"Ella, tapos mo na ba 'yong assignment kay Sir History?" tanong ni Mandy nang makaupo kami sa upuan. Tumango ako saka inayos ang bag ko.
"Ang ganda mo ngayon ah," pagpuri niya habang sinusuklay ang buhok ko gamit ang daliri niya. Tinignan ko siya saka inirapan at binuksan ang bag ko.
Inilabas ang kuwaderno ko saka padabog na inilapag sa lamesa niya. Alam ko namang kokopya lang 'tong babaeng 'to e. Apakaplastik!
“Thanks, girl, sabi na e, mahal mo ako,” sabi niya saka umayos ng upo at binuklat ang notebook ko. She started reading and copying my answers. Inihiga ko ang mukha ko sa bag ko saka pumikot.
"Attention, everyone!" rinig kong sigaw ng President namin kaya tumahimik ang iba. Nanatili akong ganoon ang posisyon.
"Wala tayong klase ng 2 hours dahil may meeting ang mga Professors," anunsyo niya. Nagsigawan naman ang mga kaklase ko.
Umayos ako ng upo saka kinuha ko ang telepono ko, umaasang may text si Kyan pero as usual, wala na naman akong natanggap na kahit isang mensahe mula sa kaniya. Puro message ng mga hindi ko kilalang lalaki ang nandito. Napabuntong-hininga ako at disappointed na tinago ang cellphone ko.
Si Mandy naman ay busy pa rin sa kakakopya.
Niyakap ko ang bag ko at muling ipinikit ang mata ko. Sobra 'yong pagpupuyat ko these days dahil malapit na ang deadlines ng mga projects na ginagawa ko. Minsan 2-3 hours lang ang tulog ko.
Minsan hindi ko na rin nakakasabay pumasok ng university si Mandy dahil late na ako nagigising. Wala tuloy akong choice at dalhin ang kotse ko.
•
Nagising ako nang may kumalabit sa akin sa bewang ko.
"Hoy, Ella, gising!" rinig kong bulong ni Mandy.
Natigilan ako nang mapansing nakatingin sa akin ang lahat, bigla akong napaayos sa kinauupuan ko nang makita ang prof namin na naka-krus ang braso at paa habang nakatingin sa akin.
"Mukhang nakakalimutan mo, Miss Ella... Oras ng klase ngayon at hindi oras ng pagtulog.”
"Sorry po, Ma'am."
Sinamaan ko ng tingin si Mandy nang marinig ko siyang humagikhik. Bumalik sa pagtuturo ang Professor namin.
Sinusubukan kong labanan ang antok ko pero hindi ko talaga kaya, kaya sa tuwing makakatulog ako, kinukurot ako ni Mandy. Tanging ngiti lamang ang isinusukli ko sa kaniya sa tuwing nagigising ako dahil sa pagkurot niya.
Bigla akong napatayo nang magsigawan ang mga kaklase ko, tapos na pala ang klase. Itinago ko ang notebook na ginamit ni Mandy.
Pagdating ng lunch, agad kaming pumunta sa Cafeteria para samahan si Mandy na kumain dahil wala akong balak kumain ngayon. Natulog na lang ako habang kumakain si Mandy dahil hindi ko talaga kayang labanan ang antok ko.
Kahit na anong pagkurot ko, gustong-gusto talaga ng mata kong pumikit at magpahinga.
Nagdala na lang ako ng fries at drinks sa bag ko para kapag nagutom ako sa klase, patago na lang akong kakain. Didiskartehan ko na lang mamaya.
Laking pasalamat ko dahil pinag-review kami sa biology at hindi kami nagklase. Pumunta kami ni Mandy sa library at nag-review siya para do'n sa assignment namin. Habang ako, natulog ulit. Sinabi niya naman na susulatan na lang niya ako sa notebook ko, bayad niya raw sa pagpapakopya ko sa kaniya kaya tumango na lang ako.
"Gising na, may last subject pa." Kinusot ko ang mata ko saka tumayo nang hindi siya tinitignan at nagsasalita.
All I want for now is rest, peace, and sleep.
BINABASA MO ANG
Wait For You
Teen FictionNOT EDITED. May mga bagay na kailangan nating intindihin at obserbahan nang maigi upang malaman ang kasagutan. May mga bagay rin na dapat nating paniwalaan kahit na makakasakit pa sa damdamin natin. At may mga bagay na kailangan nating tanggapin kah...