Kabanata 12

20 3 0
                                    

"Seriously, nandito ka na naman?"

Naiwala ko ang tingin sa screen ng laptop na tinatrabaho nang marinig ang boses ng taong ilang gabi ko nang pinupuntahan sa maingay na lugar na ito.

Oh, she's finally here.

"Hi! I'll just take coffee. My body needs its regular intake of caffeine tsaka...One ladies drink for you if you like." Sabi ko ng gusto kong orderin sa kanya.

"Coffee naman ngayong gabi? Last night you ordered cup noodles and the other night you looked for a coke in a can. Mukha ba tong convenience store?" Tila natatangahang sabi niya.

Oh that.

I chuckled upon remembering my lame excuses just to have a reason to be here for straight three nights now. What else should a guy do just to take a glimpse of the girl he admires? Syempre kung may pagkakataong makalapit papalampasin ko pa ba?

Napakamot ako ng kilay ng mapagtantong masyado yata akong halata.

"Well I think this place is nice. Ang sarap ngang tumambay dito eh, nakakaganang gumawa ng projects." Medyo nakangiwing sabi ko sabay turo sa laptop na may unfinished work ko pa.

Okay medyo sinungaling tayo sa part na yun.

She shook her head as if telling me that she can't be fooled with my lame excuse of a reason. Kasi sino ba namang genius ang nagdadala ng school works sa isang night club? Ako lang.

Xenon lang malakas.

"Tss. Why are you even giving yourself a hard time? May appropriate namang lugar para diyan sa ginagawa mo, why go here?" Nakataas ang isang kilay na sabi niya na parang isa akong batang sinisindak niya sa kanyang tingin.

Luh, taray.

"Ah. Nandito kasi energizer ko. Kailangan ko ng daily dose non eh."

"At mukhang botika para sayo tong night club?"

Instead of being intimidated by her words ay malakas ang loob kong hinila ang isa niyang kamay para hatakin siya paupo sa katabi kong silya.

"H-hey, what are you doing?"

Pilit niyang hinahatak pabalik ang kamay na hawak ko habang tinatangkang tumayo.

"Dito ka muna, saglit lang." I don't want to sound like a frigging maniac but I'm loving the feel of her hand against mine.

Ah, ganito pala feeling ma holding hands ang crush mo?

Unti unti ay humihina ang pagpoprotesta niya hanggang sa hayaan nalang ako sa gusto ko. Pasimple kong ninakawan ng tingin ang magkadikit naming mga kamay at nangingising ibinalik ang tingin sa kanyang nakakapanghina sa gandang mukha. Pucha, bumi-Biboy na naman ako.

"W-what now?" Malikot ang mga matang sabi niya sa medyo may kahinaang boses.

I did a mental count from one to five in my head before I let go of her hands.

"Okay na. I got energized na ulit." Malaki ang mga ngiti na ani ko.

Nakita kong bahagyang nanlaki ang mga mata ni Alice na para bang natauhan at dali daling tumayo mula sa pagkakaupo sa aking tabi.

Tss, nag-eenjoy pa akong katabi siya eh.

She cleared her throat and just like that, balik na naman sa normal ang ekspresyon ng mukha niya. Here goes my ice-cold Alice.

"Your coffee will be here in few minutes. Balik na ko sa loob. Bye."

At mabilis na naman siyang nawala sa aking harapan. I grinned upon realizing that I finally got a positive expression from her face earlier.

Remember me, Alice (Tough Ladies Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon