Chapter 01

85 14 0
                                    

Simula nang umalis si Kyan, wala na akong kasama kun'di ang pinsan ko na si Mandy. Sa kaniya ako nagsasabi ng sikreto ko. Kilala niya rin si Kyan at sinusuportahan niya ako sa lahat.

Siya talaga 'yong pinagkakatiwalaan ko sa lahat.

Nakakapag-usap pa naman kami ni Kyan sa tawag pero kailangan talaga naming mag-adjust dahil hindi pareho ang oras namin, may pagkakataong bigla na lang magpapaalam na isa sa amin sa gitna ng tawagan dahil inaantok na o may gagawin pa.

"Miss na kita," malungkot kong sabi habang nakatingin sa screen ng laptop ko.

"I miss you, too. Gusto na ulit kitang mayakap,” rinig kong sabi niya sa kabilang linya kaya napangiti ako.

Alas-dose na ng madaling-araw dito pero pinipilit kong buksan ang mata ko kahit nakakapagod ang araw na 'to dahil sa mga deadlines na hinahabol ko para makapasa sa course na pinasukan ko.

"Uuwi ba kayo sa summer?" tanong ko saka inayos ang ilang hibla ng buhok ko na tumakip sa mata ko.

"Hindi ko alam e," sagot niya kaya ngumiti ako ng pilit at tumango.

Simula nang umalis sila, puro video call na lang kami. Tuwing summer naman, hindi rin sila umuuwi dahil marami raw ginagawa, kapag naman nagplaplano silang uuwi, hindi matutuloy dahil sa business na tinatakbo ng parents niya.

Gusto niyang umuwi rito nang siya lang mag-isa para makasama ako pero marami rin siyang ginagawa kaya wala kaming choice kun'di ang hintayin na lang ang tamang panahon para magkita.

Kung ano-ano pa ang napag-usapan namin hanggang sa mapagpasiyahan na naming magpaalam.





Nagising ako nang mag-alarm ang telepono ko kaya pinatay ko ang alarm at nanatiling nakapikit ang mata.

Kahit inaantok pa, bumangon na ako para hindi ako ma-late sa klase dahil major ang first subject namin ngayon. Kinuha ko ang tuwalya ko at naligo saka nag-ayos. Naglagay lang ako ng lip balm sa labi ko saka naglagay ng clip para sa buhok ko. Perfect!

Pagbaba ko ay nakita ko si Nanay na nagluluto kasama si Yaya. Mukhang busy sila dahil sa ginagawa nila.

Nakapagpatayo kasi ng maliit na business si Nanay at sila rin mismo ang gumagawa ng product nila. May cupcake, tinapay, at iba't-ibang kape na sa business lang ni Nanay matitikman. 'Yan kasi talaga ang hilig niya noon pa.

Nakapagpatayo rin kami ng bahay dito sa subdivision na malapit sa tinirahan namin noon.

"Good morning po," inaantok kong sabi saka umupo at inilagay ang noo ko sa lamesa saka pumikit.

"Puyat ka na naman, anong oras kayo natapos na mag-usap ni Kyan?" tanong ni Nanay saka naramdaman kong minasahe niya ang likod ko.

"Mga 2am po,” sagot ko.

Pagkatapos kong kumain, agad rin akong nagpaalam at lumabas dahil hinihintay na ako ni Mandy. Sabay kami laging pumapasok at umuuwi galing sa University. Yes, you read it, sa University.

Dahil na rin sa tulong ng parents ni Kyan kaya ako nakapasok sa university, si Mandy naman ay sadyang mayaman talaga ang pamilya nila noon pa.

"Puyat, girl. Nakausap mo si Lover boy, 'no?" bungad niya nang makapasok ako sankotse niya.

Natawa ako, "Palagi naman kaming nag-uusap."

Okay lang kahit mapuyat pa ako or what, basta makausap ko si Kyan. Iyon naman kasi ang importante sa akin.

Pagbaba namin sa kotse, nandyan na naman ang mga papansing lalaki na hindi tumitigil kakakulit sa akin.

"Good morning, Ella." Nginitian ko lamang sila.

Wait For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon