Ano, Reksha?

3 0 0
                                    

Ano, Reksha?

"Wow, bess sexy ah!" sabi ng kaibigan ko sa akin. Nginitian ko lang siya. Naglalakad kami ngayon sa hallway papunta ng classroom ko. Hindi ako sanay sa mga titig na natatanggap ko. Malamang nagtataka sila, sino ako?

"Grabe bess.. Ang ganda mo na! Look oh, boys are looking at you."

Tama naman siya. Maganda na ako at sexy. "Yaan mo sila bess. Maglaway sila ngayon." tugon ko at humagikhik kaming dalawa.

I was once an ugly pig. Elementary pa lang, napabayaan na ako sa kusina. Yung refrigerator namin, laging puno ng groceries and my Papa always buy me chocolates. Aminado akong spoiled ako sa mga pagkain. But I was young back then, I don't even care about how I look. Kung gutom, edi kumain. Or should I say, lumamon...

Not until I was in highschool. Wow, umuso ang body goals, umuso ang bullies. Grades 7 to 10 are tolerable. Andyan yung tatawagin ako ng baboy, balyena, elepante, botchog. Pero when I was in Senior High, it became worse. Hindi na lang bullying eh. Andito na yung point na ayaw na akong hintuan ng trike or jeep dahil sa taba ko na pang-dalawang tao na ata. People will look at me and I know, they're criticizing me.

That's how I became obsessed with dieting, exercise and surgery to be perfect. I vowed to myself that I will become sexy and pretty. And here I am now.

--

"Wow bess, hanggang ngayon, diet ka pa rin?" nagtatakang tanong niya. On my lunch box was sliced apples and a piece of wheat bread.

"Oo eh. Ang taba ko kasi..." sagot ko.

"Ano, Reksha!? Eh ang sexy mo na nga!" gulat na reaksyon niya sa sinabi ko.

"Ano ka ba bess... Ang taba taba ko kaya. Kumain na nga tayo."

--

Ano bang sinasabi ni Ana? Sexy na ako? Tinignan ko ang katawan ko sa salamin. Yuck, ano ito? Ang laki ng mga braso ko, tiyan ko at hita. Nakakadiri. Hindi siya picture perfect. Kailangan kong mag-exercise.

--

"Bess, ang payat mo na! Anyare?" tanong ni Ana.

"Bulag ka ba, Ana? Ang taba ko nga eh."

"Uy, Reksha.. Ang payat mo na kaya."

"Hmp, ewan ko sayo Ana. Super taba ko na oh!"

"Ano ka ba, Reksha? Magsalamin ka nga!"

"Bahala ka nga diyan. Basta mag-gygym ulit ako mamaya."

Iniwan ko na siya at pumunta sa klase ko. Payat na daw ako? Tsk. Sinungaling.

--

Eat less, exercise more. Yan ang motto ko. And nandito nanaman ako sa gym, nagte-treadmill.

Kahit nahihilo na ako, nag-eexercise pa rin ako. I need to burn fats. Kailangan ko maging sexy ulit. Pero hindi na kinaya ng katawan ko. Dumilim na lang bigla ang paligid.

--

Nang imulat ko ang mata ko, nakita ko si mama at si Ana. Nakatingin sila sa akin, nag-aalala.

"Anak, anong nangyari? Nahiwalay ka lang sa amin, nangayayat ka na..."

"Ma, ano ba sinasabi mo? Ang taba ko eh... Kailangan ko magpapayat."

Binigyan ako ni Ana ng salamin.

"Reksha, tignan mo yang mukha mo."

Tinignan ko ang sarili ko. Lumalim na ang pisngi ko, maputla ako, pumayat ang mukha ko.

"Ano, Reksha? Yan ba ang mataba?"

"Anak.. Mahal ka namin kahit ano man ang itsura mo.. Please, tama na ang pagpapa-payat.."

Yinakap ako ni mama.

Sabi ng doktor, may eating disorder daw ako, ang tawag ay anorexia nervosa. Dahil daw sa takot na maging mataba, kaya nangyayari yun.

Na-discharge ako sa hospital at kinailangan ni mama na mag-stay ng isang linggo sa apartment ko para mabantayan ako at ang pagkain ko. Nung umalis na siya, ibinilin niya ako kay Ana.

--

"Bess, ganda natin today ah." sabi ni Ana. Ngumiti lang ako. Nagtext si mama.

[From: Mama
Good morning sa napakaganda at sexy kong anak. Don't miss breakfast or any meals. Remember anak, a healthy life is a beautiful life. Love you 😘]

I smiled. I am still battling with anorexia. And sometimes, all we need is a reminder that we are beautiful and loved. That we don't need to be perfect just to be accepted and receive love.

One-ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon