TWY .2

13 1 0
                                    

Stranger

"Sa susunod na malaman ko pang nahihimasok ka sa buhay niya, alam mo na ang mangyayari sa'yo!"

Naubo ako ng maraming dugo sa lakas ng pagkakasuntok niya sa tiyan ko. Hindi ko inakalang ganito pala magturo ng ACADS ito. Kilala ko siya, dahil bata pa lang kami ay malaki na ang inggit nito sa akin.

Siya din pala ang nagutos sa fans ni Chloe na daganan nila yung braso ko upang hindi ako makakilos ng maayos. Hindi na ako magtataka kung malaki ang galit at inggit nito sa akin.

"Sa susunod na maulit ulit ito, buhay mo na ang kapalit, naiindtindihan mo?"

"Mahusay, Top! Hanggang dito talaga ay kaya mo akong ipahamak. O, ano? Magsipagbangon kayo, isusunod ko na sa hukay ang pinakamamahal n'yong reyna.., hindi pa tayo tapos, Top." Nilapitan ko siya at dinuraan sa mukha.

Pumunta ako sa cr para ayusin ang dugong umaagos pa sa noo ko. Masyadong napaaga ang pagsugod nila sa akin. Mabuti nalang at nakatakas pa akong buhay...

"Top"

Nanginginig kong tinignan ang pagmumukha niya sa bulletin board. Hindi parin ako makapaniwala na ang taong ito ay kabilang sa isang sorority.

Tignan natin kung saan aabot ang lakas at tapang mo. Kahit marami kayo ay hindi n'yo ako mapagkaisahan! Ako parin ang mangunguna sa labang ito. This is just a trailer of your chivalry. Magkikita pa tayo sa impyerno!

"Haist... ano bang nangyari sa noo mo?" pagaalalang tanong ni Tabitha nang makita niya akong magisa na naglalakad sa hallway.

"Wala... mauuna na ako sa inyo sa room." matipid akong ngumiti sa kanila.

"Why do you hiding this to us? Jianné, hindi na tama ito... we need to report this in school para mabigyan ng aksyon ang nangyari sa'yo at para maparusahan man ang taong gumawa sa iyo nito."

"Hindi na kailangan. This is too dangerous, wag na kayong manghimasok baka madamay pa kayong lahat. Wala kayong alam sa nangyayari sa buhay kaya shut it."

"Jianné, kaibigan ka namin kaya hindi namin papalagpasin ang nangyari sa'yo! Ibalik mo na yung sarili mo sa dati... please?"

Bigla na namang nagflashback sa utak ko ang nangyari sa akin.

"Ibalik mo na ang dating Jianné, please.. I'm begging you... bumalik na tayo sa dati." Naiiyak na pakiusap ni Liza at hinahaplos lang ni Tabitha ang likuran nito.

"Hindi na ako babalik sa inyo.."

"Before you go, who's Top? Bakit may komunikasyon kayo sa isa't-isa?" nagulat ako sa tanong ni Devyn.

"She is my great tutor in my Acads you have nothing to worrying about... masaya naman akong kasama siya."

"Kaya pumapayag ka na nalang na apihin ka ng grupo niya? Matagal ko nang kilala si Top! Marami siyang tauhan at anumang oras ay ipapatapon na lang nila ang bangkay mo sa kung saan."

"Answer me! Totoo bang inaapi ka ng grupo ni Top?!" sigaw niyang tanong sa akin.

"Oo.. siya nga ang bumugbog sa akin nung nakaraan. Ayokong malamangan ako ni Top kaya nakikipagaway ako nang dahil sa grades at play safe ako dahil hindi alam ng school counsilor ang kaguluhang to."

"Nang dahil sa grades ay nagkakaganyan ka, Jianné?! How you could even bear it?!"

"Shit! Mas maigi pang ginamit mo nalang si Chloe sa paraang hindi naman nakakasama sa'yo kaysa sa ganyan."

"Could you stop mentioning Chloe here cause she has another life. Matagal ko ng kinalimutan si Chloe kaya umisip ako ng paraan na hindi ako manggagamit ng ibang tao."

Together With YouWhere stories live. Discover now