"Do I really look like a fuckboy to you?"
Hindi ko na yata mabilang kung ilang ulit ko iyong itinanong sa kanya simula nang matapos kaming mamili ng mga dapat naming bilhin. Ngayon ay nandito kami sa isang sikat na fastfood chain sa loob ng mall na pinagbilhan namin matapos ng isang matinding pilitan. Sa side niya, syempre. Willing na willing naman akong ubusina ang time ko basta siya ang kasama.
For the nth time this day, she heaved a sigh like she was so done of me.
"Can you please shut up? You do not look like one, okay na? Now keep your mouth zipped for my peace of mind."
Hindi ko na napigilan ang ngiti ko dahil sa narinig at pabirong sinaluduhan siya.
"Yes ma'am."
Mas naging ganado ang kain ko habang nakatingin parin sa magandang tanawin sa aking harapan. And I swear I saw her roll her eyes on me. Damn, nakakatuwa siyang asarin kasi dumadami ang facial expression na nakikita ko sa mukha niya.
Tahimik na kaming dalawa hanggang sa matapos kumain. Nagpalam siya saglit na pupunta munang CR kaya naghintay nalang ako sa labas ng fastfood chain.
Lumipas ang ilang sandali ay hindi parin lumalabas si Alice. Sinipat ko ang relo sa aking palapulsuhan at nakitang halos sampung minuto na mula nang nagpaalam siya saking mag C-CR. I me-message ko sana siya sa Facebook kasi wala naman akong number niya kaya lang hindi naman siya online. Naghintay muna ako ng ilang minuto at noong hindi pa talaga siya lumabas ay napagpasyahan kong katukin na siya sa banyo.
Dala ang isang malaking plastic bag ng mga pinamili namin ay pumasok ulit ako sa fastfood chain at tumungong banyo. Dahil for general public naman ang CR nila rito kaya hindi ako nag alinlangang tumungo roon.
"Sinasabi ko naman kasi sayo, pagbigyan mo lang ako ng isang gabi at titigilan na kita."
Mula sa labas ay narinig ko ka agad ang boses ng isang lalaki. Doon palang ay kinutuban na ako.
"Tanga ka ba? Sabi ng ayaw ko!"
Shit. That familiar voice.
Agad kong binuksan ang pintuan at tuloy tuloy na pumasok.
Halos umusok ang ilong ko sa galit nang maabutan ko ang isang hindi kilalang lalaking may edad na na nakahawak sa isang braso ni Alice at pilit siyang nilalapit rito.
"Alice!"
Sabay silang dalawa na bumaling sakin at walang ano-ano kong itinulak palayo ang lalaki kay Alice. Inilagay ko ka agad siya sa aking likuran para iiwas sa tarantadong taong 'to at masama ang mga tingin na binalingan ang gago.
"Kaya masama ang tingin ng marami sating mga lalaki eh gawa ng mga tarantarong katulad mo. Anong karapatan niyong mambastos? Wala ba kayong anak na babae?"
Mula sa gulat na mukha ay ngumisi ng malademonyo ang manyak.
Sarap bangasan ng mukha ng gago.
"Hoy bata, hindi mo yata kilala yang pinagtatanggol mo. Tangna hindi naman karespe-respeto yan!"
Nag-init agad ang ulo ko sa narinig.
"Kahit sino pa yan ay wala kang karapatang mamilit ng may ayaw sayo. Galawin ninyo pa ulit ang babaeng to at ako ang makakalaban ninyo."
I said through my gritted teeth. Noon paman ay wala na talaga akong galang sa mga walang respeto sa babae, at mas lalong hindi ko hahayaang matapakan ang pagkatao ng babaeng dahilan kung bakit pa ako nabubuhay ngayon.
They have to get through me before they'll get to touch Alice. Over my dead body.
Isang halakhak pa ang pinakawalan nito bago unti-unting itinaas ang dalawang kamay sa ere na parang sumusuko.
BINABASA MO ANG
Remember me, Alice (Tough Ladies Series 1)
De TodoDelinquent. Bastard. Hopeless. Three words best to describe Xenon Caliber Sebastian. He hated his life too much to the point of giving up to death. But just when he was about to jump off from a cliff, he was welcomed with a puch from a mysterious w...