It's Sunday morning kaya balak kong pumunta sa simbahan. Maganda rin ang gising ko dahil tapos na lahat ng projects ko, less stress.
Medyo nakabawi ako ng tulog kahapon dahil buong araw akong tulog, nagising lang ako noong ginising ako ni Nanay para sa dinner.
Bago ako pumunta sa simbahan, pupunta muna ako kila Mitch para igala si Fiona.
Nangako kasi ako na kapag nagka-honor siya, igagala ko siya at kakain kami sa Jollibee.
Laking tuwa ko dahil kasama siya sa may honors. Bilang tutor at Tita niya, proud ako sa achievement na natanggap niya. Todo pasalamat pa sa akin si Mitch pero sinabi kong wala 'yon, para rin sa anak niya ang ginagawa ko.
Nag-stay ako sa cr ng mahigit 20 minutes bago nagbihis at bumaba. I'm just wearing a simple plain v-neck shirt and jeans.
“Breakfast na, 'nak,” sabi ni Nanay habang nagluluto.
“Sa labas na po ako kakain, igagala ko po si Fiona dahil nagka-honor siya.” Napangiti si Nanay sa narinig niya.
“Ang galing talagang magturo ng anak ko. Kaya proud na proud ako sa 'yo e.” Lumapit ako kay Nanay saka niyakap siya.
“Gusto niyo lang ng yakap e,” natatawa kong sabi, hinigpitan ko ang pagyakap sa kaniya.
My Mom is proud of me and I'm thankful to her because she's one of my inspirations and her words to me every single day gives me courage to continue doing what makes me happy!
“Osiya sige na, baka hinihintay ka na ni Fiona.” Tumango ako saka hinalikan siya sa pisngi at lumabas na.
Isasama ko sana si Mandy ngayon pero may demo raw siya ngayon.
Pagdating ko sa kanila, bihis na bihis si Fiona at halatang excited na gumala kami.
“May gusto ka bang ipabili?” tanong ko kay Mitch.
“Wala, ayos lang. Basta iuwi mo ng buo ang anak ko,” natatawa niyang sabi kaya natawa rin ako.
“'Wag kang umasa, baka mabalitaan mo na lang, ayaw nang umuwi ng anak mo,” pagbiro ko.
“Baliw,” naiiling na sabi niya.
“Una na kami,” pagpapaalam ko.
“Ingat kayo. Fiona, 'wag mong papahirapan si Tita Ella ha?” pagpapaalala niya sa anak niya. Tumango naman si Fiona kaya umalis na rin kami agad.
Pumunta muna kami sa simbahan at nagdasal. Pagkatapos no'n, dumiretso kami sa mall.
“Saan mo gustong pumunta?” tanong ko.
“Tom's world!” masaya niyang sabi kaya natatawa akong naglakad papunta sa Tom's World. Kung ano-ano pa ang nilaro namin bago namin naisipang kumain dahil gutom na daw siya.
Pumunta kami sa Jollibee tulad ng ipinangako ko sa kaniya.
“Dito ka lang ha?” bilin ko sa kaniya saka pumunta sa harap para mag-order.
“Ano pong order niyo, Ma'am?” tanong ng babae nang turn ko na.
“Uhh, dalawang c2, 'yong fries gawin niyo ng large at dalawang coke.”
Kumain rin kami agad at pumunta sa bookstore para bumili ng bago niyang mga gamit dahil paubos na raw ang pages ng notebooks niya. Pagkatapos no'n, dumiretso kami sa supermarket para mag-grocery.
“Fiona, anong gusto mong bilhin?” tanong ko.
Lumapit siya do'n sa maraming candy at chocolates saka tinuro ang mga 'yon. Natawa ako. Ang cute niya!
BINABASA MO ANG
Wait For You
Teen FictionNOT EDITED. May mga bagay na kailangan nating intindihin at obserbahan nang maigi upang malaman ang kasagutan. May mga bagay rin na dapat nating paniwalaan kahit na makakasakit pa sa damdamin natin. At may mga bagay na kailangan nating tanggapin kah...