Kabanata 7

13 3 0
                                    

"Pakitaas sa may left side. Kunti pa---ayan ok na."

Days after I willingly volunteer myself to help the student council for the prepation of the school's founding anniversary, heto na ako ngayon. Isang dakilang alalay ng mga officers. It's not that I'm complaining, heck, ako ang nagdala sa sarili ko rito. It's just that, mula kaninang umaga, hindi ko pa rin nakikita si Alice. Pupunta kaya yun dito? Baka masyadong busy, but the officers said kulang sila sa manpower kaya nga nandito kaming mga volunteers.

Pasimple kong inilipat ang tingin sa entrance ng gym, nagbabasakaling makita siyang darating. Nababuntong hininga ako. Damn, I even ditch one of my major subjects for this, hindi pwedeng mabokya lang ako rito.

"Kuya Xenon, snacks po muna oh." Nabaling ang tingin ko sa nag-abot sa akin ng nakabalot na pagkaing mula sa isang sikat na fastfood chain. Ito yung isa sa mga officers doon sa bulletin board noong nakaraang araw, yung kinausap ko tungkol sa pag vo-volunteer. Halsey's the name if I am not mistaken.

Inabot ko ito at tipid na ngumiti.

"Salamat talaga kuya ha, sa pag volunteer. Hindi ko nga inexpect na may mga katulad mo pa pala dito na willing tumulong sa council ng walang hinihinging kapalit. Di kalang gwapo kuya, mabait pa! Sana all talaga."

I chuckled a little upon her use of words.

"It's my pleasure to help, di naman ako masyadong busy at marami akong vacant."

Medyo napangiwi ako sa huling kong sinabi. Lie, Xenon jeez.

"Loaded kasi kaming lahat na officers kuya, grabe. Pati nga yung external vice pres namin na minsan ko lang makita sa office, sobrang active nitong mga nakaraang araw. Wala naman kasi kaming choice, trabaho namin eh."

Napantig ang tenga ko nang mabanggit niya ang position ni Alice. She said she's active, so I'm positive she'll come here.

"Who's your external, by the way? Parang di mo yata naturo sakin kanina."

Kunwari hindi ko alam. Inisa-isa kasi nila kanina along with her other officer friend yung mga members ng council.

"Si ate Alice ng MLS department. Kilala mo yun kuya? Yung sobrang ganda na may puting buhok. Girl crush ko talaga yun eh kaya lang nakakatakot i-approach. Parang snobber."

Kilalang kilala. Future wife ko, actually.

"Hmm. I know her, classmate ko sa isang subject. Why is she not here though?"

"Ah, may inutos pa yata si Pres dun. Nandito narin yun maya-maya. Actually di rin yun magtatagal dito kasi nautusan kaming dalawa na bumili ng kulang na materials mamaya. Kinakabahan nga ako eh, baka ma awkward lang ako sa kanya, matuyo pa laway ko. "

Maswerte yata ako ngayon, sakin na lumapit ang opportunity.

"You know what, Halsey, I can be your proxy later. I mean, I know you're tired and all. You should just stay here or rest a bit. Ako na ang sasama kay Alice since magkakilala na naman kaming dalawa."

Her eyes widen a bit like I said a very brilliant idea.

Of course, it is a very good idea.

Pero nagbago naman agad ang ekspresyon sa mukha niya at mula sa nasisiyahan ay alanganing kinunotan niya ako ng noo.

"Ay kuya wag na lang nakakahiya na sayo eh. Ang dami mo ng natulong."

Oh no, kung alam mo lang.

"No really, I insist. I want to do it."

Sa huli ay napapayag ko rin ito, assuming na isa lang akong chivalric gentleman na gustong makatulong sa kapwa. I mean, I am, but of couse that is just a minor reason. Alam ninyo naman talaga ang totoong rason.

Remember me, Alice (Tough Ladies Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon