Grandma

7 0 0
                                    

Warning: Rated R for violence and death.

Grandma

Mahal na mahal ko talaga si lola. Tuwing new year, nagsasaboy siya ng barya sa kanyang bahay at kaming mga apo naman niya ay maghahanap sa kung saang sulok sulok.

Paborito ako ni lola, kaya kahit di na ako maghanap ng barya, may pera o kaya nama'y regalo pa rin akong natatanggap mula sa kanya.

Hanggang sa may dumating na bago. Mas bata at mas cute kesa sa akin. Doon na nabaling ang pagtingin at pagmamahal ni lola.

Last new year  hindi na ako binigyan ng regalo o ng pera ni lola.
Yung dapat na para sa akin ay napunta sa bagong paboritong apo.
Ang sakit pala ng ipagpalit. Pero mahal na mahal ko pa rin si lola at gagawin ko ang lahat para mabawi siya. LAHAT.

Bisperas ng bagong taon. Abala ang lahat sa preparasyon. Walang kasama si Lola sa kanyang bahay. Pumunta ako doon para ibigay ang munting regalo ko para sa kanya.

"Lola..." tawag ko sa kanya. Hindi na ako kumatok at binuksan na lamang ang pinto at dire-diretsong pumasok. Hinanap ko siya. Andun siya sa kanyang silid, inilalagay ang mga barya sa isang lalagyan lamang.

"Apo, andyan ka pala..."

"Opo la. May gusto kasi akong ibigay sayo.."

"Ano yun, apo?"

"Regalo ko lang po, la.."

Ibinigay ko ang kahon at binuksan niya ito.

"Aanhin ko naman ito, apo?"

"Hehe, magagamit po natin yan la. Namiss ko na makipaglaro sa inyo, la. May kukunin lang po ako sa kusina..."

Ngumiti ako at iniwan si Lola sa kwarto niya na puno ng pagtataka. Ang ibinigay ko sa kanya ay chopping board. At ang kukunin ko naman ay ang kutsilyo.

Pagkabalik ko sa kwarto niya ay nakita kong nasa isang tabi na lamang ang regalo ko. Ibinabalot naman ngayon ni Lola ang regalo niya para sa bagong paboritong apo.

"La, ayaw niyo na po bang maglaro kasama ako?"

"Malaki ka na apo. Isauli mo na sa iyong nanay yang chopping board at magluluto pa iyon ng handa para sa bagong taon."

"Pero la, gusto ko makipaglaro sayo."

"Itigil mo na yan, apo. Umuwi ka na at tumulong na lang sa nana-"

Humalakhak ako. Inuundayan ko ngayon ng saksak si Lola mula sa likuran niya.

"Anong sabi mo, lola?"

Wala akong narinig. Basa na ang kamay ko ng kanyang dugo. Patay na siya.

"Tsk.."

Kinuha ko ang regalong binabalot niya. Isang manika. Kinuha ko ito mula sa kahon at tinanggalan ng ulo, kamay at paa. Tumingin ako sa duguang bangkay ni lola.

Hinila ko ito papunta sa kusina niya at inilagay ang katawan niya sa mesa. Binalikan ko ang regalo kong chopping board para sa kanya atsaka kumuha ng itak. Kahit kulubot na si Lola, malutong pa rin ang tunog nang pagkaka-itak ko sa leeg niya. Mahal kita Lola, sa akin lang ang atensyon mo. Inilagay ko ang ulo niya sa isang garapon at inayos ko, yung napapanood niya kung paano ko pagpipira-pirasuhin ang katawan niya.

"Lola, hello! Hahaha." tumatawang sabi ko habang iwinawagayway ang kamay niyang pinutol ko sa harap niya.

"Alam mo ba, Lola... Eto na ngayong katawan mo ang hahanapin nila mamaya. Hihihi.. Pero sa akin pa rin ang atensyon mo, dahil ako dapat ang paboritong apo mo!"

Tinaga ko ang mga paa niya. Nang maihiwalay ko na ang kamay at paa niya, sinimulan ko nang tanggalin ang mga daliri nito at itinapon sa kung saan saang sulok.

Hinati ko rin sa malilit na piraso ang laman niya at isinaboy ito sa kung saan saang parte ng bahay niya.

Kinuha ko ang ulo niya at inilibot ito sa bahay niyang ngayon ay kulay pula na at masangsang ang amoy.

"Lola, nagustuhan mo ba? Hihihi, maghihirap nanaman sila maghanap niyan, La!"

Ihinarap ko ang mukha niya sa akin.

"Mahal na mahal kita La. Ngayon, di mo na ibabaling ang tingin mo sa iba dahil ako lang dapat ang paborito mo."

One-ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon