Kasalukuyan kaming nandito sa harap ng hapag at sabay-sabay na kumakain habang may kaniya-kaniyang pinag-uusapan.
Hindi ko maintindihan ang usapan nila dahil ang mata ko ay naka-focus kila Rain at Kyan. Pati pagkain, kailangan pang pagsilbihan, tss. Hindi ba alam magsandok ng Rain na 'yan?
Napatingin ako kay Nanay nang hawakan niya ang kamay ko. Ngumiti ako ng pilit saka sumubo sa hindi ko pa nagagalaw na pagkain.
“Ella, sasama ka ba? Kailangan nando'n ka, hindi pwedeng wala ka ro'n. Isa 'yon sa pinakaimportanteng okasyon na dapat mong puntahan,” sabi ni Tito Raymond---Papa ni Kyan kaya naibaling ang tingin ko sa kaniya.
“Saan po?” tanong ko.
“Sa kasal.” Kumunot ang noo ko. Napansin kong napatigil si Kyan at Rain sa pag-uusap at pagkain.
“Sino pong ikakasal?” tanong ko.
“Hindi ba sinabi sa 'yo ni Kyan? Ang alam ko ay sinabi na niya sa 'yo. Ikakasal na si Kyan at Rain,” masayang sabi ni Tita na nagpadurog sa puso ko.
Bigla akong napakuyom habang ang tingin ko ay nanatiling nasa direksyon ni Kyan. Naramdaman kong nag-iinit na ang gilid ng mata ko, trying my tears not to fall.
“Ma!” suway ni Kyan.
“What? I thought sinabi mo na sa kaniya?”
Ngumiti ako sa kanila saka napainom sa tubig ko. Halos nahihirapan akong lumunok dahil natatakot akong biglang maglabasan ang mga pinipigilang luha.
Am I dreaming? Am I imagining? If this is just a dream, can someone wake me up? This is the worst nightmare I even have!
Ikakasal na si Kyan at Rain.
Ikakasal na si Kyan at Rain.
Ikakasal na si Kyan at Rain.
Paulit-ulit na nag-flashback sa utak ko ang sinabi ni Tita. Kaya siguro gano'n na lang kung umasta si Kyan kay Rain.
I guess I expected too much. I thought he came here to see me...
“E-excuse me po,” sabi ko saka tumayo at dumiretso sa lumabas. Umupo ako sa swing na malapit sa garden. Patuloy na umagos ang luha ko.
Napalingon ako nang may umupo sa katabi kong upuan. Agad kong pinunasan ang luha ko, pinipigilan ang sarili na mapahikbi. Dahan-dahan akong bumuntong-hininga para ikalma ang sarili ko.
“Hi,” tanging sabi niya. Hindi ako makatingin sa kaniya dahil natatakot akong mapahagulgol sa harap niya.
Ayokong isipin niya na sobrang tanga ko dahil umasa ako! Ayokong isipin niya na sobrang tanga ko dahil naghintay ako sa mga bagay na walang kasiguraduhan...
“I-ikakasal... Ikakasal ka na pala,” sabi ko. Napatingala ako para pigilan ang luhang pumatak.
“Oo.” Hindi ako nagsalita, dahil kapag nagsalita ako, alam akong maiiyak lang ako sa harap niya. Which is kakahiyan.
“I'm sorry,” mahina niyang sabi.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napahagulgol ako dahil sa kirot na nararamdaman ko sa loob-loob ko.
“B-bakit hindi mo sinabi?” tanong ko. Pinunasan ko ang luha ko pero patuloy pa rin ito sa pag-agos. Patuloy pa rin ako sa paghikbi.
“B-busy ako. Wala akong oras para sabihin sa 'yo.”
BINABASA MO ANG
Wait For You
Teen FictionNOT EDITED. May mga bagay na kailangan nating intindihin at obserbahan nang maigi upang malaman ang kasagutan. May mga bagay rin na dapat nating paniwalaan kahit na makakasakit pa sa damdamin natin. At may mga bagay na kailangan nating tanggapin kah...