Nabalik ako sa huwisyo nang may kumalabit sa akin.
"Hoy, okay ka lang?" bulong sa akin ni Mandy.
"O-oo," sagot ko saka tumingin sa harap.
Sinusubukan kong makinig sa lecture namin ngayon dahil malapit na ang finals pero masyado akong lutang at maraming iniiisip. Kahit na iwasan ko, kusang pumapasok sa utak ko.
Kinurot ko ang sarili ko para magising at makapag-focus sa sinasabi ng prof namin.
Nasa kalagitnaan kasi kami ng klase pero hirap na hirap akong makapag-focus. Bakit pa kasi magklaklase, e nakakaantok naman!
Nang matapos ang klase namin, agad rin akong umuwi. Niyayaya pa ako ni Mandy sa bahay nila dahil may family bonding daw sila pero sabi ko, next time na lang dahil masama pakiramdam ko. Kapag kasi may family bonding sila, automatic na kasama ako bankvvbbvmvvm
Ayokong sabihin sa kaniya 'yong nangyari noong nakaraan dahil paniguradong sasabihin niya na naman ang katagang, "Kalimutan mo na si Lover Boy."
Ayoko namang maghinala pero hindi ko maiwasan. Kahit naman nangako siya sa akin, hindi ko maiwasang mag-overthink dahil may possibility na magkagusto siya roon dahil ito lang naman ako, malayo sa kaniya at imposible pang mapuntahan siya.
Natatakot akong makahanap siya ng iba habang ako, nandito at patuloy na lumalayo sa mga lalaki dahil mahal ko siya at ayokong masira ang tiwala niya sa akin.
Natatakot akong sabihin niyang humanap na lang ako ng iba dahil sa distansiyang nakapagitan sa aming dalawa.
Kanina pa ako paikot-ikot dito sa higaan ko pero hindi talaga ako makatulog. Sinubukan kong pagurin ang sarili ko sa kakatalon pero gising na gising pa rin ang diwa. Kyan, ano bang ginagawa mo sa akin?!
Kinuha ko ang laptop ko at nag-open ng fb. Bumungad sa akin 'yong post niya. Kalsada iyon at umuulan. May caption na, "I love rain."
Maya-maya lang ay tumatawag na si Kyan. Tinitigan ko ang pangalan niya, bumuntong-hininga ako bago sagutin ang tawag.
"Hi, I miss you." Bungad niya. I gave him a small smile but I didn't response.
Biglang tumahimik ang paligid, kahit siya ay hindi nagsalita pero ang mata niya ay nakatingin sa screen at mukhang tinitignan kung ayos lang ba ako.
"Hey, what's wrong? Ba't ang tamlay mo ngayon? Are you okay? May sakit ka ba?" sunod-sunod niyang tanong. Napahilamos ako sa mukha ko saka umiling.
"Wala," mahina kong sagot.
He tried to make me smile and laugh pero hindi siya nagtagumpay. Wala ako sa mood ngumiti o tumawa ngayon. Ewan ko ba sa sarili ko! Parang gusto ko lang ng peace sa oras na ito.
"May nagawa ba akong mali?" tanong niya. Natawa ako ng mapakla saka napailing.
"Ba't sa akin mo 'yan tinatanong? Ask yourself if you did something wrong!" medyo tumaas ng konti ang boses ko dahil hindi ko na napigilan. Napakuyom ako at biglang nakaramdam ng pagsisi dahil sa inasal ko sa kaniya.
Bakit ako magsisi? Siya nga na nagsinungaling sa akin, nagsisi ba siya?
"Hey, calm down. Hindi mo kailangang sumigaw, baka magising si Tita." Malakas akong napabuntong-hininga.
"As far as I know, okay naman tayo. Wala naman tayong problema," kalmado at mahinang dagdag niya. Natawa ulit ako.
"Tell me, what's wrong?" tanong niyang muli.
“Wala,” sagot ko saka umiling at ipinatong ang laptop ko sa kama saka humiga.
“Hey, I know there is, tell me. If I did something wrong that made you treat me like that, I'm sorry, I didn't mean to. But I want to know what is it so that, ma-expain ko ang side ko...” Nanatili akong tahimik habang nakatingin sa maamo niyang mukha.
BINABASA MO ANG
Wait For You
Teen FictionNOT EDITED. May mga bagay na kailangan nating intindihin at obserbahan nang maigi upang malaman ang kasagutan. May mga bagay rin na dapat nating paniwalaan kahit na makakasakit pa sa damdamin natin. At may mga bagay na kailangan nating tanggapin kah...