niya naman siguro yaya 'to dahil maganda at halatang mayaman base sa suot niya.
“Ahm, Rain, this is Ella. Ella, this is Rain.” Naglahad ako ng kamay kay Rain.
“Nice to meet you.”
“Kaano-ano mo siya?” tanong ko kay Kyan.
“Ella, tara na!” pagtawag sa akin ni nanay kaya ngumiti ako sa kanila bago sumunod kay Nanay.
Buong biyahe, gumugulo talaga sa isip ko kung magkaano-ano sila dahil wala namang na-kwento sa akin si Kyan about sa babae.
Tinignan ko ang messages ko, napabuntong-hininga ako nang wala akong matanggap na message kahit na isa mula sa kaniya.
She's beautiful, she looks mature than me, her body is stunning, kitang-kita mo talaga 'yong shape ng katawan niya dahil sa suot niya kanina.
The way she smiled at me earlier, kung lalaki lang siguro ako ay magugustuhan ko rin siya. Hindi ko alam kung bakit pero parang nakakaramdam ako ng inis do'n sa babae.
I don't want to judge her pero kahit ganoon ang itsura niya physically, parang kaya niyang mang-akit ng ibang tao by her smile.
And I hate the fact that I'm judging her without me knowing her true color.
Yeah, that was my mistake but no one could make me stop.
“Anak, ayos ka lang?” Napatingin ako kay Nanay nang hawakan niya ang kamay ko habang nagmamaneho siya.
“Opo,” sagot ko saka ngumiti sa kaniya.
Hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa harap ng bahay nila Kyan. It's been a long time simula nang pumunta ako rito.
I used to be here before kahit nasa states na sila pero natigil 'yon nang maging busy kami at bigla na lang natigil ang communication namin.
Mabilis akong lumabas ng sasakyan at pumasok. Ngumiti ako sa mga katulong na binati kami.
I saw Kyan and Rain went to upstairs while Tita and Tito are talking to the maids.
I was about to go upstairs nang bigla akong tawagin ni Tita Janice.
“Oh my! My Ella! I heard teacher ka na raw? I'm so proud of you, anak! Lalo kang gumaganda ha!” pagpupuri niya kaya ngumiti ako at niyakap siya.
“I missed you po!” sabi ko.
“I missed you too! Kapag kausap ko ang nanay mo, hindi kita naaabutan dahil palagi kang wala sa inyo,” sabi niya kaya natawa ako.
“I was really busy po kasi.”
Pagtingin ko sa itaas, I saw Rain looking at me kaya nginitian ko siya. She smiled back.
Napatingin siya sa likuran niya saka umalis, mukhang tinawag siya ni Kyan.
Continue...
BINABASA MO ANG
Wait For You
Teen FictionNOT EDITED. May mga bagay na kailangan nating intindihin at obserbahan nang maigi upang malaman ang kasagutan. May mga bagay rin na dapat nating paniwalaan kahit na makakasakit pa sa damdamin natin. At may mga bagay na kailangan nating tanggapin kah...