I'll Support You
Inimbita kita sa bahay para manood ng movies. Ayoko sa mall dahil gagastos pa tayo at para naman maka-tipid. Napansin kong may ka-text ka at mukhang seryoso ang itsura mo.
"Babe, sino yang ka-text mo?" tanong ko sayo.
"Barkada ko, babe."
"Bakit daw?"
"Inaaya nila akong maglaro ng basketball..."
"Punta ka na."
"Sure ka ba babe?" pag-tatanong mo.
"Yes. Manonood na lang ako dito."
"Totoo ba yan?"
"Oo nga. Dyan lang ba yan sa may court?"
"Oo."
"Kayo-kayo lang?"
"Hindi babe. May kalaban kami galing sa kabilang baranggay."
"Then you must go. Baka matalo yang barkada mo pag wala ka dun. Haha..." sabi ko at tumawa ng bahagya.
"Sure ka ba babe? This is our date. Ayokong sirain."
I smiled at you. Alam ko namang nabobored ka sa pinapanood natin, at isa pa mas gusgustuhin mo pang mag-marathon ng NBA kesa sa corny romance films.
"I'm sure babe. Don't worry. Go now, para malampaso niyo sila."
"Ok babe. Love you." sabi mo and kissed my forehead.
"Galingan mo." I told you at hinatid ka hanggang sa gate.
***
Tinapos ko lang yung isang movie at nagpunta sa court para panoorin kang maglaro. Nagdala na rin ako ng towel at tubig. Dumaan na rin ako sa tindahan to buy you and your friends sport drinks.
Pagkarating ko dun, madaming babaeng nanonood at humihiyaw. Dikit ang laban niyo, with only 3-points gap. Lamang ang kalaban.
I saw some of your friends sa bench kaya lumapit ako kanila.
"Anong quarter na?" tanong ko.
"Third quarter pa lang." sagot nila.
I smiled seeing you play. You look serious. Ang gwapo-gwapo mo tignan. You're running while dribbling the ball, aiming for a dunk. I can't help but to cheer for you especially nung tumalon ka to shoot the ball.
"Go babe!!" sigaw ko and you looked at me right after you shoot the ball.
Ngumiti ka sa akin and continued to play. Hindi ka lang magaling sa opensa, pati na rin sa depensa. Binabantayan mo ngayon yung kalaban, who's aiming for a 3-point shot. Just as he's about to shoot, tumalon ka and you touched the ball, making the shot miss. You earned applause and cheers from the audience. Of course, mine is the loudest one.
Humingi ng time-out yung kabilang team, kaya dali-dali kang tumakbo papunta dito. Sinalubong kita, hawak ko yung bimpo at bottled water.
"Water babe." sabi ko at inabot yung bottled water sayo. Kinuha mo naman ito at ininom.
Umupo ka sa bench para magpahinga saglit at sumunod naman ako.
"Pawis na pawis ka na." sabi ko habang pinupunasan ang mukha mo.
Nakarinig tayo ng pang-aasar mula sa mga barkada mo.
"Sana all, may syota!" sabi nila.
Binato mo naman sila ng bimpo at napa-ngiti na lang ako.
"I thought nanonood ka?" sabi mo.
"Nanonood naman ako. I'm watching my boyfriend play." sagot ko at umupo na sa tabi mo.
