Chapter 08

46 11 0
                                    

"Sige na po, Ma'am!"
"Ma'am, please po!"
"Hindi na po kami magsusuway sa inyo!"

Natawa ako dahil sa mga sinasabi ng mga estudyante ko. Paano ba naman, kanina pa nila ako kinukulit at pinipilit na i-kwento ko ang lovestory namin ni Kyan.

"Okay, okay, ito na," pagsuko ko.

Wala tuloy akong nagawa dahil ilang araw na nila akong kinukulit na mag-kwento at dahil wala namang masyadong gagawin ngayon dahil Friday, I can't say no these cute little kids.

"Itago na lang natin siya sa pangalang Kean,” pag-uumpisa ko. Tahimik lamang sila habang nakikinig sa akin kaya hindi ko maiwasang mapangiti nang palihim.

They looked interested.

"Itong si Kean at Ella, magkaibigan sila noong bata pa sila. Sobrang saya nila. Si Kean ang nagtatanggol kay Ella sa tuwing binu-bully siya no'ng mga bata."

"Ang sama naman nila!" pagsingit ng isa kong estudyante saka pinunasan ang sipon niya kaya natawa ako.

"Masama ang mam-bully kaya 'wag kayong magbu-bully, ha?" pagpapaalala ko sa kanila. Tumango naman sila.

Ikwinento ko sa kanila ang tungkol sa amin pero hindi buo. Baka abutin kami ng ilang oras bago matapos.

Baka rin maikwento nila 'yon sa parents nila at isiping imbes na lesson ang itinuturo ko, talambuhay ko ang ikinekwento ko.

"Nagkita po ba sila?" tanong ng isa kong estudyante.

"Hindi pa, baka magkikita palang."

Sabay-sabay silang napa-'ayiee' kaya naiiling na natawa ako sa kanila saka isinara ang planner ko.

"Makikilala po ba namin siya?" tanong naman no'ng isa kaya ngumiti ako saka tumango ako.

“Oo, kapag nandito na siya.”

"Teacher, may tanong pa po ako." Napatingin ako sa isa kong estudyante nang magtaas siya ng kamay at tumayo.

"Ano 'yon?"

"Hanggang ngayon, mahal pa rin po ba ni Ella si Kean kahit minsan lang po silang mag-usap?"

"Oo naman, sobra. Mahal na mahal niya. In fact, nami-miss na nga niya si Kean e." I heard them giggled because of what I've said. Mga batang 'to!

"E si Kean po? Mahal niya pa rin po ba si Ella kahit hindi sila nag-uusap?"

Sasagot na sana ako nang biglang mag-ring ang bell kaya natawa ako.

"Goodbye, class."

Sabay-sabay silang napa-'aww' kaya lalo akong natawa. Natutuwa talaga ako sa mga batang 'to. Kahit na makulit at madaldal, madali silang pagsabihan.

Nang makalabas silang lahat, inilabas ko ang phone ko.

Nag-text ako kay Kyan na kakatapos lang ng klase ko.

From: Kyan mylove
Message: K.

To: Kyan mylove
Message: Ikaw, anong oras trabaho mo?

From: Kyan mylove
Message: I'm busy rn.

To: Kyan mylove
Message: Take care, I love you. <3

From: Kyan mylove
Message: Ok.

I smiled bitterly. These past few months, ramdam ko ang panlalamig niya sa akin. Hindi na siya naga-I love you sa akin. Hindi rin siya sumasagot sa mga I love you's ko.

Wait For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon