Xenon:
Hi, Alice. This is Xenon. Save my number.Alice:
Nakuwi ka na?Xenon:
Yeah. Thanks for letting me send you home.Alice:
I should be the one to thank you, right?Xenon:
Wala yun. Anything for you :)Alice:
Shut it, Sebastian.Xenon:
No can do, Calderon :)Xenon:
Hey still there?Xenon:
You mad? Joke lang yung kanina.Xenon:
I guess you're asleep already.Xenon:
Good night, Alice.Alice:
Night.***
It's been three days since Alice let me send her home. It was really surprising to know that she lives in a small studio type apartment instead of what I thought it to be a grandiose house. From then, I felt that we kinda become closer than before. Nag rereply na siya sa mga text messages ko though halos tig da-dalawang words lang madalas. Well she's not kidding when she said that she's not fond of chatting or texting.
Sa school naman ay halos hindi kami nagkita sa loob ng tatlong araw. Nagsimula na kasi noong nakaraang araw ang celabration ng foundation day kaya walang regular classes at dahil officer siya ng student council ay alam kong napakarami niyang ginagawa at ayaw ko namang makaabala. That's why for almost the whole duration of foundation day ay inabala ko lang ang sarili ko sa mga pending requirements at halos pumupunta lang sa campus for attendance. Mabuti nalang nadadala ng ngiti ko yung mga babaeng class monitors ng mga klase ko.
Ngayon naman ay last day na ng celebration at habang ang lahat ay nandoon sa gymnasium para sa closing ceremony ay nandito ako sa library at may tinatapos pa ring project. May pending pa nga akong plates para sa Architecture Design 8 na inulit ko pang i take dahil hindi na credit sa dati kong school. Pucha ang hirap pag graduating ka na. Lalo naman kung katulad kong irregular at may hinahabol.
Pabalik na ako sa ino-occupy kong lamesa pagkatapos kumuha ng dagdag na book references nang mapasin ko ang isang librong naka patong sa pile ng hinanda kong mga journals kanina. Madali itong mapasin dahil bukod sa wala naman ito kanina bago ako umalis papuntang book shelves ay ito lang ang naiiba sa lahat ng mga librong nandoon. Ano namang ginagawa ng isang medical-related book sa mesa ko? Ibinaba ko muna sa gilid ang mga dala kong libro at kinuha ang tinutukoy.
I was about to open it when a black envelope dropped freely from its pages. Kinuha ko ito at binuksan ang loob.
I creased my forehead upon noticing that the envelope contains a very familiar black paper with greek symbols on it.
Again?
Nakaramdam na naman ako ng kakaiba. Sa tatlong araw na sinabi ko ay may isang detalye pa na nagpagulo sa aking isip. Sa tatlong araw na iyon ay tatlong beses rin akong nakatanggap ng kaparehong itim na papel na may pamilyar na simbolo. Ang una at pangalawa ay nakapuslit sa loob ng locker ko. I actually thought it was just some random jerk who's playing childish prank at malas lang ako kaya locker ko ang napagtripan but when it happened on the third time at sa mismong bisekleta ko na nakaipit ay nahalata ko nang ako talaga ang target. Lalo lang nadagdagan ang hinala ko ngayong pang apat na beses nang nangyayari.
BINABASA MO ANG
Remember me, Alice (Tough Ladies Series 1)
AlteleDelinquent. Bastard. Hopeless. Three words best to describe Xenon Caliber Sebastian. He hated his life too much to the point of giving up to death. But just when he was about to jump off from a cliff, he was welcomed with a puch from a mysterious w...