Years had passed...
“AAAAHHHH!” napasigaw ako sa sobrang tuwa. Napatakip ako sa bibig ko habang nakatitig sa screen ng laptop ko.
“Jusko, anak... Ella, teka, ano ba ang nangyayari sa 'yo? Ba't ka---” Natigilan si Nanay nang makita akong umiiyak.
“Nay, teacher na ako! Teacher na ako!” masaya kong sigaw.
“Talaga? Jusko, anak, sobrang saya ko!” naluluhang sabi ni Nanay saka niyakap ako ng mahigpit.
“Sabi sa 'yo e, kaya mo 'yan e. I'm so proud of you!”
“Thank you po, Nay!” masaya kong sabi. My tears don't wanna stop from falling.
Nanginginig at nagmamanhid pa rin ang kamay ko. Hindi ako makapaniwala! Totoo ba 'to?!
Hindi nasayang lahat ng pagod ko! Walang nasayang!
“Teka, magluluto ako ng pansit,” sabi ni Nanay kaya natawa ako.
Lumabas si Nanay para magluto, celebration na rin. Pinunasan ko ang luha ko saka inayos ang itsura ko.
Excited na akong sabihin kay Kyan! Panigurado, matutuwa 'yon sa akin.
Mabilis kong pinindot ang call para tawagan si Kyan. Hindi ko mawala ang ngiti sa mukha ko, mabilis kong pinunasan ang luha ko nang bigla itong tumulo.
“Hi!” Natawa kami pareho dahil sabay kaming nagsalita.
“Kakaiba ang energy mo ngayon ah! Pa-share naman!” masigla niyang sabi.
“Kyan, guess what?”
“Teacher na ako!” masaya kong sabi.
“Really?! God, congratulations! I'm so proud of you!” masaya niyang sabi.
“Thank you so much!”
“Tangina, gusto kong umuwi riyan para yakapin ka!” sabi niya kaya natawa ako.
Hindi ko ma-describe ang pakiramdam ko ngayon. Kaba, saya, takot... Basta!
Basta ang alam ko lang, masaya akong narating ko ang pangarap ko nang kasama si Kyan kahit nasa malayo siya.
Pero nawala ang ngiti ko nang biglang sumeryoso ang mukha niya.
“I have something to tell you,” seryoso niyang sabi.
“Ano 'yon?” tanong ko. May kung ano sa akin na kinakabahan dahil sa seryosong itsura at boses niya.
“Engineer na ako!”
Napatalon at napasigaw ako dahil sa sinabi niya.
“Waaaahhh, congratulations!”
“Thank you, ikaw rin!”
Grabe, sobrang saya ng nararamdaman ko ngayon. Sabay pa kaming nakapasa ni Kyan. Destiny talaga oh.
“I'm so proud of you, engineer.”
“I'm so proud of you, Prof. You did a great job! You don't know how happy I am for you.” Napangiti ako sa sinabi niya.
“I love you...”
He smiled at me, “So saang school balak mong turuan?”
Ang dami naming pinag-usapan tungkol sa kahit anong bagay. Kahit walang kwenta na, pinag-uusapan pa rin namin.
Sobrang saya namin pareho dahil ito na, 'yong pinagpuyatan at pinagpaguran namin ay hindi nasayang. Nakamit na namin ang pangarap namin!
Sabay kaming nangarap at sabay naming nakamit 'yon. Sabay kaming naghirap at sabay naming nabawi ang paghihirap na 'yon.
BINABASA MO ANG
Wait For You
Teen FictionNOT EDITED. May mga bagay na kailangan nating intindihin at obserbahan nang maigi upang malaman ang kasagutan. May mga bagay rin na dapat nating paniwalaan kahit na makakasakit pa sa damdamin natin. At may mga bagay na kailangan nating tanggapin kah...