Lupaypay akong naglalakad pauwi ng bahay. Sino ba naman ang hindi, eh kakatapos lang ng final exams namin sa major subject namin. Ito pa ang huli naming asignatura ngayong araw at pang-hapon pa ito.
Muntik na akong masubsob ng akbayan ako ng isang lalaking ubod ng kulit. Naka-enervon ata ang isang 'toh! Andami pa rin niyang energy kahit pa maghapon kaming nag-aaral!
"Uy, kamusta exams mo!?" masigla niyang tanong.
Napasimangot ako at umirap. Ipagyayabang nanaman niya na napakadali ng exams.
"Ewan ko sayo."
Inalis ko ang braso niya mula sa pagkaka-akbay sa akin.
"Bigat bigat ng kamay mo eh! Tsk."
Nagpatuloy na ako sa paglalakad, pero ayan nanaman siya at umakbay muli.
"Kurt, ano ba!? Pagod ako, okay?" masungit na sabi ko at inalis muli ang braso niya. Naglakad na akong muli pero sumusunod pa rin siya.
"Baby, alam ko kung paano mawawala yang pagod mo..." malambing na sabi niya.
Kinilabutan ako sa kanya.
"Kadiri ka Kurt! Umuwi ka na nga!" pagtataboy ko sa kanya at binilisan ang aking paglalakad.
Bigla na lamang niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako papalapit sa kanya. Niyakap niya ako at hinaplos ang buhok ko.
Aaminin kong nag-init ang pakiramdam ng mukha ko at bumilis ang tibok ng puso ko.
"K-kurt! Ano ba! Bitawan mo nga ako!"
Nakakahiya itong ginagawa niya lalo pa't nasa gilid lang kami ng kalsada. Mabuti na lamang at walang taong naglalakad at mga sasakyan lamang ang saksi dito.
Pinilit kong kumawala ngunit tila naubos na ang aking lakas mula sa maghapong pag-aaral.
Nabigla ako nang ilayo niya ako sa kanya, hawak niya ako sa aking mga balikat. Matiim niyang tinitigan ang aking mga mata at ganun rin ako sa kanya. Namumula na ako dahil sa kaba at hiya.
"K-kurt, ano bang ginagawa mo?" tanong ko.
Napapikit ako ng ilapit niya ang kanyang mukha sa akin.
"Pinapawi ang pagod mo..." saad niya na siyang nagpamulat sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko nang idampi niya ang kanyang mga labi sa aking labi. Kung kanina'y napakalakas ng kabog ng aking dibdib, ngayon ay doble na. Inalis niya ang pagkakalapat ng kanyang labi at may ngiti rito.
Tulala pa rin ako kahit pa tapos na. Yung first kiss ko...
"Walang hiya ka Kurt! Yung first kiss ko!!" sigaw ko sa kanya ng matauhan ako. Tila ba nanumbalik lahat ng lakas ko at gusto ko siyang bugbugin.
"Nasa akin na. Gusto mong kunin?" naka-ngiti niyang sabi.
"Gago ka! Para yun sa magiging boyfriend ko tapos aagawin mo lang!" naiiyak kong sagot at pinaghahampas siya.
Hinawakan niya ang kamay ko at tinitigan ako sa mga mata. Mababakas ang sinseridad dito.
"Jennie, di mo na mababawi ang first kiss mo, pero pwede ko namang ibalik yun sayo ng paulit-ulit..."
Naguguluhan ako sa pinagsasabi niya.
"Jennie, will you be my girl? And I promise that I will be your every first kisses until my last breathe..."
"S-sandali nga, Kurt... Hindi ka ba manliligaw man lang?" tanong ko sa kanya.
"Hindi na. Dahil kahit tayo na, araw-araw kitang liligawan."
"Tsk." umirap ako at binawi ang mga kamay ko. Nagpatuloy na akong muli sa paglalakad.
"Uy, ano? Di mo ba ako sasagutin?" tanong niya habang sabay kaming naglalakad.
"Pag di mo ako sinagot, hahalikan ulit kita. Mas malalim, mas masarap." pagpapatuloy niya.
"Tumahimik ka nga diyan, Kurt! Nakakadiri ka." sagot ko, at hinawakan ang kamay niya. "Ihatid mo na lang ako ng matiwasay at umayos ka. Ipapakilala kita kanila mama at papa."
"Bilang boyfriend mo?"
"Hindi. Bilang araw-araw na manliligaw ko."
Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko at mabilis na humalik sa aking pisngi.
"Kinakabahan ako, baby. Dumaan kaya muna tayong bakery? Ibili natin sila ng merienda."
Napatawa ako sa sinabi niya.
"Huwag na. Nagluto na si mama. Alam niyang finals natin ngayon."
"Pero di nila alam na hindi lang pala test paper ang sinagot mo, pati ako."
Napangiti ako sa sinabi niya.
"Wag ka ngang kabahan. Mababait sila."
Napatawa ako dahil sa higpit ng hawak niya sa kamay ko. I never expected this guy to steal my first kiss. Kasi siya na ang laman ng kwento ko kanila mama at papa. Ang makulit na lalaking ito na laging binubuo ang araw ko, ngayon boyfriend ko na.
