Chapter 04

49 11 1
                                    

“Kupal kang babae ka!” sigaw ko sa kaniya. Humagalpak siya ng tawa. Nanatili ang masama kong tingin sa kaniya.

Paano ba naman, mali pala 'yong sinend niya! Akala ko talaga, kabaong! Paepal na babae 'to, dress lang pala ang ipapakita sa akin!

“Sorry na nga e,” sabi niya saka humagalpak na naman. Lalo ko siyang sinamaan ng tingin. Kung nakakamatay lang ang sama ng tingin, baka kanina pa siya patay.

Ipaalala niyo nga sa akin na pinsan ko 'tong babaeng 'to!

Grabe, 'yong puso ko no'ng nakita ko 'yong kabaong. Mangiyak-ngiyak pa ako dahil akala ko si Kyan 'yon dahil nga natanong niya sa akin si Kyan.

Tapos bigla siyang nag-message ng, “Ay mali!” tapos sinend 'yong dress na pinakita niya. Pinaulanan ko tuloy siya ng mura dahil do'n.

“Akala mo si Kyan?” tanong niya. Inirapan ko siya.

Nandito kami sa kanila dahil may project kaming gagawin. Dito rin ako matutulog dahil wala namang pasok bukas dahil linggo.

Pero imbes na project ang gawin namin, ito kami at nagchi-chika-han. Napakadaldal kasi ng babaeng 'to.

“Ewan ko sa 'yo,” sabi ko saka binuksan ang laptop ko upang mag-umpisa nang mag-research.

Kung dadaldalin ko pa siya, hindi ako makakapag-umpisa.

Kwinento ko rin 'yon kay Kyan at ang kupal, tumawa rin. Sinabi rin kasi ni Kyan na lalong lumala ang sakit niya kaya nahinala ko na rin na siya 'yon. Ewan ko ba sa dalawang 'yon, parang mga baliw!









STRESS kami ni Mandy no'ng araw na 'yon dahil rush na talaga 'yon. Marami ring projects sa ibang subjects na hindi pa namin nagagawa kaya minadali na namin.

Napilitan pa nga siyang gawin ang mga 'yon dahil nakahanap ng kalandian sa internet at gusto lang niyang makausap 'yon.

Pero no'ng tinanong ko siya kung 'aral o lalaki?', bigla niyang hinablot 'yong laptop niya.

Madalang na rin kaming nag-uusap ni Kyan dahil busy na kami pareho. Minsan nakakatulugan na namin ang isa't-isa dahil sa puyat at pagod. Pinapagalitan ko pa siya minsan dahil nagpupuyat siya para lang makausap ako, e may sakit nga siya.

Tapos iba pa ang oras namin kaya nag-aadjust kami pareho pero madalas na ako ang nag-aadjust dahil sa sakit niya.

Hindi na namin nahaharap na tulungan ang isa't-isa dahil may kaniya-kaniya kaming ginagawa. May kaniya-kaniya kaming inaayos at tinatapos.

Naiintindihan naman namin ang isa't-isa dahil college na kami pareho at graduating. Maraming kailangang gawin, mas lalo sa university namin dahil sobrang arte!

Nakakapag-usap kami pero once o twice a week. Para sa akin, ayos na rin 'yon. Atleast nakakausap ko siya kahit na nami-miss ko siya.

“Nak, kumain ka na,” rinig kong sigaw ni Nanay habang kumakatok sa kwarto ko.

“Opo, 'Nay,” sigaw ko saka isinara ko ang laptop ko at lumabas.

Pagbaba ko, agad akong kumuha ng pagkain.

“May nakuha ka na bang itu-tutor mo?” tanong ni Nanay nang makaupo siya sa harap ko at inaayos ang pagkain niya.

“Opo,” sagot ko saka sumubo.

Nagpla-plano kasi akong mag-tutor para kahit papano, magkaroon ako ng experience bago pa ako maging isang teacher.

Meron na akong tutor na isa, anak ng kaklase ko. Noong una, nahihiya pa siya dahil estudyante palang siya ay may anak na siya. Baka rin daw ay husgahan ko siya tulad ng ibang estudyante na halos hindi siya nilalapitan dahil sa anak niya.

Wait For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon